50

4.1K 99 13
                                    



Chapter 50

Hindi nawala ang ngiti ko hanggang pagkauwi ng bahay, pagtulog, maging pagkagising kinabukasan.

Ang bawat haplos at halik ni Jackson ay tila nagmarka sa buong katawan ko at tumatak sa isip at puso ko.

Kinikilig ako kapag naaalala ko ang nangyari sa'min kahapon. Para bang nanaginip lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na iyon ang una naming pagtatalik na pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa. It's not just sex, it's called make love.

Mas lalo pa 'kong kinilig nang ihatid niya 'ko kahapon, sinabi niya kayla inang ang mga nangyari, tapos girlfriend niya na daw ako ulit. On the other hand, he'll court me again despite the fact that we're already in a relationship.

Ganado akong pumasok ng unibersidad. Wala akong trabaho ngayon dahil may klase ako. Nalungkot pa nga ako nang maalala ko 'yon. Hindi ko kasi makikita si Jackson.

Ganunpaman, hindi non naalis ang ngiti sa mukha ko.

Nagtataka akong sinalubong ni Aika sa gate ng university.

"What happened? Good mood masyado ah!" sinundot niya pa ang pisngi ko.

Pabiro kong hinampas iyon at hinarap siya.
"May lovelife na ulit 'tong bespren mo. Kabog 'di ba?" I flipped my hair, teasingly.

Nauna 'kong naglakad kay Aika dahil nagpa-process pa ata sa utak niya ang mga binitawan kong salita.

"W-What the hell?!" narinig ko na lang na naibulalas niya. Napatawa tuloy ako bigla.
"Bruha! Ano'ng sinabi mo?" nanlalaki ang mga mata niya nang tumabi sa akin.

"Well." Nginisian ko siya at nagkibit balikat pa 'ko. I started walking and she eagerly followed me, as if she cannot wait about the news I am about to reveal.

"Pinagtataksilan niyo ba 'ko ni Scott?" pabulong niyang tanong. Pinanlisikan niya pa ko ng mga mata.

Pinangunutan ko agad siya ng noo. Ano na namang pumasok sa isip nito?

"Pinagsasabi mo?" bahagyang tinaasan ko pa siya ng kilay. Anong akala niya sa amin ni Scott? Kaya siyang pagtaksilan? May bago na naman ata siyang napanood ay pinoproject na naman niya sa true life. Napailing ako.

Agad bumalik sa maaliwalas ang mukha niya. "Ah okay. Hindi niyo ako niloloko. Edi, sino? ... OMAYGAWD! IS IT LLOYD?!" she exaggeratedly widened her eyes and smiled as if her guess was correct.

Isang matinding batok ang iginawad ko sa kanya. Hindi ko rin malaman minsan kung okay pa ba siya o ano.

"Gaga. Sino ba ang mahal ko? Sila ba? Bespren ba talaga kita?" I rolled my eyes at her.

"Ay, oh my gosh! K-kayo na ulit?" hindi maipinta ang mukha niya nang humarap sa'kin. "No joke?" dagdag niya pa. Finally.

Muling kumislap ang mga mata ko sa kilig. I started reminiscing what just happened between Jackson and I.

"Oo naman. Hindi naman kami nagbreak."

"What the! In just a snap, you're together again? Tell me what happened!" kinikilig na usal niya. "After waiting so long! Nagbabalik ang aking Team PoySon!" Tumalon-talon pa siya habang naglalakad.

Akala mo talaga isang love team sa telebisyon ang nagbalik sa reaksyon niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginagawa ngayon ng best friend ko. She's more than happy for me and I can clearly see that.

Siya gumawa no'ng pangalan na 'yon. Kung anu-anong kabaliwan ang naiisip nung mga panahong sobrang lungkot ko. Hindi ko nga alam kung ako ba ang nababaliw ng mga panahon na 'yon o sya.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon