Nakangiwi naman akong naupo habang tinatawanan ng mga kaklase ko.

"Lakas mo, Poyi!" sigaw ni Aika. Nginisihan ko lang sya't hiningian ng papel.

Sinabi na nga ba't maling desisyon ang sagutin ng kalokohan si Gng. Alonzo eh. Mukhang babagsak na naman ako sa quiz na 'to.

"Poyi! Anong in-order niyo?" tanong agad ni Cola pagkakitang-pagkakita sa amin sa canteen.

"Edi paborito niyo."

"Fries?"

"Hindi. Burger." Sumimangot ako.

"Eh hindi ko naman paborito 'yon eh! Fries nga favorite ko!" nagpapapadyak niyang sabi.

"Eh alam mo naman palang iyon ang paborito mo eh! Bakit tinatanong mo pa? Kasasabi ko lang na paborito niyo ang in-order namin 'di ba?" Inirapan niya lang ako't padabog syang naupo sa tabi ni Aika na busy sa iphone niya.

"Chill." Naupo si Dea sa tabi ko.

"Bitchesa. Nakita mo na ba itong post ni Diana sa IG niya kagabi?" Ibinigay ni Aika ang iphone niya sa akin.

It's a picture of Diana with Jackson and Scott. They're wearing formal attires while looking at the cameras. I assumed that it was a premiere night.

Kitang-kita ang ka-elegantehan ni Diana sa pagdadala ng suot niyang black dress na nagpatingkad lalo sa kutis niyang porselana.

Hot na hot naman si Scott na panay ngiti sa amerikanang kulay puti habang intimidating ang dating ni Jackson na hindi man lang maingat ang mga dulo ng labi para sa isang ngiti. Seryoso syang nakatingin sa mga camera. Masama ang aura niya.

Oo, napansin ko 'yon kahit sa picture lang.

Caption naman ni Diana sa post niya; Stunning💞👸💃👥

"In fairness, stunning nga talaga si Diana diyan ah." Umusyoso si Sally. "Gwapo talaga nila papa Scott 'no? At grabe si Jackson diyan mga bebe! Saraaaap!" Binatukan naman agad siya ni Dea.

"'Wag maharot, please?" Nakasimangot na kumain muli ang huli.

"Psh! Sana talaga dumalo ako diyan kagabi eh! Balak ko pa namang sumama sa pinsan ko! Ewan ko ba kung bakit 'di ako tumuloy." Ngumuso si Cola sabay tayo para umorder pa. "Bili lang akong fries." Tinanguan lang namin siya dahil busy kami sa iba pang pictures ng mga artistang kasama sa palabas nila Jackson.

"Ganda ni Andrea Diamantes diyan oh!" paghanga ni Sally.

Hindi na ako muling nakitingin sa mga litrato. Hindi na rin naman ako interesado. Isa pa ay malulungkot lang ako lalo.

I started to feel uneasy. Hindi talaga ako sanay nang hindi nakikita si Jackson sa loob ng ilang linggo.

It has been two weeks since I last saw him. Iyon pa 'yung araw na nagtalo kami. That was also the day that I started to believe him but I decided not to. Ang pangyayaring iyon ay hindi na rin maalis sa utak ko kaya't madalas akong napapagalitan ng mga teachers ko. Obvious naman dahil sa nangyari kanina.

Hindi ko alam kung talagang busy siya o ayaw niya lang akong makita. Alam kong nasaktan ko siya kasi kahit hindi ko nakita, naramdaman ko rin mismo 'yung talas ng mga salitang iniwan ko.

I really did choose the right words to hurt him without looking him in his eyes, right after a few minutes of saying he's important to me. "I'm sorry, Jackson." Tapos ay tinalikuran ko sya't iniwanan.

I was on my full defense mode– tingin ko hanggang ngayon. 'Yong nahulog na ako sa isang bangin but I forced myself to hold tight on the edge– a hopeless case I know. Kasi hangga't walang tutulong, alam kong mahuhulog lang din ako nang tuluyan. At sa genre ng pag-ibig, walang superhero.

Alam ko na mahirap kumapit sa isang bagay na alam mong maaari at malapit nang bumigay. But there are too many concerns that still prevents me from freely falling. Baka naguguluhan pa siya. Baka iniisip niya lang na lalaki siya dahil nakikita niya ako, dahil may nangyari sa amin, o dahil madalas kaming magkasama kaya naiisip niyang gusto niya ako.

Gaya ng naging desisyon ko, I would rather lie– I will lie to myself for the mean time.

'Saka ko na hahayaan ang sarili kong mahulog nang malaya, Jackson; kapag alam kong matibay na talaga ang panghahawakan ko; iyong hindi na matitibag.. kasi napatunayan mo na nang sobra; iyong tatagos at wawasak talaga sa pader na binuo ko para protektahan ang sarili ko; iyong magiging dahilan kung bakit kusa na akong bibitaw at hahayaan kang saluhin ako.

"Tutal ay Friday, bar tayo today?" Aika wiggled her eyebrows.

I cleared my throat and tried to remember bakit napunta sa bar ang usapan. I was zoning out.

Nagngisihang aso ang mga kaibigan ko't mabilis na sumang-ayon.

I guess, I need to unwind. I don't want to stress myself just thinking about Jackson. Naguguluhan lang ako, hindi ko alam kung tama ba ang mga iniisip ko o makatwiran pa ba. High school pa lang ako pero punong-puno na ako ng problema.

Tumango na rin ako.

"And please bitches! Uuwi tayong kumpleto ah?" dagdag ni Aika sabay pinanlakihan ako ng mga mata.

Nagkibit balikat na lamang ako nang pagod.

____
Edited 01/10/20

FEEDBACKS <3

I LOVE YOU GUYS. Thank you for understanding me. T_T sobra akong nata-touch.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon