8

10.5K 253 17
                                    

Thank you for reading!
Edited 7/2019
If there's any error, please tell me and help me correct it. I'd appreciate it. Thank you.

Chapter 8

______

Gaya nang sinabi ni Jackson. Ihahatid niya ako papuntang school ngayon. Maaga siyang nagpunta ng bahay kaya naman nagising nang 'di oras sila amang at kuya.

Medyo gulat pa nga sila dahil tumupad nga si Jackson sa sinabi nito. Medyo naniniwala naman ako dahil sa mga sinasabi niya sa akin, wala pa naman siyang hindi natutupad.

Pupungas-pungas pa kaming lumabas ng bahay at gate. Gaya nang nakagawian ko ay hindi ko iyon isinarado. Pero itong si bakla ay isang tulak lang ay nasarado na. Ang laki ba naman ng mga muscle sa katawan. Hindi na nakapagtataka.

"Bakit ang aga mo?" tamad kong tanong. Wala pa ako sa mood at gusto ko lang may mapag-usapan.

"Para kaunti ang tao." Sumagot naman siya. Kung sabagay, nakadisguise pa siya ngayon, tapos maglalakad lang din kami nang saglit. Baka magtaka ang mga tao kung sino siya at nandito rin siya kagabi. Marami pa namang tsismosa rito, baka malamang artista siya.

"Oo nga pala. Hindi ba tayo pag-uusapan ng mga tao dahil sinundo mo ako kahapon? Tapos 'yung tweet mo pa na nagtrending at 'pinangangalandakang may naka-ONS ka, gulo 'yon!" Nagpanic ako bigla nang maalala ang mga 'yon.

"Ah 'yon. Nakausap ko na ang principal at presidente ng school niyo. Kapag may kumalat na rumor at sa kahit na sinong naroon sa loob ng eskwelahan ninyo ang may gawa at nagpakalat, ipasasarado ko ang eskwelahan."

"Ha?! Grabe ka naman!" Nahampas ko tuloy siya nang medyo sadya.

Tinignan niya lang ako pero bumaling din agad sa dinaraanan namin ang mga mata niya bago nagpatuloy sa pagsagot sa mga tanong ko.

"'Yung sa tweet ko, wala naman ako sinabing ONS 'yon. As long as no one would speak from yesterday's event, no one would know that it's you I'm talking about."

"Pero kahit na. People will make hearsays about your tweet. Lalo na at sinagot mo pa ang tanong ni Aika kung sino 'yon. You gave them idea na may nakasama kang babae sa isang gabi! Kung i-link ka kung kani-kanino?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"I am a public figure for years. I've been into various rumors and linked with different people that tried to defame me and bring me down." He put his hands inside his pockets and continue, "I am used to this. I can handle myself so don't bother yourself." Pinitik niyang bigla ang noo ko't ngumisi. "Silly."

Natulala na lang ako.

Pagkasakay namin sa kotse niya ay agad niya iyong pinaandar. Tahimik sa kotse, nakatingin lang siya sa kalsada at ako naman ay sa bintana. Mayroong dalawampung minuto ang papunta sa school kaya malamang ay mapapanis ang laway ko kung wala kaming pag-uusapan. Ewan ko ba kung bakit ang tahimik namin. Siguro dahil sa kanina? Pero ano namang kinalaman noon? Ano naman kung nakakakilig 'yung tingin niya? Ano naman?! Masyado lang sigurong maaga kaya wala pa kaming masabi sa isa't isa.

Mag-uumpisa na sana ako ng topic dahil lalo lang akong 'di mapakali nang biglang magring ang cellphone niyang nasa dashboard. Alam kong nandoon, doon nanggagaling ang tunog.

Pinakuha niya sa akin at pinasagot, pinaloudspeaker pero hindi ako pinasalita. Hawak-hawak ko lang iyon habang nagda-drive siya.

"What?" aniya sa tumawag.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon