6

11.2K 296 32
                                    

Chapter 6

________

"Hop in."

Hindi agad nagsink-in sa akin iyon. Kaya naman nang mga ilang minuto pa rin akong hindi gumagalaw ay lumabas muli ng kotse niya si Jackson.

"I said, hop in!" iritado nitong sigaw ngunit hindi masyadong malakas.

Something snap within me.

"Siraulo ka ba?" nasabi ko na lang. "Matapos mo 'kong maliitin?" Tingin niya ba mapapasunod na lang niya ako nang basta-basta? I still have a pride, of course.

"I'm not doing this for you. It's for my child for your information," mataray nitong sabi.

Para na naman akong naapakan dahil sa sinabi niya. Nagtiim bagang na lang ako at sumakay na ng kotse niya.

Wala pang kasiguraduhan ang kalagayan ko pero ayoko na ring makipagtalo at ipagpatuloy ang plano kong paglalakad dahil ayoko ring may masamang mangyari sa akin o sa maaaring nasa sinapupunan ko.

"Sa pinakamalapit na grocery store." Matapos kong sabihin iyon ay agad niyang pinaandar ang kotse.

___

"1,346.50 pesos po ma'am," sabi ng babae sa cashier. Bumunot agad ako sa wallet ko ng pera pero li-limangdaan at bente pesos lamang ang laman noon.

Napahampas na lang ako ng kamay sa noo ko. Sa palengke dapat ako nagpadiretso. Ang mahal nga pala sa super market. Lestugas ni barabas naman oh!

"Thank you, ma'am and sir. Please come again." Nangunot agad ang noo ko at muling napabaling ang tingin sa babaeng nasa cashier.

"Hindi pa ako nagbabayad." Honest naman ako kahit papaano.

"Si sir po ang nagbayad ma'am," sabay turo niya sa likod ko. Doon ko nakita ang nakadisguise na si Jackson. Nakalimutan kong kasama ko nga pala sya. Panay lang kasi ang sunod niya kanina kaya nakalimutan ko na ang presence niya (o kinalimutan ko lang talaga sa inis). Napatango na lang ako kay ate girl sa cashier na sinisiyasat ang kasama ko. Malamang nagtataka kung bakit nakashades siya sa loob ng super market. Napailing na lang ako at humarap sa mga bilihin pero bago ko pa mahawakan ang mga plastic ay nabuhat na ni bakla.

"Tsk. Why is this so heavy?" Narinig kong angal nito nang pabulong.

"Sinabi ko ba kasing buhatin mo?" Sabay inirapan ko sya.

"Tsk. Bawal kang magbuhat ng mabibigat. Hangga't hindi ka pa nagtetest."

"Nyenye. Whatever." Binilisan ko ang lakad nang makita ang oras. Patay ako sa nanay ko 'pag uwi. Malayo pa ang byahe at alas cinco na. Alas cuatro ang uwian ko kaya paniguradong hahanapin na ako ni Inang maya-maya lang.

"Pwede mo bang bilisan ang pagda-drive?" suggest ko agad kay Jackson pagkasakay ng kotse niya.

"No. Baka mapahamak tayo. Madulas ang daanan dito." Firm ang boses niya at mukhang hindi matitibag.

Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang kailangan kong harapin ang nanay kong magtatransform into dragon.

Tahimik ang byahe. Ni walang nagsasalita sa aming dalawa at hindi naman siya nagtatanong kung saan ang way papunta sa amin. Hindi rin naman ako nagbalak na sabihin. Mukha kasing alam na niya, hindi na ako magtataka dahil nalaman niya nga ang school ko eh.

Dahil sa tinagal siguro ng byahe ay nakaidlip ako.

____

Nagising ako sa mahinang mga boses na naririnig ko. Hindi siya mukhang sa loob ng kotse kaya dumilat na ako nang tuluyan. Doon ko nakita ang mga tambay sa kanto namin na kausap si Bakla. Sus! wag mo sabihing pati tambay ay papatulan niya?

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon