28

5.2K 130 7
                                    

Chapter 28

"Pasensya na talaga Scott, ah? Hindi naman tayo masyadong magkakilala pero nadadamay ka pa. Hindi naman talaga kailangan ito." Buong puso akong humingi ng paumanhin at sinusubukang baguhin ang isipan niya.

Nilingon niya ako sa kabila ng paghahakot niya ng mga gamit sa likod ng kotse niya.

"'Wag kang mag-alala. Kung ibang tao man ang makita ko sa ganoong kalagayan ay mago-offer naman din ako ng tulong."

Hindi pa rin ako naging kumbinsido kahit sinabi niya iyon. Malamang ay tinulungan niya lang kami dahil naiipit siya sa sitwasyon.

Nahihiya ako pero wala pa akong maisip na solusyon ngayon.

Hindi talaga namin napigilan si Inang sa nais niya. Wala ring nagawa si Amang dahil nahihiya rin siya sa amin. Agad pang napauwi si Kuya mula sa trabaho. Galit na galit siya kay Amang na halos magawa niya kaninang suntukin ito pero dahil sa natitirang respeto ay nakapagpigil. Sa huli, siya na mismo ang naunang mag-impake sa amin, kaya naman nagsisunuran kami.

Kasalukuyan nga ngayong umiiyak si Inang at pinatatahan siya ni Kuya. Si Angela naman ay kasama si GD na naghahakot din ng gamit.

Since magkapatid nga sila ni Scott ay magkasama sila sa iisang bahay, pero gaya nga ng sabi nila. Walang nakakaalam no'n. Pero kanina nang matanaw niya kami ay agad siyang lumabas ng bahay nila at sinundo kami. Nag-aalala nga ako at baka may nakakita sa aming lahat kanina. May madadamay na namang iba at ayaw ko na no'n.

"S-Salamat talaga," pag-aappreaciate ko sa tulong niya.

"Nah. It's okay. Kaibigan kayo ni GD at nakausap na naman kita dati. Kaibigan na rin ang turing ko sa'yo." Ngumiti siya at binuhat ang dalawang bagahe papasok ng bahay. Sumunod naman ako sa kanya buhat ang backpack namin nila Angelou.

"Salamat talaga. H-hindi ba nakakahiya sa mga magulang mo ito?"

Kapal naman kasi ng mga mukha namin 'no? Mukhang mas marami pa kami sa mga totoong nakatira dito sa bahay nila.

"Don't worry, nasa ibang bansa sila. Buwan pa ang aabutin bago sila umuwi." Ibinaba niya ang mga bagahe upang buksan ang isang pinto sa second floor. Gaya ng inaasahan ko, maganda rin talaga ang bahay nila. Naglalaro lang sa kulay ng metal, itim, at puti ang mga muwebles.

Nakasunod agad ako sa kwartong pinuntahan niya. "Dito muna kayo pansamantala. Angelo can stay in the guest room para 'di kayo siksikan." Master's bedroom pala iyong ibinigay niya sa aming kwarto.

"Naku! Dito na lang din si kuya--nakakahiya na masyado sa 'yo."

"Yaya Fe. Paki-assist iyong lalaki nilang kapatid sa guest room please." Inutusan niya iyong nag-iisa nilang kasama rito sa bahay na mukhang nagpalaki sa kanila. Kanina pa siya nakatitig sa amin at pinagmamasdan ang mga ginagawa namin, mukhang nagtataka siya kung sino ba kami pero hindi naman isinasatinig.

Ngingiti dapat ako bilang pagbati pero napadpad na kay Scott ang mga mata niya.

"Ah sige." Sumunod agad siya.

"Pwede naman kaming sama-sama rito eh." Ngumiwi ako sa wala nang saysay na pamimilit ko. Labis labis na ang hiya ko.

"'Wag kang makulit. Kukunin ko lang 'yung ibang bagahe. Feel at home, okay?"

Sa huli, tinanguan ko na lang siya matapos niyang magsalita.

Nahihiya rin ako at nakikitulong pa siya sa paghahakot kahit pa lilimang piraso lang iyong mga bagahe at hindi naman gano'n kapuno dahil sa kamamadali kanina sa pagkuha ng mga gamit. Malamang marami pang naiwan sa bahay.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon