46

3.7K 107 24
                                    




Chapter 46

________

"Ate gising naaaa! Aww!"

Bumungad agad sa akin si Angelou na nakanguso habang nakahawak sa noo niyang natamaan din ng noo ko.

"Bakit kasi ang lapit ng mukha mo?!" sita ko sa kanya habang hinihimas din ang noo ko. Aga-aga nababadtrip ako sa batang 'to e.

At aba! Hindi na nga ako sinagot, inirapan pa ako. Asdfghjkl pigilan niyo ko!

"Anong ulam inang?" pagbaba ko ng kwarto. O bongga, may second floor na ngang tunay talaga ang bago naming tahanan. Thanks to our sponsor- kuya Angelo! Yieee, ganda na kasi ng trabaho niya. Salamat naman daw kay Scott na tumulong sa kanya 'no.

"Tinapay meron dyan. Walang nagsaing. Mga tanghali na kayo nagsigising anong ine-expect mo?" mahabang sabi ni inang na busy sa morning show na pinanonood. Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko e. "Hala! Nandito na pala iyong si Jackson!" Sigaw niya habang nakatutok pa rin sa TV.

Napalapit naman ako agad doon.

Teka, bakit 'di ko alam ang schedule ngayoooooon? LAGOT AKO NITO!

"Shet! Inang! Papasok pala ako! May trabaho na 'ko! Patay ako nito!" hindi ako magkandaugaga sa pag-akyat ng hagdan at pagkain ng slice bread na kinuha ko.

Mga limang buhos lang ata yung ginawa ko tapos sabon ng mga 2 seconds tsaka buhos ulit tapos hindi na rin ako nag-shampoo. KAILANGAN KONG MAGMADALI!

"Hoy?! Ano'ng milagro ang ginawa mo at napakabilis mo?" nanlalaki ang mga mata ni kuya na nagulat sa akin paglabas ko ng kwarto ko. O bongga! May sarili na rin akong kwarto.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang akong bumaba habang nagsusuklay. Nagawa ko pang i-text si Lloyd gamit ang isa ko pang kamay. This is wht you call multi-tasking dude.

"INAAAAANG! AALIS NA 'KO!" nakakabinging sigaw ko habang palabas ng gate at naglalagay ng clip sa bangs ko para 'di sumabog, yup may bangs na ang lola niyo. Bongga na rin gate namin. Nasasara na ng maayos, pero may kalawang pa rin.

"Ingay mo ate!" sita ng nag-aaral ko kunwaring kapatid na si Angelou.

Saktong pagdating sa kanto. Kumakaway-kaway na agad ang naka-motor kong kaibigan.

Mga bes, let me introduce to you again. My used-to-be-taymbay-friend before... Lloyd and his friends! Pero si Lloyd nga lang pala ang nandito. Siya ang may pinakamalapit na condo-yep, CONDO-dito sa bago naming tinitirhan.

Una talaga akala ko wala na siyang pag-asa. Pero alam niyo bang may talent pala sila? Nadiskubre nilang marunong silang kumain ng buhay na manok at tumulay sa barbwire ng barefooted! Pero charaught lang. Nadiskubre talaga nilang marunong silang KUMANTA at TUMUGTOG. They have become a band and been scouted and now are popular around the country. They are making their name in the industry! And being one of their friends, I'm really proud of them! Seriously.

They are in the same entertainment with Scott. Kaya kapag napapadalaw ako doon ay para bang artista na din ako sa dami ng kakilala ko. Just when I thought na I am really surrounded by a lot of famous people. I know them personally.

"Why does your job need to be here?" iritadong tanong ni Lloyd pagkatanggal namin ng
helmet.

O 'diba? Nag-eenglish na ng todo 'yan! Hindi na rin patpatin silang buong banda unlike noon. They've learned the words eat, diet, and workout. Sino'ng may pakana? Si Scott! Bestfriends na daw sila!

At mas vibe daw nila si Scott kaysa kay Jackson! Pagkumparahan daw ba nila e.

Bumaba muna ako bago sumagot. Pero naunahan na ako ng taong nasa likod ko.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon