44

3.6K 110 39
                                    

Chapter 44

"Hoy bakla! pwede akong tulungan sa pagbubuhat 'no?" sigaw ni Manager Ree. Nakatutok ang tingin kay Ate A.



"Alam mo namang weak akes. Bakit sa'kin pa humihingi ng tulong 'diba?" Pairap niyang sagot.



Dahil mukhang wala itong balak tulungan siya, ako na ang nagkusa. Tumayo ako at hiningi ang isang plastic na hawak niya.



"Ay nako dear, baka 'di mo keri--"



"H'wag po kayong mag-alala. Kaya ko po." ngumiti ako ng matamis.



Ibibigay na sana niya sa akin ang isang tingin ko'y mas magaan na plastic ng abutin iyon ng isa pang kamay.



"Give me that." Nagtataka siyang tinignan ni Manager Ree.



"Kailan ka pa nagsimulang magkaroon ng care sa paligid mo beh?" natatawa nitong tanong. Pero maya-maya'y natahimik din.



Nilingon ko si Jackson. Naabutan ko siyang nakatingin ng masama sa kay Manager Ree pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay lumingon sya sa iba.



"I'm just annoyed of your whines. Kung ayaw mong magpatulong edi h'wag." tinalikuran niya kami at nagsimulang maglakad t'saka may pinasukang pinto. Pero bago iyon ay nilingon niya muna ako. "Bring me my food." tsaka niya sinara ang pinto.



Napakurap-kurap na lang ako.



"Ang weird ni Jack ngayon mga 'te!" biglang sabi ni Mila.



"Sinabi mo pa!" hindi na ibinigay sa akin ni Manager Ree ang isang plastic at kaya naman na daw niya. Umarte lang naman daw talaga siya.



Pagkatapos niyang ipamahagi ang mga pagkain ay iniabot niya na sa akin ang tray na naglalaman ng dalawang bibimbap ata ito. Maraming gulay at korean food daw sabi ni Ate A nang magtanong ako.



"Eh inumin po?" tanong ko.



"Marami sya dun sa kwarto niya. Keri niya namang kumuha don kaya don't worey! Gora na!" Sagot ni Ate A. Tinanguan ko na lang siya.



Kumatok muna ako. Hindi naman kasi ako bastos. T'saka mamaya iba pa ang makita ko 'pag pumasok agad ako. Though, nakita ko naman na 'yon dati, malay ko ba kung mas nag-improve na pala siya.



Ay! Napailing-iling ako. Kung ano-ano na namang kagagahan ang nasa utak ko. Gaga mo 'to.



"Come in." sabi niya sa loob.

Ipinatong ko sa isang lamesita ang pagkain niya. Naabutan ko siyang nagbabasa lang habang nakasandal sa nag-iisang bookshelf don. Lalabas na sana ako ng pigilan niya pa ako.



"Dalhin mo 'yong lamesang 'yan dito." Utos niya. Hindi ko naman siya makapaniwalang tinignan.



Seryoso?



"Pero.." hindi ko mahanap ang mga tamang salita na dapat kong sabihin sa kanya. Kung siguro'y kami pa baka ilang beses ko na siya namura kahit mabait talaga ako. Kaso amo ko siya ngayon.



"Hindi ba nila sinabing, sundin mo lahat ng iuutos ko?" his eyebrow arched.



Napangiwi ako sa ka-arogantehan niya.



Pigilan niyo po ako. Kahit mahal ko ang lalaking 'to, masasapak ko po ito!



Wala sa loob akong bumuhat ng lamesita. Although lamesita ito, hindi biro ang buhatin ang bigat nito! Like duh! Masarap talagang manapak sa mga oras na 'to.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon