27

5.7K 158 5
                                    

Chapter 27

"Tsk. Umuwi ka na nga. Mamaya maissue ka na naman eh."

"Gusto mo lang solohin itong si Angeles, ano?"

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata habang tinitiis ang sakit ng aking tiyan. Ni hindi ko nga yata kayang maupo dahil maiipit ang tiyan ko.

Naramdaman ko ang mga tila karayom na sabay-sabay umatake nang sinubukan kong kumilos.

"Gising ka na pala," mula sa tinig ng pamilyar na lalaki. Doon ko lang napansin na nandito pala si GD nang lumapit siya sa akin. "May masakit pa ba sa iyo?" nag-aalala niyang tanong.

"M-medyo masakit lang iyong tiyan ko. Pero keribels naman." Ngumiti ako pero naging ngiwi rin dahil sobrang sakit talaga. Iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kanya.

"Drink your medicine. Makakatulong para mawala ang sakit na nararamdaman mo." Napalingon ako sa taong nasa likod ni GD. Muli akong nagulat.

Hindi nga ako nananaginip kanina. Nandito nga si Scott. And if I heard him right earlier, GD's his brother. I never thought that they are related to each other. Ngayon ko lang din napagtanto na may pagkakahawig nga sila kung tititigan.

Ang liit nga naman talaga ng mundo- hindi ko akalaing aayon ako sa linyang ito.

"N-nasaang hospital nga pala ako?" Hindi ko na tinanong kung nasaan ako, obvious na nasa hospital ako. Hindi ko lang lubos na maisip kung bakit madalas itinatanong iyon ng mga tao. Dapat ang tanungin nila ay kung nasaang hospital sila dinala. At iniisip ko pa talaga 'yon sa lagay kong 'to?

"St. Lucy's Hospital" sagot ni GD.

Tinanguan ko lang siya't muli akong humiga. Tulala lang ako habang nag-uusap ang dalawang magkapatid. Nagtatalo sila dahil pinauuwi na ni GD si Scott pero ayaw naman ng huli.

Iniisip ko pa rin iyong nangyari kanina. Paano na kaya sa pagpasok ko? Bigla na lang naging ganito ang buhay ko.

Sobrang dami kong kaibigan. Masaya na sana ang high school life ko, pero dahil kay Jackson ay masyadong maraming nagyayari. Parang hindi na normal.

Hindi ko tuloy maisip kung matutuwa ba ako na dumating siya sa buhay ko o maiinis. Hindi ko pa masyadong kalkulado, badtrip ako ngayon dahil nadamay ang mga kaibigan ko, kaya nangingibabaw ang pagkainis ko.

Ayoko naman nang dahil doon ay matabunan ang lahat ng mga iba pang nakakatuwang rasong mayroon.  Isa pa, hindi rin naman kasalanan ni Jackson ito.

Bumuntong hininga ako at sinubukang ikalma ang sarili.

"Nasaan sila Aika?" Muli akong bumaling kina GD.

Nilingon naman nila ako dahil sa bigla kong pagsabat sa kanila. Nahiya naman agad ako.

"Nasa ibang kwarto ang mga kaibigan mo. They're still unconscious; but don't worry, they're safe now, maayos na ang kalagayan nila." GD beamed, kaya naman napangiti na rin ako dahil sa naging sagot niya.

"Salamat nga pala." I smiled sincerely at both of them. Kundi dahil sa kanila ay malamang na pinaglalamayan na ako maging ang mga kaibigan ko. "A-alam ba nila Inang ang nangyari sa akin?" kinakabahang tanong ko kay GD.

"Wala pang nakakaalam sa pamilya mo."

"Pati si.. Angela?" Imposible naman kasing hindi niya masabi kay Angela iyon. Araw-araw ata silang magka-usap. Baka nga alam nila kung ilan nunal ng isa't isa.

"Kabilang siya sa pamilya mo 'di ba?" pamimilosopo niya.

"Sabi ko nga." Sumimangot na lang ako.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon