"We're here." Inalalayan niya ako sa pagbaba. Doon kami huminto sa remote na area ng kalsada at 'di masyadong nadadaanan ng mga tao o estudyante.

"Salamat." Nginitian ko siya nang sweet. Yiie.

"Take care. 'Wag mo kalilimutang mamahalin pa kita lalo kaya hindi ka pwedeng mapahamak." Ngumisi siya.

Binatukan ko lang siya nang pabiro habang pinipilit ang sariling huwag ngumiti.

"Umalis ka na nga." Bigla siyang sumimangot pagkasabi ko 'nun. "Oy! Ibig kong sabihin, u-umalis ka na. Hindi permanently, aalis ka---" Ang hirap namang magpaliwanag. Pero pinutol niya rin ang sinasabi ko.

"Yeah. It's just that – I'll be gone for two weeks," mahina nyang sabi. Hindi alam kung paano magpapaliwanag.

"A-aalis ka? As in, literal talaga? Kailan?" Nanlalaki ang mga mata ko.

"Mamaya."

"Mamaya agad!? Hindi mo man lang ako pinag-ready!?" Eh ano ba kasing magagawa mo, Poyi? Hindi mo sya boyfriend, bakit ka nagagalit?

"I'm sorry. Kaninang umaga ko lang din nalaman. My movie with Diana will be launched in other countries. We need to be there." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Hindi bale, dalawang linggo lang naman. Mag-iingat ka ah?" Hindi ko alam kung malamig ba ang pagkakasabi ko o nag-aalala pa.

"It's damn two weeks, Angeles. Hindi ko kayang mawalay sa'yo nang ganun katagal."

Akala mo isang taon siyang aalis kung makadrama.

"Eh anong magagawa natin? Nagawa naman nating hindi magkita noon nang higit pa sa dalawang linggo 'di ba?" Inalala ko iyong mga panahong nag-aaway kami.

"Kaya mo." Napatitig agad ako sa kanya pagkasabi niya noon. "Pero hindi ko kaya, araw-araw pa rin akong nakasunod sa'yo.. dahil hindi ko kaya," he smiled sheepishly.

I bit my lower lip. Trying to suppress my gushing emotions.

"Papasok na 'ko. Late na talaga ako." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"Angeles," malungkot niya akong tinawag.

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya nang ilang segundo hanggang sa sinagot na niya iyon.

"Manager."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

Araw-araw naman pala niya akong nakikita. Pero ako hindi ko man lang siya masulyapan. Ilang araw pa lang ulit kaming nagkakasama, pero aalis agad siya? Nakakainis!

Pagpasok sa school ay marami pa ring estudyante. Siguro wala ang mga first subject teachers ngayon.

Nagulat na lang ako nang makitang nakatingin sa akin ang lahat at unti-unti silang nagtipon para palibutan ako na para bang nakaplano na iyon. Maaga pa kaya hindi sila ganoon karami at kung may teacher man na maaga pumasok, malamang nasa faculty 'yon at ang layo no'n sa gate.

Wala pa atang ilang segundo nang makarecover ako ay nagsimula na silang pagbabatuhin ako ng itlog, bato? May bato rin, at kung ano-ano pang mahawakan nila.

Sa gitna ng pambabato nila ay napansin kong walang mga lalaki. Isang dahilan lang ang pumasok sa isip ko kaya ganito, maaaring mga fans sila ni Jackson.

"Bitch! You dare to have a date with Jackson? Ha! Ang kapal naman ng mukha mo?" sigaw ng isa mula sa mga nangbabato.

"Hongkong pa talaga ang hiniling mong puntahan ah? " binato ulit nila ako.

"Desperada!"

"Social Climber!"

"Bitch!"

"Whore!"

"Slut!"

"Pathetic!"

"Sinisira mo lang ang image ni Jackson!"

"Stay away from him!"

"Hindi kayo bagay! 'Wag kang ilusyonada!"

Napangisi na lang ako. Salamin ba ang tingin nila sa akin?

Hinayaan ko na lang sila. Not until I saw my friends being dragged by some guys na hindi ko malaman kung sino at saan nanggaling.

Nataranta agad ako at kung kanina' y hindi nakakaramdam ng kaba ay tahip-tahip na ang bilis ng tibok ng puso.

Anong laban ng mga babaeng kaibigan ko sa mga iyon?!

"A-AIKA!!" Napatayo ako mula sa pagkakahandusay sa sementadong sahig ng paaralan.

Nagtawanan sila nang mapansin akong nakatingin nang nag-aalala sa mga kaibigan ko.

"Ayaw kasi nilang maki-cooperate sa 'min eh. Ayaw nilang ibigay ang number ni Jackson. Ipinabugbog ko tuloy sila sa friends ni Kuya," proud na sabi ng isa at nagtawanan ulit sila.

Sinong desperada sa amin ngayon?

"Gago kang panget ka!" Galit na galit akong sumugod sa kanya.

"AAAH!! Y-you're so dirty! OH MY GOD! DON'T PULL MY HAIR!" Hinatak ko ang buhok niya hanggang sa mapahiga siya sa sahig.

Hinatak din ng mga kaibigan niya ang buhok ko, kahit marami sila, hindi ako bumitaw sa buhok ng bruhildang ito. Putangina talaga, hindi ako nagmumura pero tangina talaga. Ginagalit ako ng babaeng 'to, at isa 'yon sa mga paraan ng paglabas ko ng galit ngayon– kahit sa isip lang.

I don't want to stoop down in her level pero alam niyo 'yung pakiramdam na naiiyak ka sa sobrang galit at gusto mong manakit?

Bakit dinadamay ang mga kaibigan ko?

Ni hindi ko na napapansin ang paligid dahil sa blurry na ang paningin ko dahil sa luha kaya hindi ako nakahanda sa isang atake mula sa isang lalaki.

"Ugh!" Hindi mahinto ang pag-ubo ko nang may sumuntok sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay lalabas ang bituka ko. Sobrang sakit!

"How dare you touch my sister?" Galit na galit na mukha ng isang lalaki ang bumungad sa akin.

Hindi ko na nagawang magsalita nang dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ni hindi ako makagawa ng ungol o tunog mula sa boses ko.

Napapikit ako nang makitang susuntukin pa niya ako. Tumulo na lang nang tumulo ang mga luha ko.

"Bakla ka ba?" Narinig ko ang pagtahimik ng lahat, dahilan para dahan-dahang ibukas ko ang mga mata ko.

"Sino ka ba? Pwede ba pre 'wag kang mangialam?" Ipagpapatuloy niya sana ang pagsuntok sa akin pero pinigilan siya ni GD.

Oo, si GD nga. Naaaninag ko pa siya.

"Bakla ka talaga, ano?" nakangisi niyang tanong sa lalaki.

"Fuck you!" At si GD na nga ang sumalo ng suntok na para sa akin.

"Tsk tsk tsk. Stupid." Sumingit naman bigla ang isa pang lakaki.

"OMG!"

"S-Scott!"

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin.

"Hindi mo man lang ako tinawag GD? 'Wag mong solohin ang mga ganitong pagkakataon." Napasinghap kami nang suntukin niya iyong lalaki. "Do not ever lay your fist on my brother's face again." 'Singdiin ng pagbitaw niya ng mga salita ang pagsuntok na iginawad niya. "And also on this girl." Itinuro niya ako sabay lumingon siya sa akin at kumindat.

Nanlalaki lang ang mga mata ko.

B-brother? Ano?

"Gago, bakit ka sumunod?" inis na sinabi ni GD habang hawak ang panga.

"Ugh," bulong ko habang tuloy-tuloy ang sakit na nararamdaman ko.

Lumabo lalo ang paningin ko at hindi ko na malaman pa ang ginagawa nila. Sinubukan kong lingunin sila Aika pero hindi ko na sila matanaw pa. Hanggang sa tuluyang nagdilim ang paningin ko.

_______

Edited 01/11/20

I love you!

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon