29

5.1K 158 7
                                    

Chapter 29

"Suki ka ng media, ate ah," pang-aasar ni Angela. Sinusubukang pagaanin ang atmosphere.

"Alam ko. 'Wag kang ano." Sumimangot ako lalo. Alam na alam talaga niya kung kailan ako mas babadtripin eh.

"Lagot ka kay kuya Jackson!" Humagikgik siya.

Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo sabay tinitigan nang masama. Nagpeace sign siya saka nagmamadaling tumayo at iniwan ako sa sala, pumunta siya sa taas.

Alam niyang naiinis na niya ako lalo kaya tumakas kaagad.

Napabuntong-hininga na lamang ako at naupo. Hinilot ko ang sintido dahil pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa dagsa-dagsang problema.

Alas otso na at nandun pa rin sa labas ang mga media. Buti at tulog pa sila Inang at kuya. Hindi ko mate-take kapag nagsisihan na rito. Paniguradong sisisihin ni Inang ang sarili niya o kaya si Kuya dahil siya ang nagpush na lumipat na kami at since si Scott ang una niyang nakita kagabi ay nakiusap siyang kung pwede ay patirahin muna kami sa kanila pansamantala since nag-alok na rin naman si Scott.

"Iha. Pagpasensyahan mo na't kakailanganin mo munang manatili rito sa bahay, ha? Oras na lumabas ka ay siguradong hindi na magpapapigil ang mga taong alagad ng media sa labas. Papasok at papasok sila." Hinagod ni Manang Fe ang likod ko.

Malungkot akong ngumiti sa nag-aalalang matanda. Humawak ako sa kamay niya para sa suporta.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa sandalan ng sofa. Pagtingala ko sa hagdan ay nakita ko si Scott at GD na nag-uusap.

"I told you! You shoud've not brought them here! Sa secret condo mo dapat!" mahinang sigaw ni GD kay Scott na nakayuko lang habang bumababa ng hagdan.

Sa sobrang tahimik sa loob ng bahay nila ay rinig na rinig ang pagtatalo ng magkapatid.

Patuloy sa pagbaba ang dalawa ng hagdan. Si GD ay patalikod kung bumaba at tinitignan lamang kung minsan ang hahakbangan habang nasa harap niya ang kuya niya.

"Kailan mo sinabi? Kung kailan nandito na sila, hindi ba?" Umirap si Scott sa kapatid. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalong suot.

"But at least sinabi ko. At that moment dapat naisip mo nang tama ako! Mom will go bonkers again if she ever heard this issue! Sa bahay niya pa! Alam mong ayaw na ayaw niyang nagdadala ka ng babae rito, and what? Buong pamilya ang dinala m--"

Humigpit ang kapit ko kay Manang Fe. Mas lalong sumama ang loob ko. Hindi na dapat kami magtagal dito at nakakaabala pala talaga kami.

Napakagat labi ako at ginustong magtago dahil hindi ata nila alam na naririnig ko sila.

"Shut up! Okay?" Ginulo ni Scott ang buhok niya't tumingin nang masama sa kapatid. "Naisip ko na 'yan! Of course, alam kong dapat sa condo ko sila dinala! But you're not thinking that much. Hindi mo ba naisip na masyadong malayo ang condo rito? Things would be very hard for them kung doon ko sila dadalhin. Malalayo ang kuya niya sa trabaho, malalayo sila sa schools nila and of course, mas magiging mahirap para sa kanilang makipag-ayos sa tatay nila! They wouldn't be able to reach their father that easily kung nasa condo sila at ganoon din para sa kanilang tatay. Mag-isip ka nga!" Inunahan na niya ang kapatid niya sa paglalakad hanggang sa mapadpad ang paningin niya sa amin ni Manang Fe na nasa sala. Masyadong malaki ang bahay nila na talagang ilang hakbang pa ang layo ng sala sa hagdan.

Napahinto siya sa paglalakad at ganoon din si GD na bumuntong hininga pa. Napag-isip-isip niya sigurong may point ang kuya niya.

Hindi ko alam kung anong irereact pero nag-init naman ang pakiramdam ko sa malalim na pag-iisip ni Scott sa sitwasyon ng pamilya ko.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon