24

7.7K 245 19
                                    


Chapter 24

________

"Ipinaalam mo ba ako kay Inang at Amang?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong mag-ayos. "'Tsaka, ikaw ba nag-uwi sa akin? Hindi ba ako sinundo ni kuya?" dagdag ko na may nag-aalalang mukha.

"Yes to all the questions." Kinuha niya muli ang kamay ko't pinagsalikop niya ang mga iyon.

"Hindi ako pinagalitan nila Inang nung hinatid mo 'ko?" paninigurado ko habang palabas kami ng bahay.

"How will they get mad at you if you're drunk and unconcious? They'll be worried first. That's how parents act. Kahit anong kalokohan mo, kapag hindi maganda ang lagay mo, makakalimutan nila ang ginawa mo." Nginitian niya ako at isinara niya ang gate namin.

"Ano bang nangyari?"

"Sa sobrang kalasingan, you just fainted."

"I fainted?"

"Nah. You're just really drunk. Dala na 'yon ng antok at alak. Anyways, I said you should bring some clothes." Kumunot ang noo niya nang makitang wala akong bitbit na kung anoman.

"Date kamo diba? Ba't may damit pa? Outing ba itech?" Nagtaka naman ako syempre. "'Tsaka nasaan pala sila Inang? Nakita mo ba sila?" Lumingon-lingon ako sa mga kapit-bahay at baka nakikitambay lang naman ang pamilya ko.

"Go get a few clothes. Don't mind them, they're safe." Tinulak niya muli ako papasok ng gate at bahay. "I'll wait for you here." Sumandal siya sa amba ng gate.

"Eh?" Nginiwian ko na lang siya dahil hindi ko siya naintindihan.

Ang gulo ng bakla-- este lalaking ito.

Kumuha naman ako ng tatlong pirasong t-shirt, iyong presentable. Tsaka dalawang pantalon at isang leggings. Iyon lang naman ang maaayos kong damit eh. Inilagay ko iyon sa isang backpack na ginamit ko last school year.

"Tara." Naglakad na kami palabas. At dahil naglalakad nga lang kami ay agaw pansin ang ayos ni Jackson.

Naka-black jacket na may hood siya, shades, fitted jeans na gray, tapos rubber shoes lang naman siya. Pero dahil sa ang tangkad at ang lakas ng dating niya, nagsisilingunan talaga lahat.

Buti na lang at hindi namin nakasalubong sila Lloyd. Walang harang sa daan.

"Hop in."

Pagkasakay ko ay inilagay niya muna ang ibang gamit sa likod ng sasakyan.

Nagtataka pa rin talaga ako hanggang ngayon kung bakit kailangang may mga gamit na ganoon karami? Date naman ang dinig ko sa gagawin naming araw na ito 'di ba? Tama ang narinig ko.

Hindi na ako nagtanong sa kanya dahil for sure, he won't answer me properly.

Napabuga ako ng hangin.

"Bakit?" Lumingon siya saglit pero ibinalik din ang paningin sa kalsada.

"Nasa'n sila Inang? Sila Kuya?" Gumugulo kasi sila talaga sa utak ko eh.

"I've told you, right?--"

"Na they're safe. Pero ang tanong ko- nasaan sila?! Hindi ko tinatanong kung safe ba sila! Alam ko namang keri nila mga sarili nila 'no," I said crossing my arms on my chest.

Amusement is plastered all over his face. He has bit lips to suppress himself from laughing.

Sa inis ko'y kinurot ko siya sa braso. Napapreno siyang bigla.

"W-what?" natatawa niyang lingon sa banda ko. Pinai-inosente ang sariling tanong.

"Just continue driving." Tumingin ako labas at hindi na siya pinansin pa. Hinayaan ko siyang ngumiti mag-isa. Mukha siyang baliw.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon