9

9.7K 240 14
                                    

Chapter 9

Edited 7/19

If you find errors, please help me correct it. Thank you!

_____

Hindi ako umangal sa sobrang bilis na pagpapatakbo ni Jackson. Ako naman kasi ang may kasalanan kaya wala akong sinasabi the whole time na nasa kotse kami.

Pero maya-maya lang ay tumawag si Aika. Recess time ata iyon dahil naririnig ko pa sila Dea sa background noise. Malamang ay nasa cafeteria nga sila.

[Nasaan na you?] narinig kong sabi ni Prya.

"Nasa kotse pa rin kami ni Jackson. Hindi ko alam kung saan kami patungo," sagot ko at pilit hinihinaan ang boses habang nakaharap sa side ng bintana sa tabi ko dahil ayokong makuha ang atensyon ni Bakla. Madilim ang aura niya at feeling ko, marinig niya lang ang boses ko ay sasabog siya. Nakakaiyak.

[Ligtas naman kayo 'di ba?] Si Dea naman ang nagtanong. Pinagpapasapasahan ata ang iPhone ni Aika.

"Oo. Malayo na kami sa mga humabol na fans at media." Napabuntong hininga ako.

[HINABOL KAYO?] Napatakip ako ng aking tenga nang sumigaw si Cola. May pagka-OA rin talaga ang babaeng ito eh.

"Kasasabi ko lang, hindi ba?" Napaface palm na lang ako.

[Sige. Ipinaalam ka namin kay Ma'am. Siguraduhin niyo na lang na hindi kayo masundan sa bahay mo kung uuwi ka na. Maganda pa rin 'pag may privacy.] Si Aika ang narinig kong nagsalita tapos ay nagtalo sila sa pag-aagawan ng cellphone na malamang ay kay Aika dahil kanya ang numero. Hanggang sa marinig ko na lang ang conyong pananalita ni Prya, siguro'y siya ang nanalo sa pag-aagawan nila.

Napabuntong hininga na lang ako.

[Tapos alam mo ba?! Our schoolmates are so irritating! They are talking about you na kaya! Bakit daw ngayon lang nila na-notice na baka may namamagitan sa inyo ng idol nila since the day nung sinundo ka ni Jackson! Like, ano bang pakialam nila right? They are soooo tsismosa pa kesa sa akin! Kailangan pa bang sabihin 'yan, Prya? Of course 'noh!] inis na inis na balita niya sa akin. Napatawa na lang ako dahil sa way ng pagsusumbong niya, narinig ko pa ang boses ni Aika na inaawat siya.

Pero sa kabilang parte ng utak ko ay nag-aalala rin ako. 'Wag sana silang makipag-away, ayokong madamay sila. Naiisip ko rin kapag pumasok na ako bukas. Baka kung anong marinig ko, though wala naman ako masyadong pakialam. Ewan ko ba. Kinakabahan ako.

Hindi pa ko nakakarecover sa tawag nila Aika nang magring ulit ang cellphone ko. Tahimik masyado kaya napapalingon sa akin si Jackson sabay irap. Ang taray talaga ng baklang ito.

Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan ang caller.

"Hello?" hinintay kong sumagot ang nasa kabilang linya. Mga ilang segundo pa bago ko narinig ang boses niya.

[Ah, ayos ka lang?] Nag-aalangan pa siya sa pagtanong. Umamin kasi ako sa kanya noon. Hindi na niya ako kinausap at ilang buwan na ang nagdaan. Siguro naiilang pa siya.

"O-oo, ayos naman. Bakit?" Nilunok ko ang bumarang laway sa lalamunan ko. Tsk, kadiring imaginin 'no?

[Nabalitaan ko kasing inabangan ka ng mga fans nung Jackson at media sa tapat ng school.] Malamang ay kay Angela niya lang iyon nabalitaan. Si GD nga pala ang kausap ko. Schoolmate ko siya, kabatch, katabi ng room, naging kaibigan tapos pinakilala ko kay Angela na naging dahilan kung bakit may forever sa kanila. Lol, maghihiwalay rin kayo.

Pero joke lang. Bahala kayo. Sana magtagal kayo at maging official na dahil ayoko masayang ang effort ko.

"Ah, iyon ba? Naku, okay na 'ko. Iyon lang ba itinawag mo? Baba ko na ah?" Narinig kong magsasalita pa sana siya pero ibinaba ko na. Ayokong marinig ang boses niya. Nabibitter ako.

"Sa bahay niyo tayo didiretso." Nawala ang kabitteran sa isip ko at napunta kay Jackson nang bigla siyang magsalita.

"Okay. Bahala ka." Nagkibit-balikat pa ako sa kanya. Nawawala ako sa mood. Male-late na nga sa lesson, mapapahamak pa ko sa mga fans at media, tapos tumawag pa yung lalaking pilit mong kinalilimutan dahil gusto mo nang magmove-on kahit hindi naman naging kayo. Nakakasira ng araw.

"What's with you? Ako dapat ang masungit dito dahil kundi diyan sa kakulitan mo, hindi sana tayo makikita ng mga media," sabi niya. Mataray pa siya sa akin. Minsan talaga lumalabas ang kabaklaan niya, lalo na kapag naiinis. Tapos minsan lalaki siya, lalo na kapag seryoso o kaya naman ay nasa huswisyo siya at kaharap ang maraming tao. No wonder na marami na siyang awards, isa talaga siyang magaling na actor. Paniguradong diring-diri siya kapag may nakakahalikang aktres.

Gaya nga ng sinabi niya ay dumiretso kaming bahay. Nagulat pa si Inang nang makitang umuwi ako nang maaga. Agad siyang lumapit sa amin.

"Anong nangyari?" Nagtataka siyang tumingin sa amin habang tinatanggal ang apron. Malamang ay naghahanda na siya para sa pananghalian maya-maya.

"Wala naman, hinabol lang kami ng mga fans niya," nakabusangot kong sagot.

"Hinabol kayo? Buti at hindi kayo napahamak. Sige at magbihis ka na ng pambahay. At ikaw Jackson, baka may pupuntahan ka?"

"Wala naman po."

"Ganoon ba? Dito ka na lamang magtanghalian. Mauna na ako at tatapusin ko pa ang gawain sa kusina." Hindi na hinintay ni Inang na magsalita si Jackson at mabilis na bumalik papunta sa kusina.

"Tara!" Dumiretso agad ako sa marupok na hagdan namin pagkawala ni Inang.

"Saan?" nakakunot noong tanong ni Jackson.

"Sa kwarto!" sagot ko at tinignan siya na para bang sinasabi kong 'Obvious ba?'

Nagtataka man ay sumunod na lang siya sa akin.

Pagkasarado ng pinto ay walang pasabi akong naghubad sa harap niya. Nakasara naman ang kurtina sa bintana at bakla naman ang kasama ko kaya okay lang....siguro.

"H-hey! W-what are you doing?" Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Duh! Edi naghuhubad!" Hindi ko malaman kung saan napunta ang utak nitong baklang ito eh.

"Why?" tanong niya habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Ay shunga. Hindi ba't pinagpapalit ako ng pambahay ni Inang? Bakla ka naman kaya ayos lang kahit sa harap mo ako magbihis."

Matapos kong magsalita ay ipinagpatuloy ko na ang paghuhubad ng blouse at skirt.

Wala siyang nagawa at nakanganga na lang akong pinanood habang naghuhubad. Pinigil ko ang pagtawa sa naging reaksyon niya. Malamang ay naiinggit na siya sa katawan ko.

Papunta na sana ako sa cabinet namin para humanap ng pampalit nang makita ko ang pag-iiba ng reaksyon niya mula sa gulat hanggang sa hindi maipaliwanag na reaksyon. Nandidiri ba siya o ano?

"Fuck!" narinig kong nagmura siya nang mahina.

Aha! Naiinggit?

Lumapit ako sa kanya nang kaunti. Dahil una sa lahat, malapit sa kanya ang cabinet. Pangalawa, para pagmasdan ang gwapong namumulang mukha niya.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Naiinggit ka 'no?" Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa. Ang sarap palang inggitin ng taong ito, nakakatawa ang ekspresyon niya.

"You think I'm envious of you?" Mula sa nanlalaking mata ay nanliit iyon at masama akong tinignan. Sobrang bilis ng pagbabago ng ekspresyon niya.

"H-Hindi ba?" I was a bit startled but I tried to cover it. Panindigan mo 'yan, Poyi.

"Well..." Ngumisi siya at lumapit pa lalo sa akin. And when he's only a few inches away he whispered, "walang nakakainggit sa'yo." Nakakakiliti sa tenga ang hininga niya pero hindi ang mga salita niya.

My face heated up. Sobrang nakakahiya pero nakakagigil.

Walang pagdadalawang isip ko siyang itinulak sa kama ni Angela — nasa gitna 'yon — at agad na pinatungan. Wala palang nakakainggit ah; ipaparamdam ko sa'yo ang mga bagay na sa'kin– isang babae– mo lang mararamdaman.

________

TBC

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon