14

8.8K 297 18
                                    

Chapter 14

____

"Ano? You're not going to say anything?" Matapos ng ilang minuto ay nagtanong siya muli.

"Ah... may dapat ba akong sabihin?" napapakamot sa batok kong tanong sa kanya.

"W-what?" He looked baffled and disappointed. Muntikan na niya ata akong masabunutan dahil sa inis niya kaya lumayo ako nang bahagya sa kanya.

"Eh kasi naman! Bakit kailangan kong magalit? 'Tsaka anong ikagagalit ko ro'n? pakealam ko ba?" nakanguso kong sabi habang nakatungo. I was trying hard to lie to save face.

Hindi ko alam kung bakit umaakto siya nang ganito e. We're clearly not in that kind of relationship. Oo, we have skinship moments na paniguradong (and I'd like to think of it that way) dala lang ng hormones but I cannot just state what I am honestly feeling na 'of course, nagagalit ako' dahil that doesn't sound right. Wala namang kami. I don't have the right.

And he's confusing me! One moment, bigay na bigay sa pagiging gay, the next moment e umaaktong ganito na para bang boyfriend ko. Nakakafall din minsan Dios mio. I would have really believed this side of him, I would have been swayed if I have not seen him search Scott's name!

Tumitig siya nang matagal sa akin. He seems weighing something through my eyes. He sighed after seconds of staring.

"Gaga!" Nagulat ako nang bigla niya akong batukan at sabihan ng gano'n.

"Dapat nagalit ka kanina! Edi sana hindi tumagal nang more than one second ang halik niyang hanggang ngayon ay nafi-feel ko pa! Nakakainis! Bilang kaibigan ko, dapat nagalit ka at pinrotektahan mo ako!" Pinagkadiinan niya pa iyong salitang kaibigan.

Ah... iyon naman pala kasi ang dahilan kaya dapat magalit ako. Oh sige. Sabi niya e. I was being lifted kanina, and then biglang bumagsak. Wow.

"Kaya pala sabi mo kanina ay mas malambot ang labi niya! Kaya pala!" sarkastikong sagot ko sa kanya habang tatango-tango pa. Trying to connect everything he has said.

"Duh! Syempre totoo 'yon! Pero nakakadiri pa rin! 'Yung feeling na another laway na naman ang nadikit sa lips ko? Yuck!" Kumuha siya ng tissue at pilit pinupunasan ang labi na animo'y matatanggal niya ang kung anumang mikrobyo na nanggaling sa nguso ni Diana.

"Ang arte mo talaga, ano? Hahalikan mo ulit iyon mamaya kaya huwag kang masyadong mandiri, okay? Hindi lang isa ang kissing scene niyo! At hindi lang smack! Kaya masanay ka pwede? Tsk. Sa lahat ba ng hahalikan mo eh talagang kailangan may reklamo ka?" mahabang pangaral ko sa kanya. Aba, kahit nung hinalikan ko lang din siya kanina bago pumasok ng school, umangal din siya! Kahit na eventually tumugon naman siya.

"Tss! Nagrereklamo rin ako noon syempre! Pero simula nung nahalikan kita feeling ko dapat hanggang sa labi mo na lang ako eh," mahina at nakatungo niyang sabi.

Napalingon naman ako sa kanya nang may nanlalaking mata. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko.

"Eh?" nagugulat kong usal.

"Tsk. 'Wag masyadong lalaki ang ulo ah? Narinig mo na 'di ba? Ayokong ulitin! And! I'm still gay! Ang sinabi ko lang ay hanggang labi mo lang ang gusto kong halikan at wala nang iba! Hindi ibig sabihin no'n ay lalaki na ako!" Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. He was being defensive that I'm honestly doubting if he's saying the truth.

Pagkatapos ng ilang segundo ay bigla siyang tumayo at lumabas ng tent kahit hindi pa nagpapaalam sa akin.

I am hyperventilating inside. Grabe.

Teka! Bakit kinikilig ako sa sinabi niya? For real? Kinikilig ako sa bakla!

____

"Huwag na 'wag mo na ulit ako isasama sa trabaho mo. Pakshet!" nanggagalaiting sigaw ko pagkababa ng kotse niya.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon