4

11.8K 343 103
                                    

Chapter 4

_______

Nakisiksik kami sa mga babaeng nagtitilian malapit sa entrance ng school namin. Walang pumipigil sa kanila dahil mismong mga teachers namin ay nakiki-usyoso sa artistang nasabing nandirito.

"Bakit kaya siya nandito?" bulung-bulungan nila. Pero miski ako ay naitatanong iyon sa utak ko.

Hindi ko alam kung matutuwa akong nandito siya dahil bukod sa ang gwapo niya, (na nakakadismaya dahil may nalaman akong malagim na sikreto niya) na-interrupt niya rin ang pagsagot ko sa tanong ng mga kaibigan ko; o pwede ring mainis ako dahil... ano bang ginagawa niya rito? gusto ko na nga siyang takasan! Wala na rin namang dahilan para magkita pa kaming muli dahil one night stand lang naman ang nangyari sa amin (depende na lang kung ibabalik niya lang talaga ang panty ko-na dapat ay labada na).

Napansin ko ang paglingon-lingon nito sa buong paligid. Waring may hinahanap. Kaya naman nang mapagtanto kong posibleng ako ang hinahanap nito ay agad akong tumalikod para SANA magtago ngunit hindi pa ako nakakalayo nang mahawi ang mga tao sa lugar na nandun ako. Hindi ko napansing nakatayo na agad siya sa likod ko.

"B-bakit?" sabay lunok ko at humarap nang buo sa kanya.

Nangunot lang ang noo nito ngunit hindi nagsalita. Hinatak nito ang manggas ng uniform ko (na wari mo'y diring-diri) dahilan para mapasunod ako sa kanya.

"S-saan mo 'ko dadalhin?" nag-umpisa na akong magpanic. Lumingon-lingon ako para humingi ng tulong pero mukhang walang balak ang mga katulad kong estudyante dahil nanlilisik ang mga tingin nila sa akin. Marahil sa gulat o... inggit.

Kung alam niyo lang ang takot ko ngayon na nararamdaman...

Mamaya ay ipasabunot niya pa ako sa mga kaibigan niyang bakla dahil sa may nangyari sa amin. O baka naman siya pa mismo ang gumawa noon. Nakakaloka.

Hindi na naman syai nagsalita at dire-diretso akong ipinasok sa loob ng sasakyan niya. Sinubukan kong tawagin sina Prya pero naisara na nito ang pintuan ng kotse na tinted pa. Kitang-kita ko lalo ang gulat na expression ng mga tao lalo na ng mga kaibigan ko sa loob ng sasakyan.

"Saan mo 'ko dadalhin? Para sabihin ko sa iyo, kung papatayin mo 'ko ay 'wag muna, marami pa akong pangarap sa buhay. At tutuparin ko pa iyon with ma' friends!"

"Shut up," may bahid ng iritang sabi niya tapos ay umirap siya sa akin.

Nanghinayang tuloy ako sa kagwapuhan niya. Tsk tsk. Poor fans, ang kanilang iniidolo ay mukhang lalaki rin ang gusto.

Tumahimik na lang ako nang tuluyan sa buong byahe. Pero nang pumasok sa isip ko ang isang tanong ay napaharap ulit ako sa kanya.

Sandali akong napatitig sa seryoso pero gwapo niyang mukha pero agad din akong napailing nang maalalang mukhang mas maganda pa siya sa akin kapag naging babae.

Ipinagpatuloy ko na lang ang dapat ko talagang gagawin.

"Paano mo nga pala nalamang doon ako nag-aaral?" curious kong tanong.

Tumingin ito sa akin saglit at umirap 'tsaka ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Pinahanap kita." Ang gwapo din ng boses niya. Naiimagine ko na nga si Elijah Montefalco ng 'Until Trilogy' ni Jonaxx eh. Kung hindi lang sana siya tumili noong paggising namin matapos nang gabing pinagsaluhan, siguro siya na ang naiimagine ko everytime magbabasa ako ng wattpad stories.

Mukha namang wala itong tsansang magbago. Kung paano ko nasabi ay dahil sa may nangyari na sa amin ngunit mas pinili niyang mandiri kaysa ang masarapan. Eh 'yung kambal nga ni Lexie sa 'The Gay Who Stabbed Me' nilandi lang, nakalimutan na niyang nagpapanggap siyang bakla eh.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon