16

8.8K 266 58
                                    

Chapter 16

________

Kumain muna kami bago dumiretso sa filming site nila. Nakangiti na ako sa buong oras ng pagkain namin at sa byahe kahit pa sobrang tahimik naman. Nakatitig lang naman siya sa akin tapos ay kung minsan iiling. Hindi ko na lang siya pinapansin.

Pagkarating sa lugar kagaya nung kahapon ay agad akong bumaba. Hindi ko na nga nahintay si Jackson dahil agad hinanap ng mga mata ko si Scott.

Papapirma talaga ako sa panty ko 'pag nagkataon. Huehue

Paglingon ko sa bahagi kung saan 'yung tent na malaki nakapwesto ay agad kong nakita ang isang lalaking matangkad at matipuno ang katawan. Well, parehas lang naman sila ni Jackson kung pagkukumparahin. Magkasingtangkad din sila pero magkaiba ng hulma ng mukha.

Kung si Jackson ay may pagkaseryoso at mataray ang mukha, iyon bang badboy ang datingan? Ito namang si Scott ay maamo, angelic ba kung tawagin ng karamihan. Kaya maraming nagsasabing mas mabait si Scott eh, pinagbabasehan ang mga mukha nila.

Though, masungit ngang talaga si Jackson, feeling nireregla kasi.

So ayun nga, pagkakitang pagkakita ko sa kay gwapong si Scott ay agad na akong lumapit kahit pa may mga kausap siyang staff. Ang bastos ko peor kasi sa sobrang excited ko, medyo 'di ko macontrol sarili ko.

"H-hello." Napakagat labi ako dahil sa pagka-utal at napapikit nang mariin. It felt surreal; parang no'ng nagising lang ako with Jackson beside me.

Lumingon naman siya agad sa akin kaya muntik-muntikan nang mahulog ang panty ko. Diyos ko, bakit Ka gumawa ng ganito kagwapong nilalang?

Ngumiti naman siya agad kaya... /le dies/.

"Hi." Omaygawd. Breathe self. That's just a word with two letters!

"A-ah. Pwedeng pa-autograph?" Kung kumikinang lang ang mga mata, malamang ay nagchristmas lights na ang akin.

Nilingon niya 'yung mga kausap kanina at sinenyasan na ako muna aasikasuhin niya. Medyo kinilig ako kahit na alam kong ginawa niya 'yon para makaalis din ako agad.

"Yeah, of course." Iniabot niya ang mga kamay niya na para bang hinihingi ang pentel pen at notebook na.. hindi ko naman hawak.

"E-eh hehehe. Ano kasi.. pwedeng... sa.. panty ko?" nahihiyang bulong ko. 'Yung talagang siya lang ang makakarinig.

Nanlaki ang mga mata niya panandalian at matapos ang ilan pang segundo ay saka tumawa nang sobrang lakas.

Naglingunan ang mga tao sa banda namin maging ang ibang artista.

Nag-init naman agad ang pisngi ko at alam kong namumula na iyon sa sobrang pagkapahiya. Yumuko na lang ako.

Hay. Minsan talaga sagad-sagaran pagkababoy mo, Angeles.

"Hahaha s-sorry. Haha." Pinipilit niyang pahintuin ang sarili sa pagtawa. "Pft- unbelievable." Huminga siya nang malalim. "Grabe! That was the first time I laughed so hard because of a fan."

E ano ba kasing nakakatawa don? Abno rin 'tong isang 'to eh. Dapat nga nandiri siya.

"Ahm. Hehe pwede nang magpa-autograph?" Pahinhin pa rin ako pero gora pa rin sa pagpapapirma sa panty.

"Ah yeah. So where's your pen and paper?" nakangiti niyang tanong.

Nangunot naman ang noo ko.

"Sa panty ko kako ikaw pipirma," paalala ko sa kanya.

Jusko. Hirap namang kausap nito.

"W-what? You mean.. you're not joking?" nanlalaki na naman ang mga mata niyang tanong.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon