21

8.1K 226 26
                                    

Chapter 21

_____

Nakakabingi.

Nakakabingi ang masyadong malakas na pagtibok ng puso ko.

Natutunaw ako.

Hindi ako makatingin nang maayos sa kanya simula nang tanungin niya ang mga iyon.

The last words he said before I ran away kept reverberating inside my head. For a moment, I wanted to stay there and hope the time would stop. But there was a flash of precarious scenarios that I don't want to experience. I resorted to being a coward– I listened to my fear. Hindi ko na nasagot pa ang mga tanong niya although I answered them all inside my head.

'Yung natitirang doubt ay niyakap kong muli. I don't want to believe him because believing him means acknowledging his feelings, then I am also doing the same to mine.

I- I can't take the same courage he took.

I sneered at my hapless self. I can't believe that I rather lie to myself and to him than be happy and accept him warmly because I am afraid of what kind of world I may enter.

And... And I am afraid that when I give in, I will find out that I am just a bypasser in the end. For all I know, a 24-year-old bachelor with a successful career could have met several better candidates for his partner in life than a 19-year-old senior high school student with ambiguous future.

"Angeles Poyi Isidro!" dumagundong ang boses ni Gng. Alonzo sa buong classroom dahil sa pagtawag sa akin.

Napalunok-lunok ako't inayos ang aking pagkaka-upo.

Tsk. Naku naman! Ang layo na naman ng isipan ko sa lesson namin. Babagsak na naman ako niyan 'pag nagka-quiz eh. At iyon ang iniiwasan ko, ayokong mapagalitan muli ni Inang.

Napakagat labi na lang ako nang unti-unting naglakad ang Filipino teacher namin tungo sa kinaroroonan ko. Paniguradong sasabunin na naman ako nito tungkol sa mga sinabi niya kanina.

"Tayo," utos niya nang makalapit.

Agad ko iyong sinunod at yumuko. Nakatuon lang kasi ang buong atensyon ng mga kaklase ko sa amin. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga matang palihim akong tinatawanan ni Aika.

Nice.

"Maaari ba naming malaman ang iyong iniisip kani-kanina lamang, Angeles?" dahan-dahan munit madiin ang bawat salitang binitawan ni Gng. Alonzo. Pumameywang siya habang marahang tumatapik-tapik sa sahig ang dulo ng suot niyang sapatos na may takong.

"Iniisip ko po kung magkakaroon ng madaling quiz sa kauna-unahang pagkakataon."

Nagtawanan ang mga kaklase ko pero maya-maya rin ay tumahimik nang titigan sila nang masama ni Ginang.

"Tama bang iyan ang isipin mo sa gitna ng klase ko!? Nakikinig ka naman ba sa mga itinuturo ko't pagsusulit agad iyang iniisip mo!?" galit niyang sabi.

"Hindi po. Kaya nga po iniisip kong sana ay madali ang magiging pagsusulit para makapasa ako kahit hindi ako masyadong nakinig eh. Related pa rin naman iyon sa pag-aaral kaya wala naman po sigurong masama, hindi ba?" sagot ko kaya naman nagtawanan ulit ang mga kaklase ko. Omaygaaad, why make a grave for yourself, Angeles?

"Idol," bulong ng katabi kong si Simon Dominic.

"Tahimik! Kumuha ng isang buong papel! Gumawa kayo ng essay patungkol sa natutunan niyo ngayong araw na ito sa loob ng labinglimang minuto! Iyan ang magiging pagsusulit ninyo! Kokolektahin ko iyan pagbalik ko!" Umuusok ang ilong na nagtungo sa pinto si Gng. Alonzo. "At Binibining Isidro! Bukas na bukas rin ay nais kong makausap ang mga magulang mo!" tapos ay nagdiretso na siya sa paglabas.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon