"Uh.. sorry," mahinang sabi ni Scott at lumapit sa amin, "alam kong kakalabas mo pa lang sa issue mo with Jackson pero ito at nadagdagan na naman." Napakamot siya sa batok niya at naupo sa kaharap naming sofa.

"H-Ha? Ang totoo ako ang dapat mag-sorry dahil ikaw na nga itong nagmagandang loob pero nadadamay ka pa." Bumuntomg-hininga ako. "Malas lang ata ako." Ngumiti ako sa kanya nang pilit.

Kumunot ang noo niya at pinagalitan ako dahil sa naiisip. Lumapit siya sa amin ni Manang Fe at tumabi. May ipapaliwanag daw siyang solusyon sa ngayon. Sumunod naman agad ang kapatid niya.

"Kinausap ko na si Manager. He'll do something about this daw. Papalabasin niyang malayong pinsan kita at of course, you're a big fan of Jackson kaya madalas mo siyang kasama.

"And if they ask kung bakit ngayon ka lang nakitang kasama 'ko. Your mother doesn't want you to get involve in any kind of issue, pero dahil matigas ang ulo mo at die hard fan ka ni Jackson.. you created a fans club at ikaw ang presidente.

"If someone knew about your family background gaya ng schoolmates mo o ng iba mo pang kamag-anak. We can take care of that. Sa ngayon, huwag ka na lang munang lumabas ng bahay para hindi ka nila guluhin." mahabang paliwanag ni Scott sa akin.

Tatango-tango lang ako. Hindi ko alam kung pati si Manang Fe. Aalis na ata siya dapat pero napipigilan dahil sa paghawak ko sa kamay niya.

Ang kongklusyon ay kailangan pa naming manatili rito kahit na hiyang-hiya na talaga ako. Pakiramdam ko nga ay si Angela na lang ang makapal ang mukha at gusto na atang permanenteng manirahan dito.

Dumaan din sa isip ko ang pag-aaral ko at mga kaibigan. Ipinapatay muna ni Scott ang mga cellphone namin para hindi kami matuksong magsocial media. Iyong kay Kuya lang ang hindi. Ang bulong niya sa akin kanina, umaasa siyang kokontakin kami ni Amang. Nginitian ko na lang siya dahil doon.

Ayaw ko mang makaabala, naisip kong kailangan kong magtiis dahil may ibang tao na naman ang naghahanap ng solusyon sa problema ko. Ang maitutulong ko ay ang pagsunod.

"P-paano 'yung mga kapatid ko? Si kuya? Paniguradong guguluhin siya ng mga katrabaho niya," maya-maya'y tanong ko nang maisip iyon.

"Si GD ang bahala roon. Kung hindi sila madala sa pakiusapan, kailangang pakitaan sila ng pera. As if namang may mapala sila kung dadaldal sila sa media. Doing so would cost them big." Ngumisi si Scott. "Gano'n ang gagawin sa lahat ng magsasalita tungkol sa inyo."

"Yup." Tumango si GD sabay nagthumbs up.

Nakahinga ako nang maluwag at nagpasalamat sa pamamagitan ng mga tingin.

I am being a burden. Kung sinu-sino na lang ang nakakapitan ko at kung anu-ano pa ang nadadala kong kamalasan sa kanila.

At ngayon, handa pa silang gumastos nang malaki para sa akin. Kung tutuusin pupwede namang paalisin na kami dahil puro problema ang naidulot namin--ko.

"S-sorry talaga. Malaking abala pa ang naibibigay ko sa iy---"

"Why are you saying sorry? Kasalanan niya 'yan."

Sabay-sabay ang paglingon namin sa nagsalita kasabay ng malakas na pagsarado ng pintuan ng bahay nila Scott.

Si... Jackson.

Napaawang ang mga labi ko at nabitin na sa ere ang mga dapat sabihin.

"Tss. Nakatakas ka sa media?" Tinaasan ni Scott si Jackson ng kilay at ngumisi. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Your people are too weak. Ilang oras nilang pinipigilan ang mga media but then my men managed to sweep them away in just a snap." Ngumisi din si Jackson, nagyayabang.

Nagkibit-balikat lang si Scott. Tulala lang akong pinagmamasdan sila. Mukhang inaasahan na ni Scott si Jackson. Hindi man lang siya mukhang gulat.

Sa gitna ng titigan nila, maya-maya'y sumeryoso ang mukha ni Jackson at lumingon sa akin. His eyes softened.

"I'm sorry. Na-late ako sa pag-uwi," malambing na sabi niya sa akin.

Nagtaka naman ako bigla. Isang araw pa lang ang nakakalipas mula nang umalis siya. 2 weeks pa bago siya dapat umuwi. Nananaginip ba ako?

"Ha?" napasabi na lang ako.

Lumapit siya sa akin at hinatak ako patayo.

Warmth immediately ran through my skin. I didn't know I was cold.

Nabitiwan ko ang kapit kay Manang Fe kaya nilingon ko siya at humingi ng paumanhin.

"You don't need to stay here any longer. Sa akin ka titira," he declared.

Nanlaki ang mata ko nang hatakin niya ako patungong pintuan.

I could only think of my things at the moment. "Sandali! Y-yung gamit ko--"

"What are you doing? Nandito ang pamilya niya. Dito sila nakatira pansamantala kaya bakit nakikialam ka? You need my permission para makuha sila," Scott hissed, "Bigla-bigla ka na nga lang papasok, manghahatak ka pa ng tao palabas?" Pinigil kami ni Scott sa pamamagitan ng paghatak sa isang kamay ko.

Narinig ko ang yabag ng pagtakbo sa taas. Si Angela at Kuya ay nakadungaw mula sa railings ng hagdan.

Binitiwan ni Jackson ang kamay ko. Pumamulsa siya at ngumisi.

"Right." Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at tumingin sa akin sa mata. "If I was here yesterday, and we both asked you to stay in our places.. whom would you choose?"

Napanganga na lang ako. Feeling ko.. nasa miss universe ako.

Napapikit ako nang mariin. Bakit ba iyon ang naisip ko at bakit ba kailangan pang sagutin ang tanong na iyon?

"Ah?" Maiiyak na ata ako. Lahat sila nakaabang sa isasagot ko. Lumunok ako. Okay! Una pa lang naman alam ko na kung sino ang pipiliin ko eh. "I-ikaw." Yumuko ako sa hiya.

Bigla siyang ngumiti nang malapad at tumingin kay Scott sabay hinawakan niyang muli ang kamay ko't hinatak nang mas malakas.

"See? It just happened na wala ako kaya napadpad sila sa 'yo." Sumeryoso ang mukha niya.

Pagkatapos niyang magsalita ay pumasok ang mga lalaking nakaitim na uniform at umakyat ng second floor.

Maya-maya lang ay kasama na nila si Inang pati na ang mga gamit namin.

Napalingon ako kay Scott na kasalukuyang nakatiim ang mga bagang at nakatitig pa rin kay Jackson.

I'm trying to catch his eyes to relay my grateful message but they were fixated on Jackson.

Si Manang Fe ang tinitigan ko. Nang makita akong nakatingin ay tumayo siya at ngumiti. I think she understood what I'm trying to convey.

Nakakahiya hindi ako nakapagpasalamat nang maayos.

"Thank you for taking care of them while I wasn't here. Sorry but they need to leave this place this early." Tumalikod si Jackson habang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang mabilis na pangyayari.

Naiintindihan ko pero natatanga ang utak ko sa bawat binibitawan nilang salita.

"S-salamat, Scott and GD!" nagawa ko pang sambitin bago namin tuluyang lisanin ang bahay nila. I tried so hard to give all my 'thank yous and sorry' through my tone. I hope my sincerity reached them.

I feel sorry yet thankful for Scott. Malaki ang naitulong niya sa amin pero sa ganitong paraan lang kami aalis.

Naisip kong magpapasalamat sa ibang pagkakataon, iyong mas maayos at sincere. Hindi ako makapag-isip nang matino ngayon dahil sa gulat kay Jackson. Pakiramdam ko naghaharaya lang ako.

Pero kahit gano'n, ibang klaseng tuwa pa rin ang nararamdaman ko lalo na ngayon at nakatitig ako sa magkahawak naming kamay ni Jackson.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon