15

8.9K 285 20
                                    

Chapter 15

______

"Poyi! Baka pwedeng papasukin mo itong mga kapatid mo, ano? Kwarto niyo 'yan! Hindi lang iyo 'yan!" nanggigigil nang sigaw ni Inang sa labas ng pinto ng kwarto.

I'm on the verge of crying ('yung nag-iinarteng crying). Sandali lang naman eh. Inaayos ko pa iyong kama ni Angelou at Angela.

Nagwala kasi ako; masyado akong kinilig sa mga pahayag noong baklang si Jackson kaya eto ang resulta. Sabog-sabog ang unan sa sahig at muntikan ko pang mabasag iyong salamin dito. Emeghed.

"Oks na, Inang!" sabi ko at saka binuksan ang pinto. Antok na antok na si Angelou ang bumungad sa akin pati na si Angela. Magkasalubong naman ang mga kilay ni Inang.

"Hehehe. Sorry na mga kapatid. Matulog na kayo nang mahimbing."

"Nako, Angeles ah. Kung ano-anong kababalaghan iyang ginagawa mo ah," biglang sabi ni inang.

"Lah! Ano 'yon 'nang? Kababalaghan ka diyan!"

"Kurutin ko singit mo eh! Jusko! Kayo nga ni Jackson ah, huwag kayong masyadong magsosolong dalawa! Aba't baka malingat lang kami sandali ay talagang lumobo na iyang tiyan mo ah!" nanlalaking mga mata na sabi ni Inang.

La, sa'n nanggaling iyon? Nakakaloka. Hindi nakakatulong na kinikilig pa ako.

"Paranoid kayo masyado eh 'no Inang? 'Wag kayong mag-alala dahil magkaibigan lang naman kami! Doncha woreeey!" Tinapik-tapik ko pa siya sa balikat. "Easy lang, Inang! Kaya go there na and sleep!" Matapos noon ay sinaraduhan ko na siya ng pinto. Inunahan ko na siya bago pa siya magkaroon ng round 2 sa pagpapaalala.

Nahiga naman agad ako. Ilang minuto lang din ay nakatulog ako with a smile still plastered on my face.

___

Wokey! Good morning, Philippines!

I had a very very good sleep! Wahahaha anyways, nag-ayos na ako agad-agad dahil kapag tumunganga pa ako ay baka ma-late ako sa klase. Isa pa ay kailangan ko uling kumopya ng assignment dahil hindi ko na naman iyon nagawa kahapon. Tinatamad lang talaga ako, hehehe. I am not really a role model when it comes to studying. At hindi ko naman ipinagmamalaki iyon.

"May ipag-uutos kayo, Inang?" kusang tanong ko bago umalis ng bahay. Sa sobrang ganda ng gising ko, nagkukusa na ako.

"Wala! Umuwi ka lang nang maaga dahil maaga ring uuwi ang amang mo!" sigaw niya mula sa kusina.

"Edi meron nga po! Ge! Gotta go hoho!" Lumabas na ako nang tuluyan at ganon' din sa gate. Hindi ko ulit iyon sinara at hinayaan lang na nakabuyangyang.

Nagtaka pa ako dahil hindi ako sinundo ni Jackson ngayon. Eh bago pa lang ako magising ay madalas nang nasa bahay iyon at nakikikain. Alam na nga niyang mahirap kami eh lumalamon pa sa amin. Tsk tsk. Hindi naman nagbibigay ng pambili!

Paano nga rin pala ako papasok kung hindi niya ako susunduin? Wala akong pera pamasahe! Lintek talaga kahit kailan 'yang Diana na 'yan eh! Ngayon ko lang naaappreciate ang mga reklamo sa akin ni Jackson! Talaga ngang dapat ay ibaon na sa lupa ang pesteng babaeng iyon!

'Yung mood ko, unti-unting nag-deplete.

"Yo Yo Yo, Poyi! Hindi mo ata kasama iyong hilaw mong kaibigan na laging nakashades?" tanong ni Lloyd. Iyong kaibigan kong tambay.

"Ah iyon? Baka nasa galaan."

"Hindi ka na namin masyadong nakakausap kapag kasama mo iyon. Manliligaw mo ba 'yon?" Maangas na tanong naman ni Carlo.

"Ay talaga ba?" sarkastikong tanong ko. "Hindi ko manliligaw iyon. 'Tsaka pwedeng-pwede niyo naman akong lapitan anytime eh. Ano ba kayo!" Pati ba naman itong mga tambay na ito eh pagseselosan pa 'yung si Jackson? Don't me.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon