26

6.6K 161 8
                                    

Chapter 26

"Ate! 'Di mo nakita 'yung towel---"

"Tower kasi 'yun, Angelou." singit ni Angela.

"Kaya nga po, towel---"

"Tower nga! Ta-wer." Mabagal niyang tinuruan ang bunso naming kapatid.

Pinagmasdan ko lang sila habang nagsasaing. Matapos ng weekend namin sa ibang bansa, umuwi rin agad kami dahil bukod sa date lang iyon, may pasok pa bukas kaya 'di pwedeng sumobra sa two days ang stay namin ni Jackson sa Hongkong, gano'n din sila Angela sa Paris.

"Taaa-wel!"

"Anak ng-- tower nga kasi! Tower! Tower! Tower!" Mukhang nanggigigil na si Angela kaya umeksena na ako.

"'Wag mo kasing pilitin, Gela, alam mo namang bulol pa 'yan eh." Pumameywang ako sa harap nila.

Nakaupo kasi sila sa sala habang nanonood si Inang– na parang walang naririning dahil busy siya sa pinanonood niya.

"Kaya nga tinuturuan ko ate eh." Sinimangutan niya si Angelou na dinidilaan lang siya.

"May titser 'yan. Hayaan mong sa school siya matuto nang may silbi iyong mga titser niya. Gabay ka lang. Gabay! Gets?"

"Edi gabay." Inismiran niya lang ako.

Ha! Ang babaeng ito. Bruha talaga.

Inirapan ko na lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Matapos naming sabay-sabay na naghapunan. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga naranasan namin sa piling nila Paris at Hongkong. Syempre nag-inggitan kami, kesyo pumunta sa ganito, napadpad sa ganyan.

Tapos, ngayon ko lang naalalang may assignment kami. At dahil mabuti akong mag-aaral, bukas na lang ako gagawa, kokopya ako kay Aika.

Medyo late na nang magising ako, siguro dahil sa pagod namin kahapon at sa jetlag. Kaya nagtatatakbo pa ako papunta sa kanto, mahirap na kasing sumakay 'pag late ka.

"Good morning." Napahinto agad ako nang makita si Jackson.

T-teka, bike ba talaga iyong nasa likod niya? Amazing.

Naka-white V-neck shirt siya, black cap, may shades din na nakasabit sa damit niya, khaki shorts, at crocs
tapos nasa likod nga niya iyong mountain bike ba tawag don? Aba, malay ko.

Why so gwapo naman dis guy?

"Male-late ka na." Nabalik naman ako agad sa ulirat.

"Sabi ko nga eh. Teka, sasakay ako diyan?"

"Hindi, itutulak mo 'to hanggang sa makarating ka sa school mo. Bobita." Nagbakla-baklaan siya at kunwari pang inirapan ako.

Napahagikgik na lang ako. Na-miss ko 'yon ah?

"Tutulak lang pala eh. Easy!" Sinakyan ko ang trip niya. I started to push his bike while he's looking amusedly at me.

"Gagita ka, 'wag ka sanang ma-late sa paraang pinili mo ah?" natatawa niyang sabi, patuloy pa rin sa pagbabakla. Nakakatawa lang dahil hindi naman bagay sa outfit niya ang ginagawa niya.
"Okay, you'll be late. Sumakay ka na," nakangiti niyang sabi.

Ginantihan ko siya saka inihatid na niya ako sa school. Nakaupo ako sa harap ng bike niya. Dahil maaga pa, konti lang ang mga tao sa labas. Nakakae-enjoy talaga lalo.

Isa 'to sa mga moment na gustong-gusto kong maranasan noon kasama ang magiging boyfriend ko. Lalo na kay GD dahil siya ang gusto ko noon, pero ngayon... I can say na mas malalim ang bangin na pinaghuhulugan ko kay Jackson.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon