39

3.5K 102 14
                                    

Chapter 39

______

"Hindi sila pwedeng pumunta rito!" nagpapanic na sabi ko.

"Malamang! Hindi niyo naman bahay 'to 'no!" sabi ni Sally pabalik.

"Aish! Those bitches! Sabi na e! They will do nothing but sakit sa brain cells! What are we gonna do now?" Kung nagpapanic ako, mas nagpapanic si Prya. Lumingon-lingon siya sa amin na para bang nakatago sa amin ang sagot.

"Salubungin natin sila?" seryoso at mahinhing suggest ni Dea.

Napahinto kami sa paglakad nang pabalik-balik at nilingon siya.

"Tara bilis! Malapit na sila!"

Sabay-sabay kaming tumakbo paalis ng bahay kahit na sinubukan pa kaming tawagin nila Lola Wella.

Maraming bumabagabag sa akin. Hindi na ako makapag-isip nang tama. Masyadong mabilis ang mga nangyayari at hindi ko alam kung bakit nga ba 'to nangyayari! At bakit sa akin pa? Ang bata bata ko pa para makaranas ng ganitong mga problema!

Bakit kasi ang aga ko lumandi?

Nyemas.

Biglaan ang pagpreno naming magkakaibigan sa pagtakbo nang mamataan namin ang mabilis na takbo ng kotse nila Alex.

"Fuck! AYOKO PANG MAMATAY!" Naunang tumakbo si Cola pabalik sa pinanggalingan namin. Sumunod din agad kami na may mga kasama pang mura.

"Kung h-hindi ka lang namin kaibigan Poyi.." hinihingal na si Sally pero nagsalita pa rin.

"Ah shet! Bakit ba tayo bumabalik? Hindi naman siguro nila tayo papatayin!" sabay hinto ni Aika. Gumaya naman kami.

Paglingon namin sa likod ay huminto na rin ang apat na kotse. Sa unang kotse ay nakangising bumaba si Alex kasama ang tatlo niya pang mga kabarkada. On the second one, five familiar faces of our schoolmates got out from their car. On the third one, schoolmate din namin ang nasa pangatlo at sa pang-apat, mga propesyunal na taong may dalang mga mikropono at kamera ang bumaba.

M-Media?

Bakit naman nagdala pa sila ng media?!

Napapadyak na lang ako. Gusto kong maiyak ngayon!

"Anak ng!" bulong ni Aika.

"Problema talaga lagi hatid nitong mga 'to eh," iiling-iling na sabi ni Cola.

"Tsk. Tsk. Why running so fast? Wala namang humahabol sa inyo." humagikgik nang pabebe si Alex. Nakihagikgik din naman ang iba niyang kasama.

"Wala naman palang humahabol. Tara na uwi!" Tumalikod na si Cola at umuna sa paglakad.

"Ay ganon? Bili muna tayo sitsirya!" Sinundan siya ni Sally at Dea.

Bumalik na rin kami nila Aika kasi syempre, wala naman palang kwenta ang pagharang namin sa kanila. Muntanga lang kami kanina. Mamaya dadaan lang pala talaga sila rito.

"Hey! Hindi pa kami tapos! Bakit niyo kami tinatalikuran?" sigaw ng isa sa kasama ni Alex.

"H'wag niyong pansinin 'yong papansin." Natawa 'ko sa sinabi ni Sally.

"Papansin?" naiirita nilang sigaw. Pero patuloy naman kami sa paglakad pabalik. Ilang metro ang layo mula sa gate nila Lola Wella.

Tigil-tigilan lang talaga nila ako. Iba ako 'pag brokenhearted.

"Papansin pala ah."

Napahinto ako nang may maramdamang nabasag na kung anong bagay sa ulo ko. Nang hawakan ko iyon ay mamasa-masa at nalamang itlog pala 'yon nang silipin ko.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon