31

5K 134 13
                                    


Chapter 31

"Hindi ka nga sinabi aalis pa! Aba! Kakarating mo lang lalayas ka na? Asan manners mo, apo?" gigil na wika ni Lola Wella kay Jackson na umambang lalabas na ng pintuan nang palihim. Kanina pa kasi niya gustong umalis dahil nga babalik pa siya sa ibang bansa.

"La naman!" ngumuso si Jackson at naupong muli sa tabi ng lola niya rito sa sala kung saan naroon din kami.

Pinagtawanan naman siya nila Angela at Angelou. Siguro dahil ngayon lang nila nakitang ganito ang akto ni Jackson.

Pinagmamasdan ko naman siya. Pinipigil ko ang ngiti ko at ang sarili na kurutin siya sa pisngi. Ang laki-laki niyang tao pero nakakagigil.

"Lo!" nagsilingunan kami sa entrance ng bahay nila kung saan nandoon ang matandang tinawag ni Jackson na lolo.

Kahit matanda na ang kabuuan nito, halata mong naging isang makisig na mukhang pinagmanahan ni Jackson siya noong kabataan. Naisip ko tuloy kung ganito ang hitsura ni Jackson paglipas ng panahon. Tapos ako iyong tatawagin niya nang ganoon.. "Honey!"

Nanlaki naman ang mata ko-namin nang nagmamadaling tumayo si Lola Wella at salubungin nang mainit na yakap ang kanyang asawa.

Ay? Sampung taong hindi nagkita?

'Tsaka... H-honey?

"Yuck!" Si Jackson habang nagpipigil ng tawa. "Kadiri ka lola," pang-aasar niya pa.

Agad siyang nilingon ng matanda at sinamaan ng tingin.

"Anong nakakadiri doon, aber?" pumameywang ang matanda. "Kapag nagmahal ka, kahit anong nakakadiri sa mata ng ibang tao ay magiging langit pagdating sa iyo! Naku talaga! Kapag kayo ay nagpakasal na ng babaeng ito?" Itinuro niya ako kaya nanlaki ulit ang mata ko. "Higit pa rito ang gagawin mong nakakadiri sa paningin ng ibang tao." Piningot niya si Jackson. "Halika dito! Hindi ka pa nagmamano sa Lolo Jomar mo!"

Hirap na tumayo si Jackson dahil pingot-pingot siya ni Lola Wella. Hindi din agad siya nakapagsalita kanina dahil natigilan siya sa mga sinabi ng matanda.

Matapos niyang magmano ay lumingon siya sa akin, tapos ay nahihiyang nag-iwas ng tingin. Namumula pa ang magkabila niyang pisngi kaya napangiti ako.

Gusto long isiping kinikilig siya kaya tuloy kinikilig na rin ako. Hindi ko na lang pinahalata.

"Onga pala Jomar.." Magkahawak-kamay ang dalawang matandang naupo sa kaharap naming sofa. Sa tagal nilang magkasama, nakakamanghang makitang ganoon pa rin ang level of sweetness nila. "This is the family of your soon-to-be-daughter in law." She introduced us formally.

Agad akong pinamulahan. Sa kabila no'n ay tumayo ako at agad na nagmano kay lolo Jomar, ganun din ang inang at mga kapatid ko.

Gusto ko sanang itama si Lola Wella dahil hindi naman pa kami ikakasal ni Jackson pero nakakahiyang sumabat at putulin iyong ngiti niya. Bahagya na lang akong umalma, iyong mahina lang.

"H-hindi naman po. Pero salamat po sa pagwelcome." nahihiya akong ngumiti sa kanila.

"Napakalaki po naming abala. Pero lubos po ang pagpapasalamat namin sa inyo nay Wella," sabi ni Inang. Lola Wella told Inang not to call her lola but Nay since Inang reminds her of Jackson's mother na ngayon ko lang nalaman na wala na. I feel sad for him.

Ang sabi ni Jackson, dito nagsama ang magulang niya. I wonder what his parents look like. Kanino kaya siya nagmana?

Sina Lola Wella at Lolo Jomar ay grandparents ni Jackson sa kanyang ina. Hindi ko man nakita ang nanay niya, alam ko na agad na mabait iyon base sa pakikitungo ng dalawang matanda. At hindi ko rin naman nakaligtaan ang kapansing-pansing mabuti ring upbringing kay Jackson.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon