5

11.5K 286 26
                                    

Chapter 5

__________

Nagulat ako sa diretsong pagsagot niya. Para bang hindi man lang siya nag-alinlangan o hindi man lang siya nagdalawang-isip.

"I-Iiwan mo na lang basta ang career mo?" tanong ko sa kanya, hindi makapaniwala. 'Yung isusubo ko dapat na tinidor na may cake ay hindi ko na naituloy kaya ibinaba ko na.

"'Yun ay kung buntis ka." Sumandal siya sa upuan at dumekwatro. Medyo naging at ease na ulit ang mata niya. Sobrang tense kanina noon makatingin no'ng binitawan niya ang mga mabibigat na salita.

"Hindi ka ba man lang manghihinayang sa career mo? Sa mga naipundar mo? Sikat na sikat ka pa naman na!" Hindi kasi ako talaga makapaniwala. Leaving a job seems so easy for him.

"So? Mas mahalaga ang anak ko kaysa sa career."

Napatahimik na lang ako. Oo nga naman. Bakit ko pa nga ba siya kokontrahin? Kung sakaling magkakaanak ako ay gugustuhin ko siyang magkaroon ng ama. Kaya dapat ay matuwa ako dahil bukal sa loob ng magiging ama ng anak ko (kung sakali) ang maging tatay.

Pero.. medyo nanghihinayang pa rin ako. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na matagal na siyang nasa industriya ng showbiz at malaki na ang pangalan niya. I feel terrible that because he met me, there's a possibility of putting a halt in his career.

"Iyon lang ba ang pag-uusapan natin?" malamyang tanong ko dahil bukod sa sudden realization ay naalala ko ring pinaggogrocery pa nga pala ako ni Inang.

"Nope." Napalingon akong muli sa kanya at inabangan ang susunod niyang sasabihin. "Sa loob ng one week, hatid-sundo kita." Inalis niya ang pagkakadekwatro at kinuha ang kape niya para swabeng uminom.

"W-What?!" Nanlaki agad ang mata ko.

"It will be just for a week. Kailangan kong siguraduhing healthy ka dahil anak ko rin ang dinadala mo." Tapos ay sumubo siya sa cake ko na hindi ko na natuloy kainin kanina.

Marami pa akong gustong sabihin pero napalabi na lang ako at sumang-ayon. Wala naman akong magagawa. Para rin naman sa ikabubuti ko iyon eh.

"Hindi ka.. busy?"

Napahinto siya sa paghigop sa kape at tumingin sa akin.

Ang.. gwapo talaga.

"Not much," matipid niyang sagot.

I just blinked.

"Sige. Mauuna na ako." Patayo na ako nang maalala kong hindi ko tanda ang mga dinaanan namin. Malay ko din ba kung nasaang lugar kami. I didn't pay attention earlier while we were on the road.

"What?" Nakataas ang kilay nitong tanong. Tss. Ang taray.

"Uhm. Hindi ko alam ang dinaanan natin."

"Tsk." Parang nainis ito base sa reaksyon pero tumayo rin kalaunan. Kinuha ang alarm ng kotse at naunang naglakad patungo sa pintuan ng unit nya.

Siya pa may ganang mainis? Eh siya naman itong nagdala sa akin dito. Pwede naman kasing mag-usap kami sa restau– sabi ko nga makikilala siya. Pero kahit na! Sinabi ko bang ihatid niya ako pauwi? Sinabi ko lang namang hindi ko alam ang dinaanan namin, pwede naman niyang ituro kung saan.

Eh ano pa bang ipinaglalaban ko? Ihahatid na nga ako. Bahala siyang mainis.

"WAIT!" Naisara niya nang 'di oras ang pinto nang malakas dahil sa tili ko. Napamura pa ito nang mahina dahil nagulat. "Sorry." Nagpeace sign pa ako dahil mukhang naipit ang paa niya.

"What the hell?! What's your problem?" Inis na bumaling ito sa akin.

"'Yung ano... kasi." Nahihiya pa ako. Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kahit saan para kung sakaling makita ko na, dadamputin ko na agad nang hindi sinasabi kung ano 'yon.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon