32

4.4K 123 7
                                    

Chapter 32

Matapos kong tulungan si Lola Wella sa pagdidilig ng halaman ay sinimulan ko namang tulungan ang mga kapatid ko sa paglilinis ng sala. Si Angelou ang taga-abot ng mga kagamitang panglinis sa amin ni Angela. Si Kuya naman ay pumasok na sa trabaho since dito rin naman sa Manila iyong pinagtatrabahuhan niya.

Nag-aalala si Inang sa pag-aaral namin nila Angelou. Gusto rin naman din pumasok kahit paano pero mas mabuti ata munang hayaang mamatay ang mga balita bago kami pumasok ulit. Isa pa ay hindi rin naman ako magaling sa mga direksyon, gustuhin ko mang pumasok ay baka pa maligaw ako at imbis na makaabot sa oras ng klase ay sa uwian na ako makarating sa eskuwelahan. Ang sabi sa amin ni Inang, baka sa susunod na taon na kami magpatuloy kung susobra na sa dami ng absences at hindi na maconsider ang mga dahilan sa mga araw ng pagkawala bilang excuses. Nakunsensya ako na nadamay ko pa ang mga kapatid sa maaaring paghinto sa pag-aaral.

"Ate, pwedeng sagutin ang cellphone...o pwede ring patayin," sarkastikong sabi ni Angela sa 'kin na hawak-hawak ang feather duster at kasalukuyang pinupunasan ang mga picture frames.

Inirapan ko siya at nilingon ang kukurap-kurap kong cellphone na patuloy sa pagri-ring. Siguro'y nainis siya dahil sa sabog na tunog nito dahil sa speaker. Ayoko namang pakawalan ito, nakakapag-twitter at facebook pa rin ako dito 'no.

Nagtaka naman ako dahil 'Simpleng Tulad Mo' na ni Daniel Padilla 'yung tunog. Baka kung anu-ano na namang niregister ni Angelou sa cellphone ko kaya nagkaringtone ako! Talaga naman!

"Napatawag ka?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Eto kakamustahin ka--- aba wow ah?" napahinto ako nang may mapagtanto. "Ikaw tumawag!"

Tumawa sila Aika sa kabilang linya.

"Ano friend? May balak pang pumasok? Magaling na kami! Pinalampas ng teachers 'yung nangyari these past few days pero kapag lumagpas ng 1 week ang absences mo... you know you'll be dead." Halos maimagine ko ang ekspresyon niya habang nagsasalita.

Napabuntong-hininga naman ako.

"4 days pa lang naman."

"Ah so paaabutin mo nga ng 1 week?" narinig kong sigaw ni Sally. Pinakalma naman siya nila Dea base sa naririnig kong boses sa background.

"Hindi naman. Alam niyo namang mainit pa ang mata ng media sa akin eh. Isa pa, lumipat kami ng bahay."

Sabay-sabay silang nagtanong kung anong nangyari. Ikinuwento ko ang naganap sa buhay ko at kinumpirma din nila kung totoo ngang nanirahan ako kayla Scott.

Base sa kwento nila. Ilang oras lang tumagal ang picture ko na nasa tapat ng bahay nila Scott sa internet. Kung tatanyahin, pagkauwi ni Jackson ay burado na ang mga kumalat na pictures. There's a possibility na pinabura niya since I know him too well.

Lalo akong nababaon sa utang na loob sa kanya at sa hiya na rin.

"Mas makakabuti ngang magpahinga ka muna. Ia-update ka namin everyday sa lessons nang may matutunan ka ah? Bibisitahin ka namin diyan anytime soon!" huling sabi ni Aika bago pinatay ang linya.

Gusto ko pa sanang magpasalamat pero naibaba niya agad. Hindi bale, kapag nagkita na kami ay yayakapin ko sila nang mahigpit. I wanted to deliver through that embrace my apologies and gratitude.

Sobrang daming taong nadadamay sa gulo ng buhay ko at hindi ko alam kung paanong pagpapaumanhin ang hihingin at pasasalamat na ibibigay. Ang alam ko lang, hindi ako nakakalimot pagdating sa ganoon. Someday, I wish I could return all the kindness I have received.

"Woah!" agad akong napalingon kay Angela.

"'Tsura nito. Anong wino-woah mo diyan?" masungit kong tanong. Nakatingin siya sa likod ng isang picture frame.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon