19

8.3K 272 35
                                    

Salamat sa pagsuporta!

Chapter 19

_____

Ikaapat na Flashback

Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Napalayo pa ang mukha ko dahil sa pagkagulat.

Pakiramdam ko, huminto sa pagtibok ng ilang segundo ang puso ko. Para bang kanina ay nasa karera pero biglang naaksidente?

"W-what?" tanong ko. Baka kasi mali lang ang narinig ko kahit na... sobrang linaw ng sinabi niya.

"I think.. I'm no longer a gay, Angeles," pag-uulit niya nga tapos ay dahan-dahan niya akong ibinaba.

"P-paano? Ha? 'Di ngaa?" Hindi ko malaman kung anong ire-react ko. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. Pero kasi, tinatawag niya akong Angeles. Ang seryoso niya talaga. Yet, ayokong maniwala.

"I.. don't know," mahina niyang sagot.

Great! He's uncertain! I don't want to take a risk and invest more feelings in a highly losing gamble. Duwag na kung duwag. He's Jackson. I first known him as an actor and further learned a member of LGBT community. He must have been pressured by society kaya ipinipilit niyang he's straight. I do not want to dwell on this matter.

"Hindi mo alam? Baka naman haka-haka mo lang 'yon? Bakla ka pa rin naman sa paningin ko Jackson. Walang pagbabago bukod sa nanghahalik ka na lang bigla. Baka naman din nagustuhan mo lang ang kiss ko kaya feeling mo boy na you. Alam mo, hindi mo naman kailangang magpanggap sa akin. Tanggap kita! At okay lang ding aminin na love mo mga kiss ko. Sus! Knows ko naman 'yun! Sexy ko kasi kumiss kaya naaattract ka diba? Okay lang talaga. Don't wor---"

"I'm not a gay anymore, Angeles," madiin niyang bigkas kaya napatahimik ako. He seems confident but his voice doesn't hide the fear. Why say a statement if you're not really sure about it, Jackson? Why make yourself confuse? Bakit kailangang damay ako?

Napayuko na lang ako; still with haywire thoughts roaming within my head. Hanggang sa malaman kong umalis na pala siya.

At simula nga noon...nagkailangan na kami.

Flashback ends

Ewan ko ba. Patuloy kong iniisip na siguro nagbibiro lang siya. Na he's just confused right now because we've shared too many intimate moments. Lalaki pa rin naman ang katawan niya, thus, he still feels pleasure from women.

Pero kasi... gusto ko ring umasa na sana nga totoo ang sinabi niya. Sigurado siya.

I'm feeling immense kinds of emotions. Nangingibabaw na roon ang pagkamiss ko sa kanya. It's been one week.

Simula nung isang araw...Tumigil na siya sa pagpunta sa bahay para ihatid ako. Ni hindi na rin siya dumadaan sa school para man lang silipin ako.

Hanggang ngayong linggo na nga. Maybe..maybe he realized I was right all along.

Kakaiyak naman diz life.

"Babaeng nakipagsex sa bakla!" nangunot naman ang noo ko nang may tumawag sa aking ganoon.

Ang ganda kasing pakinggan eh, kasura.

"Oh, babaeng pinanganak na softdrinks. Ano'ng problema mo?" nakataas ang kilay kong tanong kay Cola. Siya kasi 'yung tumawag.

"Sus! Wala! Kailangan ka pang tawagin nang gano'n para lang lingunin mo kami?" nakataray naman niyang sagot.

Ay! Sorry na mga bes.

"Tinawag niyo ba ako?" inosente kong tanong sa kanila.

Nasa mall nga pala kami. Wala lang naman. Na-miss daw nilang gumala kasama ako. Si Jackson daw kasi madalas kong kasama kaya nagtatampo raw sila, kailangan ko raw silang samahan.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon