13

8.9K 246 18
                                    

Chapter 13

______

"Good evening, Jackson!" The woman greeted him with all the charm she can manage to give. As per Jackson, he's still stunned as well as me.

Akala ko ba'y linta ito? Jusko, eh may lahi rin ata itong cheetah! Akalain mong nakagawa agad ng eksena ang gaga? Wala tuloy ibang nasa isip ko kundi ang mainis sa kanya.

"Bravo, Diana! BA-RRRRA-VO!" Nabalik muli ako sa ulirat nang magsusumigaw ang isang sobrang payat na walang kilay, malapad ang ilong, malaki ang mata pero maputing baklang may hawak na mga papel at may scarf na nakapulupot sa leeg niya.

"Ganyan! That's what exactly you both are going to do leeeeeyter!" Huminga siya nang malalim sandali dahil para bang naubusan agad siya ng hininga sa iilang salitang iyon.

Palihim akong nagsign of the cross for his sake. He looks like he'll die any minute now.

Nakahinga na rin ako nang maluwag. Mukhang nakamove on na ang katawan ko sa ginawa ng babae kanina. I can move now.

"Really, Direk? Should I do it once again?" sabi ng may matinis na boses.

Napalingon akong muli sa babaeng humalik kanina kay Jackson. Ah, now I understand Jackson's enormous hate with the girl named Diana. I bet she's this shameless woman.

Nakaramdam ako ng inis sa inaasta ng babaeng ito.

Akin nga kasi ang labi niya! AKIN! I can only shout this inside my head. I wouldn't want to embarrass myself in front of everyone, specially, Jackson.

Psh. Kahit bakla 'yang si Jackson ay hindi ko matatangging masarap talaga siyang humalik. I feel the urge to own it even though I don't have the right.

Kaya sa isip ko na lang aangkinin iyang mga labi mo.

"No need, Diana girl! Jackson!" Sabay-sabay naman kaming napalingon kay Jackson na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Ay, pers kiss? First time nahalikan? Nanggigigil ako sa kanya bigla. "Your expression earlier! Gano'n dapat mamaya, okay? Ganoon ang eksena mamaya! Sige't magsihanda na kayo!" Pumalakpak siya at agad namang nagsikilos ang mga tao.

Nang maubos ang nasa paligid namin ay kaming tatlo na lang nila Jackson at Diana ang natira sa parking lot na hindi rin kalayuan sa pinagte-tapingan nila. Hindi pa sana aalis si Diana kung hindi lang siya tinawag noong payat na direk daw dahil kasama pala siya sa unang eksena.

Nilapitan ko naman si Jackson na nakanguso at magkasalubong ang kilay.

Pinaghiwalay ko iyon at saka inilingon ang mukha niya sa akin.

"Ops!" Tinakpan ko ang bibig niya nang magbadya siyang magsasalita. Malamang ay magrereklamo na naman siya eh. "Hindi ka na-rape okay? Smack lang iyon! Malayo pa ang mararating niyo sa mga susunod na eksena alright, baks?" paliwanag ko tsaka inalis ang kamay sa bibig niya. I tried to console him but I know I can't do it for myself.

"Tsk! Kailangang takpan ang bibig ko?" he reprimanded. "Sasabihin ko lang sanang mas malambot pala iyong labi niya kaysa sa'yo," dugtong niya ilang segundo lang ang nakalipas.

Nakatingin lang ako nang diretso sa kanya hanggang sa tuluyang magsink-in sa utak ko iyong sinabi niya.

"M-mas ano kamo?" Unti-unting kumunot ang noo ko matapos kong matigilan.

"JACKSON! MAG-READY KA NA FOR FIRST POSITION!" narinig naming sigaw nung direktor kaya naman nagsipuntahan sa kanya iyong ibang mga tao at inayusan siya. Dahan-dahan na lang akong napalayo sa pwesto niya.

Lumapit sa akin ang isang lalaking may bitbit na mga tubig. "Ikaw ba PA niya?"

"Ah...oo," walang choice na sabi ko. Lintek! Bakit nga ulit ako napapayag niyang pumunta rito? Nagsisisi na akong hindi pa ako sumama kanina kay Aika! Ugh!

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon