"Iha, come here. May ipapakita ako sa iyo." She's really simply elegant. With the way she talks and the way she acts. Kahit pa halatang kaya niyang makipag-bardagulan anytime, tingin ko ay magagawa niya iyon sa paraang graceful pa rin. Kahit ang mga linya ng katandaan ay kita na sa kanyang balat, hindi nabura ang mga natutunang galaw at pagka-sopistikada.

Tingin ko ay namana iyon ni Jackson. Pwedeng matutunan pero kita rin namang tila natural na nilang galaw ang pagiging elegante at preserve kaya hindi malayong maintimida ang ibang tao at mamangha. Kung hindi lang mainit ang pagkausap sa akin kanina ni Lola Wella ay matutulad ako noong unang kita kay Jackson na na-intimidate.

Lumapit ako sa matandang nakaupo sa rocking chair niya rito sa may labas ng bahay. Iyong sa veranda.

Kasalukuyan namang tinutulungan ni Jackson sila Inang sa pagsasaayos ng mga gamit. Si lolo Jomar ay nasa kusina, ayaw niyang pakielaman namin siya. Tutulong nga dapat ako sa paghihiwa pero natikman ko ang bagsik ng isang Lolo Jomar.

Ayun! Hindi na 'ko pwedeng makaulit na pumasok sa kusina.

"Bakit po?" naupo ako sa isa sa mga bakal na silya doon.

"Hija, bago ang lahat, pagpasensyahan mo na ang Lolo Jomar, he doesn't want anyone near his kitchen--kahit minsan pati ako." Tumawa siya nang tila ay may naalala. "Pero iyon ay dahil masyado niyang mahal ang pagluluto, para bang he's in another world kapag naroon siya kaya ayaw niya rin nang may ibang tao. Alam mo iyong pakiramdam na may nanghimasok sa sacred place mo? Gano'n ang nararamdaman niya." tumigil siya sa pagsasalita at mula sa pagkakatingin sa isang photo album na hindi ko matanaw ay lumingon siya sa akin.

Bakas naman sa mukha ko ang pagtataka at pagkapahiya. Isa kasi ako sa mga mapangahas na pumasok sa kusina.

"P-Pasensya na po." Hindi ko napigilang humingi ng paumanhin.

Napangiti ang matanda at iminuwestra na lumapit pa lalo ako sa kanya na ginawa ko naman agad.

Ang hangin dito, ang sarap sa pakiramdam. Kitang-kita rin ang pagsayaw ng mga halaman ni Lola Wella-- it's a peaceful sight.

"Let me tell you a story," pagsisimula niya pagkalapit ko. Nakinig naman ako sa kanya.

Bahagya siya munang tumitig bago ulit nagpatuloy.

"Alam mo iyong Lolo Jomar mo? He was known as one of the great chefs of our time. Syempre ako ang pinakamasaya noon. But then he chose a path where he needs to leave his career for me. Hati ang damdamin ko para sa saya sa sarili at lungkot sa kanya. But as time passes, he never made me feel like choosing me is a regretful choice. Lagi niyang pinaaalala na hangga't nakakaluto siya at nasa tabi niya ako ay wala siyang pagsisisihan." Iniangat niya ang tingin sa pasilyong papunta sa kitchen."Dahil aanhin niya ang titulong ibinigay sa kanya kung magiging matabang lahat ng luto niya dahil wala naman ako?"

Nakita ko ang panginginig ng kanyang mata. Para bang naalala niya na kahapon lang ang mga nangyari. Napaawang ang mga labi ko nang may naiugnay sa kanyang kwento.

"Kinuwento ko iyon dahil alam kong ganoon din ang apo ko," si Lola Wella sabay binuklat ang photo album na hawak niya. "Bata pa lang ay may potential na sa pag-arte. Maaga niyang natanto iyon kaya't gumawa ng sariling pangalan sa industriyang napili. But you know what I've learned just by observing him since earlier?" dugtong niya.

Kumunot ang noo ko habang iniintindi ang kanyang nais iparating. I shifted on my seat.

"A-ano po iyon?" tanong ko sabay napakamot nang wala sa sarili sa batok.

"Jackson can be quite a headache pero dahil isa ako sa nagpalaki ay madali ko na siyang mabasa. The way he looks at you is a sign that he can do what his Lolo Jomar did." Nakangiti si lola at proud na itinuro ang apo sa isang litrato. "Noon pa ma'y iniisip ko na kung paano siya sa babaeng magugustuhan at dumating ka na nga sa wakas."

My lips quivered. Gaya ng naiisip ko kanina ang mismong isinasalaysay ni Lola Wella.

Noon pa mang inakala ni Jackson na buntis ako kahit hindi niya naman ako gusto ay handa na siyang iwan ang pag-arte.

Kung patuloy ang mga issue at pagsugod ng mga tao ng media, hindi malayong ganoon ulit ang maging desisyon niya. Natatakot ako dahil hindi ko gustong gawin niya iyon.

May itinuro si Lola na litrato kaya sinubukan kong ibaling doon ang atensyon.

"Si Jackson po ba talaga 'yan?" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa batang may wig, nakamake-up, cutics, boots, and a darna outfit. Nalaglag ang panga ko dahil mas maganda pa siya sa akin noong bata!

"Kaya minsan ay hindi na kami nagtataka kung biglang lumalambot ang aming apo. Aba! Sinong hindi kung mula pagkabata ay ganito ang ginagawa sa kanya ng mga ate niya?" natatawa niyang inilipat ang hintuturo sa susunod na picture.

There, with his 3 sisters, he's wearing a mermaid costume.

Hindi ko man lang magawang pagmasdan ang mukha ng mga kapatid niya dahil sa kanya ako nakatutok. Hindi konna napigilan ang paghagikgik. Poise na poise naman dito ang bakla ko.

"Ilang taon po siya nito?" natatawa kong tanong habang tinitignan pa ang ibang litrato.

"9 years old siguro," sagot ni lola.

"Apat lang po silang magkakapatid?"

"Oo. Sa kasamaang palad ay siya nga lang ang lalaki at bunso pa." Tumawa si lola at maging ako.

"Nasaan na po ang mga kapatid niya? Ang tatay niya?" maya-maya'y tanong ko nang malipat namin sa litrato ng buong pamilya ni Jackson. Gaya ng lolo niya ay kamukhang-kamukha niya din ang ama niya. Ang kanyang ina ay kuhang-kuha niya ang pagngiti at ang mga mata nito. Maliit pa lang si Jackson dito, mukhang iilang buwan pa lang o ewan ko kung may isang buwan na nga ba dahil kita ang ingat na ingat na pagbuhat sa kanya ng ina.

"His sisters are currently living with their husbands. What do you expect? They are already teens when they got Jackson as their brother. His father is at the states now, he has devoted himself in working that he's forgot to visit his family." Malungkot na tumitig  si lola Wella sa litrato nga buong pamilya ni Jackson.

Kung ganoon..

"Ilang taon na po nang huli silang magkita?"

Malungkot ang ngiti niya nang sumagot. "Hindi pa ata graduate sa elementary si Jackson."

Napakagat-labi ako. Na-realize kong halos hindi nasaksihan ng mga magulang niya ang paglaki ni Jackson. Tingin ko kung buhay pa ang ina ay proud din siya tulad ni Lola Wella.

Inilipat ulit namin at muling nagpakita ang mga litrato ni Jackson kasama ang kanyang mga kapatid habang naglalaro ng jackstone at barbie. Sa palagay ko ay puro sina Lola Wella ang kumukuha ng litrato.

"Lola!"

"AyjusmiyoMarimar!" gulat na sambit ng matanda sabay napahawak sa kanyang dibdib. Agad akong umalalay dahil baka atakihin siya. Nagulat din ako pero naunahan ako ng kaba sa kung anong pwedeng kahinatnan ni Lola Wella.

Siraulo 'to si Jackson.

Lumapit si Jackson sa amin at hinablot ang photo album.

Namumula ang buong mukha niya at hindi magawang tumingin sa akin. Nakatingin lang siya nang masama sa lola niya na ngayon ay humahagalpak na.

Jusko. Kung makahagalpak si Lola, parang kanina lang ay halos atakihin na siya ah?

"W-what did you see?" tanong niya at pilit na itinitigil ang paningin sa akin ngunit di niya magawa dahil sa mapang-asar kong tingin sa kanya.

Bwahahahaha.

"Sikretong malupit."

"A-aalis na ako. P-pinuntahan ko lang kayo para magpaalam. I'll be late on my next schedule. Sige!" tuloy-tuloy niyang sabi nang hindi tumitingin sa mga mata ko. At habang nagsasalita siya ay naglalakad na siya patungong kotse niya.

"Tsk tsk tsk. Ang apo ko talaga," sabay hagalpak na naman ni Lola Wella.

Nakangiti na lang akong napapailing. Gusto ko sana siyang habulin at panggigilan kaya lang ay nakalalay pa rin ako kay Lola Wella dahil nakakabahala rin ang patuloy niyang hagalpak.

______

THANK YOU!

I LOVE YOU GUYS!

-authornim.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon