"Nah. Hindi naman sa natatawa. Natutuwa ako," nakangiti niyang sabi. Kumagat labi pa si Koya mga bes! Jusko. Bakit ganyan? Ayoko ng ganyan! "Natutuwa ako dahil kahit.. isang linggo tayong hindi nagpansinan.. na-miss ko ang mga pabalang mong sagot sa akin. It all made me missed you so much. At ngayon, you're talking to me like nothing really happened. I'm happy to see you okay and doing good the way you should be."

I was startled by his beaming smile. I forgot I am on my guarded state.

Huminga ako nang malalim at nag-isip ng isasagot sa kanya.

"Hindi mo naman in-expect na iiyak ako 'no?" curious kong tanong.

"Of course, not. Why would I think that? I'm not worth of your tears," nakangiti pa rin niyang sagot tapos ay agad na nilingon ang waiter na lumapit sa amin.

Bumigat ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Gusto kong sumagot pero dumating na ang tinawag niya... at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Can I take your order, ma'am and sir?" the waiter asked.

"Two eklavu and two for jansns and just water for drinks." Si Jackson ang sumagot. Wala naman akong naintindihan dahil hindi ako doon naka-focus.

Buong pag-uusap nila ng waiter ay sa kanya ako nakatingin. Hindi pa rin kasi maalis sa utak ko iyong sinabi niya.

Is he not worth of my tears?

Paniguradong kapag umiyak ako, sa iilang dahilan lang. Pero sigurado akong kasama siya sa mga dahilang iyon.

Ganito ba talaga ang pananaw niya? Sa tingin niya ay hindi siya mahalaga sa akin?

"Bakit mo naman naisip 'yon?" tanong ko agad pagkaalis ng waiter.

Binasa niya muna ang ibabang labi niya gamit ang pagdila 'tsaka ipinatong ang mga siko't braso sa lamesa at mataman akong tinitigan.

Pinilit kong kumalma sa kabila ng kaunting kiliti.

Pero mukhang hindi na rin naman kailangan dahil agad ding nawala iyon nang marinig ang sagot niya.

"Dahil kaibigan mo lang naman ako."

I frowned.

"So you're saying.. dahil kaibigan lang kita ay hindi ka na mahalaga? Na mismong pag-iyak ko ay masasayang lang dahil hindi ka worth it?" naiinis at dahan-dahan kong tanong. Parang nakaramdam ako ng isang sampal.

Ganoon ba ako kasama at kalamig sa paningin niya? Ganoon kababaw ang tingin niya sa pinagsamahan namin? At ganoon niya kawalang-kwenta tignan ang kanyang sarili?

Tsk! Ngayon na lang kami ulit nagkita tapos mukhang mag-aaway pa kami dahil sa buhol sa utak niya.

Bumuntong hininga siya't nagtiim bagang. Lumalim lalo ang pagkakatingin niya sa akin na para bang tatagos iyon sa buong pagkatao ko.

Tinaliman ko rin ang tingin ko sa kanya at sinubukang gayahin ang bigat ng ibinibigay niyang tingin. Bakit hindi? He deliberately stepped on his self, on me, and on our relationship. Mali.. Hindi ko alam kung aware siya o ano, pero iisa lang naman ang resulta ng sinabi niya – nasaktan ako.

"Then, am I... important to you?" mahinang tanong niya.

"Of course!" malakas at agaran kong pagsagot na siguro kung may mga tao sa paligid namin ay nagsilingunan na. "Tinatanong mo talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

He tightened his lips upon hearing me.

"Would you still treasure me when I say that I'm no longer a gay? Would you believe me... even as a friend?"

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon