33

4.3K 128 12
                                    

Chapter 33

Hindi ako ready, pero mukhang masayang-masaya silang hindi ako ready.

Pagkahatid sa akin ni lolo, saktong pagbaba ko sa tapat ng airport ay agad-agad ang pag-alis ng sasakyan niya. 'Yong SUV-ng dala niya ay nagmistulang sports car dahil sa matulin niyang pagpapatakbo.

Of course, besides that, I was really shocked! Confused! At kahit itanggi ko man, excited rin talaga!

But then I realized, I don't have any passport or whatsoever. Ang tanging dala ko lang ay iyong backpack na puro damit ko pala ang laman at... 'yung briefs na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin at nakakahiya dahil pinagtitinginan ako ng mga tao dahil doon!

Hindi ko sinasadyang naitakip sa mukha ko ang mga brief sa hiya.

"Miss? What are you doing?" A guy approched me.

Tinanggal ko ang brief na ipinangtatakip ko at tumikhim.

Gaga ka kahit kailan Angeles! Nakakahiya!

"A-ah wala. T-teka? Sino ka?" bigla kong tanong dahil nakaabang ang kamay niya sa harap ko. Namamalimos ba sya? Pero he looks too rich to be a beggar. Besides, naka-Rayban shades pa siya.

"I'm Cyan James. One of Jackson's friends in the entertainment industry. Ako ang maghahatid sa'yo sa kung nasaan siya, gaya ng utos ni Lola Wella." Iniangat niya ang kanyang shades at halos mahimatay ako nang makilala siya.

Napaturo ako sa mukha niya.

"I-ikaw 'yung sikat na singer! 'Yung teenager na singer! OM--" tinakpan niya ang bunganga ko at sinenyasang manahimik.

"Sssh! Why so careless? Tayo na nga bago pa may makakilala sa 'kin dito." Hinatak niya 'ko sa palapulsuhan. Dumaan kami sa walang taong lugar pero may mga nag-aassist sa amin. Namataan ko na lang na nakalabas na kami dahil sa sobrang lakas ng hangin na humahampas sa buhok ko papuntang mukha. Dahil hawak niya ang wrist ko at hawak ko naman sa kabila ang mga briefs, hindi ako magkanda-ugaga sa pag-aayos ng buhok.

Medyo na tatalisod pa ako at kung hindi niya ako hawak ay malamang nadapa na ako. Sa isang iglap lang ay nasa harap na kami ng isang private plane.

Ay ang taray. Magkano kaya binayad nila Lola Wella rito? Pinagmasdan ko iyon at hindi makapaniwalang iyon ang sasakyan ko.

"We have 13 hours of flight so I suggest you to take a nap so you could rest a bit," sabi niya pagkaupo namin sa loob. Magkaharap kaming dalawa.

Tumango-tango lang ako at sinilip ang nasa bintana habang pataas kami nang pataas.

Hala hala! Ito talaga 'yung first time na makikita ko iyong unti-unting paglipad ng eroplano! Ayoko munang matulog dahil nung unang sakay ko sa eroplano ay tulog ako! Kailangang masaksihan ko ngayon ang moment na 'to!

"And please? Pwede bang.. paki-tabi na iyang mga hawak mo? They are distracting me." Umiwas ng tingin si Cyan at nagbasa sa magazine.

Gaya ng sabi niya ay itinabi ko na ang mga iyon sa loob ng backpack. Namumula pa ata ako sa hiya dahil guilty at nalimutan ko na ang mga iyon sa sobrang excited sa moment na ito.

Bago pa makarating kay Jackson ay nai-broadcast ko na sa taumbayan ang brief na ireregalo ni lola Wella sa kanya. Bakit kasi 'di man lang binalot ni Lola?

"Hey! Wake up! Nandito na tayo."

Ang inaakala kong maikling iglip ay naging mahimbing.

Nandito na kami agad at hindi ko man lang namalayan!

"A-Ang bilis naman? Hindi traffic ngayon?" Kakamot-kamot ako sa batok at tsaka nag-inat.

"Ha? Paano magkakatraffic? We are in an airplane." gulat at nagtatakang sambit ni Cyan.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon