42

3.4K 84 9
                                    


Sorry talaga sa super late na updaaaate. huhu

Chapter 42

________

"Defibrillator!" sigaw ng doctor na kasalukuyan ding nasa loob ng operating room.

Dali-daling kumilos ang iba niyang kasama at ibinigay ang hinihingi.

After that sight not worth of seeing. Tumalikod na ako.

Nakita kong tumingin sa akin ang gulat na si Scott nang may nagtatanong na mga mata.

"Saan ka pupunta?" paos niyang tanong.

Hindi ako nagsalita at itinuro lang ang daan palabas ng hospital.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang makitang nahihirapan siya doon at naghihingalo. Hindi ko kayang makita ang magiging resulta ng ginagawa ng mga nasa loob ng kwartong iyon.

"Charge to 200 joules!" narinig ko pang sigaw ng isang doctor bago ako lumiko sa isang pasilyo.

Hindi ako sinundan ni Scott. Marahil ay naramdaman niyang gusto ko munang mapag-isa. I want to think carefully. I want to think if I should keep on fighting despite the fact that I'll bring Jackson down. But then, why would I give up knowing that Jackson is still fighting?

Anong karapatan kong sumuko gayong hindi pa naman talaga ako lumalaban? Ngayon pa lang ako lalaban kung sakali. Dahil ito pa lang naman talaga ang umpisa ng mga pagsubok sa dadating sa amin.

Kaya Jackson. Kumapit ka ah?

H'wag mo muna akong iiwan.

Mali.

Hindi mo 'ko pwedeng iwanan.

Tumakbo ako pabalik ng kwarto ni Jackson.

Tama. Haharapin ko kung ano mang magiging resulta. Kakayanin ko kung sakaling hindi na niya kaya.

Magagalit talaga ako kapag iniwan niya ko.

Pero ano'ng magagawa ko kung mawala na lang syang bigla?

Kaya ko ba talaga?

"Angeles." malungkot akong sinalubong ni Scott.

Hinatak niya ako sa palapulsuhan nang hindi na nagsalita pa at iniwanan..

Sa loob ng kwarto ni Jackson.


Three years later...

"Nasaan na?"

"Alin ba?" Nilingon ko si Scott habang nagbabati ng itlog.

"'Yung mga bulaklak na dadalhin sa burol! 'Tsaka tumahan ka na nga! Isang linggo ka nang umiiyak." iritado niyang sabi. Sya na rin ang kumuha ng mga bulaklak na nakita niya din sa likod ng sofa. Hindi kasi naghahanap.

"Tingin mo ba madaling tanggapin?" paos ang boses kong sagot. Tinapos ko ang pagbabati at inihulog na iyon sa kawali para iprito.

Bumuntong hininga si Scott. Humakbang ng ilan para tumapat sa akin.

"You should accept that he's gone. Hindi sya matutuwang makita kang ganyan. Nilagyan mo ba ng asin 'yan?"

"Oo." Nilingon ko siya mula sa pagkakayuko at pag-iyak. "Bakit niya 'ko iniwan Scott? Bakit pati sya?"

"Tss. H'wag mo 'kong tanungin nang ganyan. Sa script ko lang nababasa 'yang mga ganyan." Pabiro niya akong inirapan at umayos siya ng tayo.

I just stared at him blankly that's why he's cleared his throat and stood upright.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon