7

10.6K 303 29
                                    

Chapter 7

_____

"Bahay nga ito ni Angeles? Anong kailangan mo?"

Napalingon kami nang sabay-sabay nang may magsalita sa likuran namin ni Jackson kung saan naroon ang pinto.

And ladies and gentlemen, ang kuya at tatay ko po ay naririto na. Pusanggalang kinalbo.

"Ah?" Mukhang nagtataka naman si bakla kung sino itong dalawang lalaking nasa harap namin ngayon.

Nilakasan ko ang loob ko at ginawa ang dapat gawin.

"Uhmm. Kuya Angelo, Amang, si Jackson nga po pala. Jackson, tatay at kuya ko," mabilis na introduction ko para sa kanila.

"Good evening, Sir and Angelo." Buti na lang at magalang itong si Jackson. Huhu.

"Oh? Ano ngang kailangan mo?" Pasensya na. Mataray talaga si Amang; lalo na at 'di kilalang lalaki ang nasa pamamahay niya kasama ng apat na babaeng mahalaga sa kanya nang dumating siya. It's his instinct to feel and act protective.

Hindi pa rin naman nagsasalita sila Inang. Mukhang naestatwa na sila dahil sa narinig kanina.

"I'm.." Ito na. Napahinga na lang ako nang malalim at dahan-dahan habang pinapakinggan ang sasabihin ni Jackson, "..here to take responsibility for what I did to your daughter."

I, on the corner, furtively sign of the cross again. Nalalapit na ang pagbitay sa akin.

"Eh ano bang ginawa mo kay Angeles?" nakataas ang kilay na tanong ni kuya.

Hindi pa rin sila pumapasok dahil nakaharang pa rin kami sa pintuan.

"Ahm. Pwede naman sigurong pumasok na muna kayo, ano? Malamok diyan, kuya," maliit ang boses na pagi-interrupt ko. Kinakabahan na talaga ako nang sobra. Baka himatayin ako kapag binigla niya sila amang.

Pero mukhang huli na. Kasabay nang sinabi ko ay siya rin namang salita ni Jackson na obviously ay mas malinaw at malakas kumpara sa akin.

"I got her pregnant."

Napasinghap na lang ako. Nang sabihin niya 'yon akala mo talaga sigurado na siya.

"ANOOOO?/ANO PWOOO?" sabay-sabay nilang sigaw. Maging ni Angelou.

Nakarinig kami ng malakas na kalabog na agad ko namang nilingon. Bumagsak si Inang at napaupo sa sahig. Agad na lumapit kami sa kanya para itayo siya pero tinignan niya ako nang masama kaya bumalik ako sa dating puwesto at hinayaan ang ibang kapatid na dumalo sa ina.

Napalunok ako agad. Mahal ko kayo. Huhu. Kung sakaling ito na ang mga nalalabing oras ko rito sa mundong ibabaw. Sana man lang ay mayakap ko sila nang kahit saglit.

Dinamba ko ng yakap si Angela na pinakamalapit sa akin.

"Waaah! Angela! Mahal na mahal kayo ni Ate! kapag nawala na ako ay huwag mong pababayaan sila Amang at Inang pati na si Angelou. Pabayaan mo na si Kuya dahil damulag na 'yan!" paghahabilin ko sabay hagulgol.

"Ate? Ano bang pinagsasasabi mo?" Nagpupumiglas siya sa kapit ko.

"Bibitayin na ako nila Amang." May masakit na bagay na pumalo sa puwitan ko. "Aray! huhu." Pinalo ako ng patpat ni Inang.

"Huwag kang parang engot diyan, Poyi. Tumigil ka." Masama ang tinging ipinukol niya sa akin.

Napasimangot na lang ako at tumayo nang tuwid. Pinagsalikop ang mga kamay ko dahil tunay ngang nanlalambot ako't pinagpapawisan nang malamig.

"Pumasok kayo at mag-uusap tayong lahat," utos ni Inang kayla Amang.

Ang kaba sa dibdib ko'y tuluyang nilamon ang buong katawan ko kaya naman agad nanginig ang mga tuhod ko.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon