20

8.6K 260 29
                                    

Salamat sa pagsuporta! Saranghaeyo!

Chapter 20

______

"Sumama ka raw, oy!" bulong ni Sally ilang segundo makalipas.

Pero hindi pa rin ako natinag. Nakatingin pa rin ako sa kanya at hindi man lang gumalaw sa pwesto ko. Basta lang, ayokong gumalaw eh. Feeling ko, mahuhulog na lang bigla ang panty kong bagong bili ko sa ukay-ukay noong isang araw. Eh Jusko! Ikaw ba naman ang yayain ng isang Jackson na sumama sa kanya eh, hindi ba mahuhulog 'yang panty mo? Baka nga pati bra mo eh kusang matanggal!

Ang kaso lang eh iba ang sitwasyon ngayon. Ang mga kalokohang naiiisip ko ay isinantabi ko muna.

We badly need to talk.

Tumayo ako nang nakayuko. Nahihiya kasi ako sa mga taong nakatingin at nagbubulungan na ngayon. Cameras are everywhere. Soon, nasa social media na ang mukha ko malamang.

Gusto kong pagalitan si Jackson dahil mukhang hindi na niya naisip na artista siya at gusto ata ng bagong issue kasama ako pero saka na lang siguro. Mukhang hindi naman papasok sa isip niya ang sermon ko hangga't hindi niya nasasabi ang gusto niyang sabihin.

"Saan tayo?" mahinang tanong ko kay Jackson nang makalapit ako.

Hindi siya nagsalita at hinatak lang ako bigla. Nakita ko pa ang mabilis na panlalaki ulit ng mga mata ng tao. Ang iba ay pinilit na sumunod sa amin pero out of nowhere ay biglang sumulpot ang mga bodyguards. I don't know if they are Jackson's or from the mall, but I deduced, based on their uniform na minsan ko nang nakitang suot ng mga nakapaligid kay Jackson.. they are indeed his bodyguards.

Kaloka naman. Feeling ko tuloy ang ganda ko.

'Yung lalaking tinitilian ng lahat at kasalukuyang hinahabol ngayon ay hawak ang kamay ko't hinahatak ako. Para bang fairytale ang dating.

Pero may napansin ako...

Lalaki na talaga siya sa paningin ko? Ugh.

Even my mind isn't helping. How can I save myself now?

___

"What do you want to eat?" pinaglalaruan ng mga daliri niya ang kanyang labi habang nakapatong ang siko sa lamesa. Tinititigan niya ako habang hinihintay ang sagot ko.

Napalunok-lunok na lang ako dahil sa pagkailang. Grabe! Ibang-iba talaga ang awra ng bakla ng taon natin ngayon! Nagpifeeling lalaki talaga siya! At in fairness ah..

Malapit na akong maniwala.

"T-tubig na lang," sagot ko.

Nasa isang restaurant kami dito pa rin sa loob ng mall. At muntikan pa akong himatayin nang pumasok kami dito. Aba mga 'te! Walang katao-tao! Nirentahan niya nang pambuong araw ang buong resto para lang sa magaganap na pag-uusap namin!

Ang lupit ng lola niyo 'di ba? Pang-presidente lang ang datingan!

"Hindi ka ba gutom? You've lost weight, you need to eat a lot," nakakunot ang noong pahayag niya habang tinignan pa ang buong katawan ko. He also straightened up to emphasize his point.

Hindi ko alam kung concern lang talaga siya sa figure ko o talagang ayoko lang alalahanin at tanggapin ang dahilan bakit ako nawawalan ng gana kumain dahilan para bumaba ang timbang ko.

"W-walang pakielamanan. Ano bang pag-uusapan natin?" inip kong tanong habang palinga-linga sa gilid. Ang taray kasi ng lugar na 'to eh. May chandelier pang nalalaman! Malaginto rin ang mga kagamitan! For all I know, pintura lang 'yon. Char.

Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa niya. Kaya naman nagtaka ako't nilingon siya.

"Happy much? Anong nakakatawa?"

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon