45

3.7K 116 22
                                    

Chapter 45

"Okay backward na tayo guys, mag-uumpisa na ulit!" sigaw ng isa sa mga staffs. Pero nanatili pa rin ako sa pagkakaluhod sa harap ni Jackson.

"Ay? Beh, tawag na tayo. In any minute matatapos na yung commercial break." kinalabit ako ni Mila.

Patago kong pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ko. Hindi na ako muling tumingin kay Jackson at bumaba na kami ng stage bago pa man mag-umpisa ulit yung show.

"Angeles? Nako ka beh! Hindi pwedeng nagtatagal don ah? Kasi baka biglang mag-on yung cam edi nahagip ka pa! Malilintikan tayo niyan. Presence of mind parati ah?" sermon ni Mila sa akin habang inaayos namin ang mga ginamit kanina.

Tumango lang ako kahit hindi ko naman siya masyadong maintindihan. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko 'yong mga sinabi ni Jackson kanina.

Hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko. Gustung-gusto ko na siyang yakapin kanina, kaso parang may pumipigil sa akin. Naguguluhan na rin kasi ako sa inaasal niya.

Bigla na lang ako napangiti nung maalala ko ulit yung kanina. Kinikilig na naman bunbunan ko letsugas! Forever ko na 'to mga bes. Charot.

"Akala ko si Jackson lang iyong weird. H'wag ka nang dumagdag Angeles. Kinikilabutan ako sa mga pagngiti-ngiti mo diyan ng biglaan!" nakangiwing sabi ni Mila.

Tinawanan ko lang siya. Bagay nga kasi talaga kami ni Jackson ko. Pareho kaming weird. Eeeeeh kinikilig ako enebe. ☺️🙄

Matapos iyong talk show at iyong dalawang event pagkatapos non ay nag-ayos na lahat at sumakay na sa van. Hindi ako mapakali dahil magkikita kami ni Jackson sa loob ng sasakyan. E halos hindi ko siya tignan kanina during talk show at nung mga events kanina e. Baka mag-cause pa ko ng eskandalo don dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

"Dideretso muna tayo sa entertainment ah? Kung may mga important appointment kayo mauna na kayo. Pero kung wala, syempre tulungan si akez sa mga ginamit ni Jackson." Sabi ni Manager Ree habang inilalagay sa trunk ng sasakyan iyong isang bag na malaki. Ewan kung anong laman, damit ata.

Pero nagfocus ako dun sa sinabi niya.

"Pwede na pong umuwi?" Nagniningning ang mga mata 'kong humarap sa kanya. Shems, pumayag ka!

"Kapag may gagawin lang di'ba? Sabi ko di'ba? Hindi mo na-hear ateng?" Pumameywang sya. "Hindi ko kayo kinukonsensya pero sa dami ng in-attendang event and shows ni junakis natin eh madami AKOng bubuhatin dahil baka WALA namang magmagandang loob na TULUNGAN ako. Di'ba 'no A?" Sabay lingon niya kay ate A na busy sa cellphone.

Ngumuso na lang ako dahil bukod sa wala naman talaga akong gagawin pag-uwi ko at ayaw kong magsinungaling, nakokonsensya pa ako. Sabi ko nga tutulong ako e. 😭

Inaantok na ako at patulog na sana ng mahimbing nang mapansin kong palapit na si Jackson sa van na sinasakyan namin. Walang umuwi sa amin at hinintay lang namin dito sa loob ng van si Jackson na naiwan sa loob kanina noong building kung saan ginanap iyong show at yung iba pa. Nagising agad ang diwa ko at nagpanic ako.

Oh my gosh! Palapit na siya!

At bakit ang gwapo niya?

Bakit parang nagliliwanag ang paligid niya kahit gabi na?

Bakit sobrang lapit na niya?

Dahil sa hindi ko malamang kadahilanan. Napasigaw ako nang binuksan na niya iyong van para sumakay.

"H'WAAAAG!" Parang timang pa akong itinaas ang mga kmay na sumesenyas na itigil niya ang ginagawa niya. Agad naman siyang napatigil at maging ang mga kasama namin na nanlalaki pa ang mga mata dahil sa biglaan kong pagsigaw.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon