3

13.3K 335 61
                                    

Chapter 3

_______

Maaga akong nagising ngayon dahil una sa lahat ay Lunes na, may pasok kami at ang pangalawa ay dahil sa tunog ng kukurap-kurap kong cellphone. It was caused by text messages from Aika Marie. I-flood daw ba ako ng gaga. Hindi makapaghintay na pumunta ako ng school at doon na magkwento. Nagising tuloy ako pati mga kapatid ko agad-agad. Pero buti na lang at ginawa niya iyon. Nakalimutan kong magset ng alarm kagabi.

Inayos ko ang kurtina ng bintana namin sa kwarto. Akswali, butas lang iyon at pwedeng-pwedeng pasukan. Buti na lang at may second floor itong bahay namin. Hindi pa kasi ito tapos at mukhang matatatagalan pa bago makaipagpatuloy ulit. Walang pera eh.

Nag-ayos na ako at ginawa ang aking morning routine. 'Tsaka ako bumaba para mag-almusal.

Pandesal at pancit canton ang nasa lamesa kaya iyon lang ang kinain ko. Pati na rin ng mga kapatid kong papasok na. Pero si kuya at papa ay mamaya pang alas syete bumabangon. Alas cinco pa lang naman.

'Pag weekends ay alas dies sila gumigising--kami pala; sinusulit namin angh pagtulogkasi wala naman kaming pasok.

Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Inang. Nilingon ko siya. 'Yung mukha niya, nakapormang mag-uutos na.. kinabahan ako.

"Pumunta ka ng palengke mamaya at bumili ka nito. Eto pera," utos niya sa akin sabay abot ng limang daan na straight pa. Mukhang kasasahod lang ni Amang.

"Inang naman! si Angela na lang! Mas malayo school ko kesa sa kanya." Malapit sa kabihasnan ang private school ng gaga kong kapatid. Pinagpala siya sa utak kaya nagka-scholar nang maghigh school at nalipat sa mas magandang eskwelahan. Samantalang ang eskwelahan ko naman ay semi -private. Doon na kasi kami nag-aral simula grade school, hindi na nagtangka sila Inang na ilipat ako o si Angelou. Mababa lang naman ang mga binabayaran--nakakaya pa raw nila. 'Tsaka nandoon ang mga kaibigan namin.

"Mas maaga kang umuwi kaysa sa kanya! Edi ikaw rin ang uutusan ko. Sige na at 'wag ka nang umangal!" Pinagtulakan niya ako palabas ng pinto ng bahay namin.

Napailing na lang ako habang nakasimangot at tuluyang lumabas sa gate namin. Hindi ko na iyon isinara dahil mahirap. Masyado nang makalawang at natatanggal ang turnilyo, kapag isinara ay aabutin ka nang siyam-siyam dahil sa gumagasgas sa lupa. Napipigilan noon ang pagsara.

Naglakad na ako papunta sa kanto. Nakita ko pa ang mga nag-inuman kagabi na nakatulog sa harap ng tindahan ni Aling Nonita. Labo-labo ang itsura nila. Mayroong nasa lamesa, sa kalsada, nakaupo sa lapag, at meron ding nakahiga sa kandungan niya. Hindi na siguro nakauwi dahil sa kalasingan.

Kinawayan ko si Aling Nonita nang makita. Suki kasi kami niyan pagdating sa utangan. Close na tuloy kami.

Ang ibang mga tambay na kapitbahay namin ay nadaanan ko rin. Aga-aga mga tambay agad. Masikip ang lugar namin. Hindi s'ya skwater area o mas lalo namang hindi village. Nasa middle na pababa ang katayuan ng lugar namin.

Pagdating sa kanto ay halos mapahampas ako sa noo.

May humintong kotse at bumaba agad ang bintana no'n.

"Hindi ka talaga makapaghintay." Napasimangot ako sa kanya. "Pupunta naman akong school," dagdag ko pa.

"Naman! Naninigurado lang. I know you more than you know yourself," sabi ni Aika Marie Gonzales. Hindi naman talaga rito ang way niya papuntang school. Talagang atat lang siyang magkwento ako. Pero sa totoo lang ay tama siya. Mas kilala niya ako. Anyways, paanong hindi? She's my bestfriend. Kahit mayaman 'yan ay halos ibaba niya ang sarili maging magkapantay lang kami. Alam niya lahat ng kilos ko, maging ng ugali ko. Isa na doon ang pagiging tamad pumasok.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon