51

4K 100 7
                                    

Nawalan kami ng net. Huhu Sorry.

Mga 2 chapters na lang, then epilogue. T_T

Chapter 51

_____

Halos hindi ako huminga habang humahakbang papasok ng elevator si Manager Anne.

Pagpasok nya agad na pinindot ni Jackson ang close button. Walang naging ingay sa loob ng elevator kundi ang mismong tunog nito habang umaakyat sa bawat floor.

"Tsk." pumalatak si Manager Anne.

Tinignan niya ako-na pinagmamasdan lang din ang mga galaw nya, si Jackson-na kalmado lang na nakatingin sa pinto ng elevator pero kunot na kunot ang noo nito at ang iba pa naming kasama na halos hindi na din huminga.

Mabagsik kasing makatingin si Manager Anne. Ang bawat galaw lang ata namin na sa tingin niyang mali ay lapain niya kami.

"Sa asta niyong 'yan, parang napakasama ko naman ata?" Taas ang kilay na tanong sa'min ni Manager Anne na syang bumasag sa katahimikan.

"Hindi ba?" nakangising sumagot si Jackson na hindi man lang naalis ang paningin sa elevator.

Pinanlakihan na lang ako ng mga mata. Mas pinatataas niya lang ang tensyon!

"Ha! I can't believe this." Umiling-iling si Manager Anne. Sakto namang bumukas ang elevator kaya nauna na siyang lumabas. "You're drowning in your own fantasy. Learn to live in reality, hindi pwede ang 'kayo' sa industriyang ito." makahulugang sinabi nito bago muling magsara ang elevator.

Pinagmasdan ko ang mariing pagpikit ni Jackson. Muli akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nyang pumorma na pabilog. Nilingon niya ko kaya tipid ko siyang nginitian, pero hindi nagbago ang itsura niya. Ganunpaman ay naramdaman ko ang pagkalma niya.

Masyado siyang nadadala sa sinabi ng manager niya. Kung tutuusin ay wala lang 'yon para sa iba. Pero masakit isipin na hindi nga kami pwede sa reyalidad.

Nagmimistula lang akong mantsa sa pinakamahal na puting kamiseta.

"Oh? 'Wag damdamin, ang kasawian, may bukas pa~" pabirong kinanta ni Ate A ang isang luma ng kanta.

Agad na naman siyang nabatukan ni Manager Ree.

"Hindi makaramdam? Seryus ang atmosphere 'di ba?" Pabulong na sita pa nito. Napalabi naman agad si Ate A.

Napabuntong hininga na lang ako. Kung nasa normal na oras at pagkakataon kami, malamang ay napabungisngis na rin ako. Pero hindi mawala sa utak ko 'yong sinabi ni Manager Anne.

Pagkarating namin sa tamang floor, bago pa man kami makalabas ay mahigpit na pinagsalikop ni Jackson ang mga kamay naming kanina ay ako lang ang nakahawak.

Pinigilan ko agad siyang makalabas. Hindi pwedeng may makakitang magkasama kami!

Kinunotan niya 'ko ng noo.

"Why?" Malambing ang tono niya taliwas sa matigas na ekspresyon niya.

"B-Baka may makakita...sa'tin." maliit ang boses kong sinabi.

Mas lalong kumunot ang no niya. Disappointed siyang tumingin sa'kin at hinatak akong palabas.

"Let them see us... I want them to know that I own you, and only you.. can own me." Matigas niyang wika na para bang nagdeklara.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niyang 'yon, pero lihim din akong napailing. Hindi niya talaga naiintindihan ang sitwasyon.

Tama naman ang sinabi ni Manager Anne. Ilang taon man ang lumipas, ako at ako pa rin ang hahatak sa kanya pababa. Hindi nabura ng panahon ang samu't saring isyung nadikit sa'min na sa isang iglap lang ay nagdala sa kanya sa kapahamakan.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon