11

9.6K 273 25
                                    

Edited 7/19

Chapter 11

"Inang, tahan na." Hinagod ni Angela ang likod ni Inang. Nakatingin lang ako sa kanila habang pinagagalitan ni Amang.

"Paano na niyan ang pag-aaral mo? Sigurado bang buntis ka? Gelo! Tawagan mo nga iyong gagong nakabuntis dito sa kapatid mo!" utos ni Amang kay kuya na agad namang tumalima.

Dumaan sa gilid ko si kuya at inasar pa ako kaya binatukan ko siya.

"Ayan, masyado kasing excited." Humahagikgik siyang pumunta sa labas para siguro magpaload kay Aling Nonita.

Agaran ang pag-uwi nila Amang nang tinawagan siya kanina ni Inang. Pagkasabi ko kasi na 'baka' naglilihi ako ay ibinalita niya iyon agad. Si Angela tuloy ay napauwi nang 'di oras.

Nakakaasar lang dahil hinatid siya kanina ni GD. Ang taray nga eh, nakakotse rin. Sus! Semi-Private lang din naman nag-aaral gaya ko.

"Amang! Wala akong numero nung nakabuntis kay Poyi!" balita ni kuya.

"Ay lintek! Poyi! Ano'ng numero noong lalaking iyon?" Gusto ko sanang itama si Amang dahil hindi naman lalaki si Jackson. Pero hinayaan ko na lang.

"Amang, wala rin akong number no'n eh."

"Naku! Sinasabi ko na nga ba! Maaari ka no'n takbuhan eh!" Nanlilisik ang mga mata ni Amang. Tuloy-tuloy ang pagsabog niya hindi tulad noong kausap namin si Jackson.

"Eh Amang, hindi pa naman kasi sure na buntis ako. Hindi pa nga ako napapacheck up. Ang sabi kasi ni Aling Nonita, after a week daw lumalabas ang sintomas ng pagbubuntis? Baka naman nag-crave lang ako sa noodles na may toyo at suka?" Nagsisisi talaga akong sinabi kong baka naglilihi ako eh. Napapadalas na talaga ang pagsisisi ko. Masyado na atang mali ang mga nagiging desisyon ko.

"Gelo! Bumili ka ng pregnancy test ngayon din! Kapag buntis itong si Poyi ay ihihinto na ang kanyang pag-aaral." Nanlaki ang mata namin sa sinabi ni Amang.

"Bukas na Amang, sarado na ang mga malapit na drug store eh."

Hindi ko na narinig ang mga pinag-usapan nila. Para bang nabingi ako at paulit-ulit ang sinabi ni Amang sa utak ko.

Natakot ako.

Paano kung buntis ako? Ano ba dapat ang maramdaman ko? Matuwa dahil sa bagong anghel na darating sa buhay ko? O malungkot dahil maaaring hindi ko maabot ang mga pangarap ko?

Kahit tamad akong pumasok, may pangarap pa rin ako ano!

__

Ika-dalawang linggo na nang paghatid sundo sa akin ni Jackson. Maingat namin iyong ginagawa. Nahinto na ang panggugulo sa amin ng media dahil tinakpan agad iyon ni Jackson. Kinailangan niyang i-date ang bagong leading lady niya sa bago nilang ginagawang teleserye. Doon tuloy napunta ang atensyon ng society. Sinabi niya ring president ako ng isang fans club niya kaya namamataan akong kasama niya. Sus, puro kasinungalingan. Pero, hinayaan ko na lang din para sa ikatatahimik ng buhay ko.

"Damn. Ang arte talaga ng bago kong leading lady." Hot niyang pagkakasabi. These past few days kasi, masyado akong naaattract sa baklang ito. Parang naadik nga ata ako sa halik niya kahit na ilang linggo na ang nakakaraan.

Napatunayan na nga rin pala naming hindi ako buntis. Oo, kaya naman nagdiwang kami. Simula rin no'n ay naging magkaibigan na kami ni Jackson, nakapalagayan niya ako ng loob dahil na rin siguro sa ako lang ang nakakaalam ng sikreto niya. Ipinagpatuloy niya rin ang paghahatid-sundo sa akin dahil nakagawian niya na.

Alam na rin ito ng mga kaibigan ko. Meron pa ngang time na nagtampo sa akin si Aika dahil masyado na raw kaming close ni Jackson, nakakalimutan ko na raw siya. Baka raw mamaya ay totoo nang mabuntis ako. Tinakot niya pa ako na kapag hindi ko siya ipinakilala kay Jackson ay hindi na kami magkaibigan. Tsk tsk tsk, hindi pa rin kasi sila nai-inform na bakla itong si Jackson. At wala naman akong balak na ipagkalat kahit pa sa kanila, hindi ko naman 'yon sikreto.

Anyways, heto na nga kami ngayon, nasa byahe patungong school ko. Nagrereklamo na naman siya tungkol doon sa leading lady niya na hindi ko pa nakikita. Kinukwento niya ngang minsan ay nilalandi siya raw siya no' n. Tinatarayan niya na nga pero parang lalo pa siyang gustong akitin.

Diring-diri tuloy ang bakla.

"Eh bakit hindi mo sabihin sa manager mong ayaw mo sa leading lady mo? Papalitan mo!" suggest ko sa kanya.

"Are you serious? She will highly doubt kapag ginawa ko iyon. Sikat si Diana Suarez, halos lahat ng lalaki sa industriya ay gusto siyang makapares. One more thing is, if I do that, there will be a chance na mapunta siya kay Scott! No way!" At kung hindi ko pa naibabalita. Ang pinakamatinding kalaban niya sa industriya na crush ko ay crush din nya.

Inirapan niya ako pagkatapos.

Hay. Wala na atang pag-asa si Jackson. Nang malaman niyang crush ko si Scott, bigla siyang nags-switch into maldita mode. Naiirita ata na malamang may dumagdag sa karibal niya.

"Edi magtiis ka. 'Wag mo kong guluhin tungkol diyan sa babaeng 'yan. Nagsuggest na ako, ayaw mo naman."

"Tsk. Anyway, naiirita lang talaga ako." Binalingan ko siya pagkapark niya sa gilid ng campus namin.

"Hala?!" Bigla niyang sinabi bago ako bumaba.

"Ano na naman?" Hindi na talaga natigil sa pagrereklamo itong si Jackson eh. Masyadong maraming gusto sa buhay!

Hindi muna ako bumaba at hinintay siyang magsalita.

"Mamaya na iyong kissing scene namin! OMG, girl. Ano nang gagawin ko? Ayoko talaga ng mga part na ganito eh." Um-acting siyang parang naiiyak. Nagtakip pa ng mukha.

Hindi lang bagay sa kanya dahil masyado siyang maton para umasta nang ganoon.

"Tumigil ka nga sa kaartehan mo! Parang hindi ka pa nakakahalik ng babae kung makaiyak ka dyan! Like duh! Ilang beses mo na kayang ginawa iyan sa mga palabas at teleserye mo. At isa pa, ilang beses mo na nga akong nahalikan eh!"

Tinignan niya ako nang nakanguso. Ay! bakit may ganon? Kailangang ngumuso? Kahit bakla ka ay hahalikan kita!

Nagiging manyak na talaga ako. Nakakatakot.

"Eh iba ka naman kasi! Iba rin sila!" sabi niya.

"Paanong iba? Hoy! huwang mong sabihing dahil sa low class ako ah! Babalatan kita!" nanggagalaiti kong sabi. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong sinabi niya noong nasa condo niya kami at pinagbintangan ko siyang sinuot ang panty ko.

"You are different because I'm comfortable when I'm kissing you. Plus, you are a great kisser hindi tulad nila. I find your kiss hotter than what they can give," seryoso niyang sagot.

Natulala ako nang ilang segundo dahil doon. Hindi tuloy sinasadyang mapadako ang paningin ko sa mapupulang mga labi niya. Napalunok ako nang ilang beses.

I contemplated about whether I succumb to my desire and do what I'm tempted to do or just ignore the smoldering feeling within me.

I-I should ignore it, right?

Sa gitna ng pagda-dalawang isip, nakita ko ang marahang pag-awang ng mga labi ni Jackson.

My breathing was halted. When I took a glimpse of the look in his eyes, I completely lost my reasons and just closed my eyes, leaned, and kissed him.

Sinasabi ko na nga ba, hindi ko talaga mapigilan eh. At mukhang si Jackson din.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon