Hay. Gusto talaga nila ng away.

May singhap na narinig kami sa pinakalikod nila Alex pero mga wala namang umawat.

"Miss! Miss! What's the real score between you and Mr. Peterson?" Nagmamadali ang mga media sa paglapit. Ninakaw na nila ang sandali para hindi na ako makaalis pa.

Nang mapansin 'yon nila Aika ay nagsibalikan sila at nagmistulang guwardiya sa harap ko.

"What's your name? From what family do you belong?"

"How did you meet?"

"He said that you are just the president of his fans club, are you really that close?"

"You've seen with Mr. Hernandez, what's with you two?"

"Psh! Slut!"

Sumalpok sa noo ko ang pangalawang bato nila Alex ng itlog.

Talaga naman! Nagsasayang lang sila eh! Anim na piso rin 'yon!

Unahan naman ang mga may camera sa isang malagim na eksenang iyon.

"Aish! Bakit ba ganito?" napakagat labi si Aika. "Sasabunutan ko talaga sila 'pag wala ng camera!" pasigaw na bulong niya.

"Saang university ka nag-aaral Miss?" tanong na naman nila.

"Ha! University? Look people! She's our schoolmate! And she's just what? 19! Yet she's having an affair with Jackson? whose age is about twenty or more?" Napangisi si Alex.

"Oh? Pake mo?" di napigilang sumagot ni Cola. "Bawal na ba ngayon 'yon? Kaya 'di umuunlad 'tong bansa natin ay dahil sa mga kagaya mong makikitid ang utak!"

"What?" binato niya rin ng itlog si Cola.

"Aba gago 'to ah!" Inis na nilingon ni Aika sila Alex. "Bakit ba ang hilig niyong mamato ng itlog? Duwag ka 'no? Baka mamaya dala mo na naman kuya mo rito?" nang-aasar niya pang dagdag.

'Yong kuya niya kasi iyong muntikan nang sumuntok sa'kin pero napigilan nila GD at Scott.

Hinawakan ko si Aika sa siko para pigilan siya. Baka lalong magkagulo, wala naman kami sa lugar namin at nasa harap pa ng mga tao ng media na tila lahat ng nakikita ngayon ay pang-scoop lang para sa kanila.

"Duwag? You think I'm a coward? Then I'll show you that I'm not!" sumugod siya kay Aika kaya nanlaki na lang ang mga mata namin nang magsabunutan na lang sila. Natanggal ang pagkakahawak ko kay Aika dahil nadala siya ni Alex. Ganun din ang ginawa ng iba naming schoolmate na sinugod na rin kami.

Flashes of cameras filled my sight. Ni hindi man lang nila talaga kami pinigilan.

"Pokpok ka! Bakit ba hindi mo na lang lubayan si Jackson para lubayan ka na rin namin?" sabi nitong siraulong sumasabunot sa akin.

I smirked.

"Sino ka ba para sundin ko?"

Hinayaan ko siyang sabunutan ako.

Mapapagod din siya. Kasi ako, pagod na.

"Kasalukuyan pong may gulong nangyayari sa pagitan ng president ng fans club ni Mr. Peterson at ng kanyang mga ka-eskwela. Mapapansin po natin iyon ngayon..."

Pasinghap kong nilingon ang isang babaeng nagrereport sa harap ng isang camera habang kami ang nasa background niya.

What the hell? Gusto kong lapitan siya at siya ang babalingan ko ng pinipigil na inis.

Napangiwi ako nang kalmutin ako nitong babaeng hindi pa rin ako tinitigilan.

"Ikaw pala 'tong duwag eh? Bakit hindi ka lumaban!" sinampal pa niya ako.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon