17

8.4K 323 23
                                    

Chapter 17

________

"Salamat sa paghatid." Kagaya kanina ay pilit pa rin ang mga ngiti ko.

Nakakunot lang ang noo niya habang pinagmamasdan ako kaya't nailang ako't napayuko. Malamang ay napapansin niya ang biglaang pagkawala ko sa mood. Kahit naman kasi hindi niya ako gaanong kilala ay alam kong mabilis akong mabasa.

"You're still in high school, right? Hindi ka ba mapapahamak diyan? Seems like there's a lot of dangerous people out there." Pinagsawalang bahala niya ang nangyari kanina at tinanong ako matapos makita ang suot ko pang uniform.

"Naku, okay lang. Kilala ko lahat ng tao rito kaya hindi mo na kailangang mag-alala," nakangiting sabi ko. At least hindi naman masyadong pilit.

"Oh, okay." Parang nag-isip pa siya kung magtatanong pa ba siya o hindi. "Are you okay?" he later on asked.

"Ako? Sus! Okay ako! Bakit naman hindi?" tumawa pa ako nang parang loka-loka. Hay, bakit ba niloloko ko ngayon ang sarili ko?

Kahit alam kong alam niyang nagsisinungaling ako ay ngumiti na lang siya at tumango.

"Ah, sige, mauna ka na. Gamutin mo ang sugat mo. Maraming salamat sa paghatid, Idol." Ngumiti ulit ako. Pero hindi na pilit. Totoo naman kasing nagpapasalamat ako sa kanya. Sa paghatid at sa pag-aalala.

"Yeah. It's okay. Take care, alright? Thank you for the time! Bye," nakangiti niyang sagot.

Kumaway ako sa kanya nang mag-umpisa siyang paandarin ang kotse niya. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makaalis siya.

Matapos no'n ay patalikod na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na kotse sa madilim na parte hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Hindi nagkamali ang hinala ko nang makita ko sa gilid no'n ang isang lalaking nakaupo sa sidewalk paharap sa kanyang kotse. Nakayuko at kung minsan ay hinahampas ang kanyang braso at binti. Tsk, malamang ay malamok do'n! Ano bang ginagawa niya roon?

Alam kong kailangan naming mag-usap dahil sa mga nangyari kanina. Pero anong oras na, dapat umuwi na lang siya, saka baka pagod siya.

Napabuntong hininga ako. Alam kong ako ang may kasalanan kanina, siya ang nagdala sa akin doon kaya dapat ay siya rin ang maghatid sa akin.

Siguro ay nagselos siya dahil crush niya rin si Scott, kaya dapat lapitan ko siya para magka-ayos na kami.

Iyon nga ang ginawa ko.

Hindi ko na lang namalayan ay nasa gilid na niya pala ako at siya'y nakatingin sa akin.

Halos hindi pa ako makapagsalita dahil sa mga tingin niya. Bakit gano'n? Masyadong nakakailang! Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang mga mata ko. Umalis na lang kaya ako?

"Bakit ang tagal niyo?" Nabalik ako sa ulirat nang bigla siyang magsalita.

Ang lalim at gaspang talaga ng boses niya.

Nataranta ako sa paghahanap ng sagot sa tanong niya.

"A-ah, hindi n-naman niya kasi kabisado ang p-papunta rito kaya natagalan k-kami," nauutal kong sagot. Huhu, bakit ako nauutal? We've been friends for not so long and still I get intimidated by him!

"Pinakain ka ba niya?" tanong niya pa.

"H-hindi. 'Di ba kakakain lang natin nu'n?" sagot ko naman. "A-ano ba! Tumayo ka nga riyan! Nilalamok ka na oh?!" napasigaw ako dahil nakita kong ang dami na niyang pantal sa binti at braso.

"I waited for about one and a half hours samantalang halos sabay tayong umalis." Pero hindi niya pinansin ang paninita ko at saka tumungo't nagsalita.

Bumigat na naman ang pakiramdam ko. Masama ang loob niya nang umalis siya; at mukhang mas sumama pa iyon.

"S-sorry," naiusal ko na lang. I suddenly felt like saying it.

"Why are you sorry?" umangat ang ulo niya't tumingala sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita. Why am I sorry? Maraming dahilan. Siguro, para sa lahat nang iyon.

"Don't say sorry if you don't know why are you saying such word," sabi niya pang bigla matapos makita ang ekdpresyon sa mukha ko.

Napayuko na lang ako sa pagkapahiya.

Alam ko naman iyon, hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin na para sa lahat ng kasalanan ko iyon kaya ako nagsosorry.

"Tumawag si Inang, kanina ka pa nila hinihintay. Ang sabi ko'y nag-overtime ang shooting. Umuwi ka na, nag-aalala na sila." Nakatingin siya sa kotse niya habang nagsasalita.

Pero hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Hindi ako uuwi hangga't hindi kami maayos.

"Jackson. B-bakit ka ba ganyan?" Nilakasan ko ang loob ko't nagsalita. "Nagseselos ka ba? Sorry na k-kung sumama ako kay Scott kahit alam kong g-gusto mo rin siya----"

"Umuwi ka na." Pinigil niya ang pagsasalita ko.

"Pero Jackson! Hindi pa tayo nagkakaayos?"

"Nasira ba tayo?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin habang seryoso pa rin.

Natameme na naman ako. Gusto kong isiping namimilosopo siya para may dahilan akong tumawa pero hindi nakikisama ang hitsura ko maging ang isip ko.

When I looked at his eyes, I saw what he really meant. Questions then, gushed in my head.

Nasira na nga ba kami? Wakas na ba ito ng pagkakaibigan namin? Ayoko siyang mawala. Nasanay na 'kong kasama ko siya lagi gaya nila Aika.

I felt liek crying. "H-hindi naman ito end ng friendship natin, hindi ba? Nagselos ka ba talaga? P-patawarin mo na ako. T-tsaka, may kasalanan ka rin naman k-kanina ah! Bakit mo sinuntok nang sunod-sunod si Scott kanina? Dahil din ba iyon sa selos mo? Dahil ako ang k-kinausap niya at hindi ikaw?" tuloy-tuloy kong sabi pero hindi man lang niya ako tinignan dahil sa kotse niya pa rin siya nakatingin na para bang may iniisip na sobrang lalim.

Iniisip na ba niyang tapusin na talaga ang pagkakaibigan namin? Nagsosorry na nga ako eh.

Hay, Angeles, you're apologizing yet you're also looking for his mistakes to feel better? Shame on you.

"I just want to ask you something Angeles." Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ang buong pangalan ko. Mas sanay kasi akong Poyi ang tawag niya. Kung tatawagin naman niya akong Angeles ay malambing ang tono niya. Ibang-iba lang ngayon.

Nanlamig ang buong katawan ko. Feeling ko ay hihilingin na niyang layuan ko na siya dahil ayaw na niya akong maging kaibigan.

Maiintindihan ko naman siya, siguradong mahirap kaibiganin ang taong gusto rin ang gusto mo.

"A-ano iyon?" napapalunok kong tanong sa kanya.

Tumayo siya at humarap sa akin. Para bang naestatwa ako sa paraan ng pagtingin niya. Punong-puno iyon ng emosyon.

Lungkot, pag-aalala, at pagkagulo. Para saan ang lahat ng iyon?

"I'm very confused right now Angeles. So tell me.." umpisa niya.

Nakatitig lang ako sa kanya at pawang naguguluhan na rin.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Tell me, I'm still a gay right?"

At lalo lang akong naguluhan sa tanong niya.

_____

Hey, I've just edited this chapter 12/30/19 omg. Please, feel free to comment if you find any errors! Love lots!

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! I LOVE YOU!

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon