2

15.5K 356 55
                                    

Chapter 2

___________

"Where have you been!?" asar na tanong ni Prya kasama ng iba pa naming kaibigan na kasalukuyang nakaharang sa gate namin papasok ng bahay.

Dinaig pa nila ang mga magulang kong paniguradong himbing na himbing pa ang tulog dahil alas syete pa lang ng umaga, alas dies nagigising ang mga iyon eh.

Pinasadahan ko lang sila ng tingin isa-isa at pilit na hinawi para makadaan na ako. Inaantok na ako at pagod pa ang katawan ko, masakit pa ang kaselanan ko. Hay!

"Teka! Sumagot ka muna!" Pagharang ulit ni Cola. Nakakunot ang noo at hawak ang magkabilang braso ko.

"Pagod ako, mamaya na!" inis kong sagot at inirapan siya.

Nainis si Sally sa sagot ko at hinatak ako ulit sa braso. Para bang sinindihan ko ang pinanggagalingan ng inis at puyat niya.

"Alam mo bang dumiretso kami agad dito at hinintay ka? Akala namin kung napaano ka na! What the heck!?" Bulyaw ni Sally sabay batok sa 'kin kaya naman ang hang over na namumuo sa ulo ko ay tumindi at nagcause ng sobrang sakit na kirot sa ulo ko.

"Aray! Masakit ang ulo ko!" reklamo ko.

"Kasalanan mo 'yan!" Nanlilisik ang mga mata ni Aika. "Pagagalitan ako ng nanay at tatay mo kapag nalaman nilang ngayon ka lang umuwi! Saan ka ba kasi nanggaling?"

Napabuntong hininga na lang ako at sandaling pinagmassdan ang mga aligaga nilang ekspresyon na siguradong nagmula sa pag-aalala nila sa kalagayan ko lalo na at wala man lang akong pasabi sa kanila. Alam ko namang may kasalanan ako, pero wala naman kasi ako sa katinuan nang mga oras na nawala ako, I mean, nung may nangyari sa amin ni Jackson—na hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa utak ko.

"Sorry na, okay? mahabang istorya kasi. Pwede bang bukas na lang? gusto ko na talagang magpahinga." Maamo ang naging pananalita kong sinabi sa kanila.

Nagtinginan muna silang lahat bago nagsitanguan at dinuro ako nang sabay-sabay.

"Siguraduhin mo lang na papasok ka bukas Angeles! Kilala ka namin!" ang famous line nila pagdating sa akin.

"Basta ba sigurado kang walang nangyaring masama, ha?" pahabol ni Aika sa akin.

Sa tanong niyang 'yon, muntikan akong hindi makasagot. Hindi ko kasi alam kung masama ba ang nangyari-- oo naman, Poyi! Masama 'yon! Kaya para hindi na sila mag-alala ay agad na lang akong tumango bilang sagot sa tanong niya.

Napatawa na lang ako sa nangyayari sa buhay ko at tuluyang dumaan sa gitna nila. Ang nasa isip ko na lang pagkalagpas ko sa knila ay sa wakas ay makapagpapahinga na rin ako. Nagpaalam muna ako sa kanila at hinintay silang makaalis gamit ang kotse ni Aika Marie bago pumasok nang tuluyan sa bahay.

Papasok naman talaga ako bukas eh, alam kong hindi ako tatantanan ng mga iyon. Tamad ako pagdating sa usapang eskwelahan, pero kailangan ko ring makagraduate syempre.

Pagdating ko sa kwarto ko nang hindi nahuhuli ng mga magulang ko ay nakahinga ako nang maluwag, pero pagbukas ko ng ilaw ay halos masamid ako sa nakita.

Ang aking kapatid na bunso ay nakaabang sa akin habang hawak-hawak ang selepono ni Angela—kapatid kong sumunod sa akin—na nakaloudspeaker at naririnig ang boses ng lalaki na nagsasalita mula doon.

Inagaw ko agad iyon sa kanya at pinatay ang tawag. Buti na lang at limang taon pa lang itong si Angelou, wala pang masyadong kaalam-alam sa mga nangyayari. Tumingin lang ito sa akin at ngumiti, nahiga, at natulog muli.

Napakamot na lang ako sa ulo at tinignan ang selepono, pumunta sa call logs at tinignan ang lalaking tumawag.

Bumigat ang paghinga ko nang makita ang pangalang nakasulat doon.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon