Umiling-iling na lang ako mentally. Bakit ko ba siya ikinukumpara sa mga lalaking sa libro ko lang nababasa? Kung sa bagay, wala naman akong ibang nakasalamuhang lalaki na pwede kong ikumpara sa kanya, at wala rin naman atang tatalo sa pisikal na anyo nito sa mga nakikilala ko. Mala-fictional character nga ang features niya. With that thick eyebrows, deep-set of eyes, katamtamang kapal ng mga labi, perpektong jawline, at iyan! Iyang tumatagos na tingin! Akala mo lagi akong may ginawang kasalanan kung makatingin.

"Stop staring."

Umubo-ubo ako, nasamid nang 'di oras. Iniwas ko na ang tingin at sa labas iyon inilipat.

Napansin ko ang building kung saan naroroon ang condo niya. Kaya malamang ay roon kami pupunta. Tanda ko pa ang lugar pero hindi na ang dinaanan namin.

Pagkarating namin sa tapat ng unit niya ay saka lamang kumabog muli ang dibdib ko sa kaba. Huwag mo sabihing panlalaki na ang preferences niya at nagustuhan niya ang pangyayaring naganap sa aming dalawa? Rereypin niya ba ako? Ngunit hindi pa nakakarecover ang kaselanan ko. Hindi pa siya ready ulit! Baka naman pwedeng bukas? O kaya ay sa isang araw para makapagpahinga ito?

AH! Ano ba, Poyi!

"I said, come in! Bakit ba nakatulala ka pa rin?" Napabalik ako sa katinuan nang marining ang iritado nitong boses. Iniling-iling ko na lang ang aking ulo para mawala ang mga naiisip.

Naku, talaga naman. Nawalan na nga ako ng virginity eh, parang gusto ko pang mawalan ng dignidad. Biruin mo bang mag-isip ako ng another round between us? Kakadiri talaga ako kung mag-isip. Masyado kong pinagsasawalang bahala ang lahat.

Hindi ko dapat hayaang mawala ang kung ano mang bagay na mayroon ako. Dahil maaring pagdating sa huli ay kailanganin ko iyon.

"Wala ka namang gagawing masama sa akin 'di ba?" Dineretsa ko na siya.

Hindi naman ako pinansin nito at umalis patungong kusina.

Hindi naman siya kukuha ng kutsilyo, hindi ba?

Nakahinga ako nang maluwag nang ilapag niya ang tray na may isang kape at isang baso ng juice pati na ang isang platito ng chocolate cake sa maliit na glass table sa sala. Itinulak niya palapit sa akin ang juice at cake— sa kanya naman ay iyong kape lang. Inabot ko naman agad ang juice mula doon. Pakiramdam ko natuyutan ako ng laway sa sobrang pag-iisip ng mga masasamang bagay na pwede niyang gawin sa akin.

"I want us to talk about your possibility of being pregnant." Bigla akong nabulunan dahil sa biglaan niyang pagbubukas ng topic.

Tinaasan lang nito ako ng kilay habang umuubo ako sa pagkasamid. Anong iinumin ko gayong nasamid ako dahil sa juice?

Agad din naman akong nakarecover noong subuan niya ako ng chocolate cake.

Sweet na sana, kung 'di niya lang pasalaksak na isinubo sa akin ang kutsara. Sa ganitong paraan ata niya ako papatayin!

"Ano bang pinagsasasabi mo, baks?" sigaw na patanong ko matapos malunok ang kinakain na may panaka-nakang pag-ubo pa.

Nanlaki ang mga mata niya at lumingon-lingon sa paligid na para bang may ibang taong makakarinig sa amin. "Don't call me baks!" Nakakunot pa ang noo nito.

"Bakit naman hindi? Eh bakla ka naman talaga."

"Tawagin mo pa 'kong ulit nang ganyan at talagang bubuntisin kita rito," seryoso niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa pananakot niya kaya naman napatikom agad ako.

Takot ko lang na totohanin niya nga. Malay ko ba kung mukhang lalaki pala ako sa paningin niya!

"Tsk."

"T-Teka muna. Bakit pala natin pag-uusapan ang bagay na iyon? Hindi naman ako buntis," pagbabalik ko sa topic.

"You're not yet sure. I'm not wearing condom when we did that. And you're not taking pills right? So there's a probability that you'll get pregnant," pagpapaliwanag nito.

Napaisip agad ako. Totoo nga ang sinabi niya. Ang pinipilit ko lang talagang ipasok sa isip ko ay hindi ako mabubuntis. What the hell! paniguradong lagot ako sa mga magulang ko. Masisira rin ang pag-aaral ko. Malamang din ay pagtsismisan ako ng buong baranggay dahil ang bata-bata ko pa para maging nanay!

Tapos artista pa ang tatay! Paano kung iwanan ako nito para sa career niya? idagdag pa na isa siyang bakla at malayong panagutan niya ang dinadala ko kung sakaling meron man. Tapos baka sugurin pa ako ng mga fans niya at maging sanhi para malaglag ang dinadala ko.

Nalungkot ako para sa magiging baby ko kung sakali man.

Sa lahat naman ng tao, bakit isang lalaking may magulong mundo pa ang na-encounter ko.

"So, anong gagawin natin ngayon?"

"You should take a pregnancy test after a week." Sumandal siya sa upuan pagkatapos.

"At kung buntis nga talaga ako?" kinakabahan ako sa sariling tanong.

Mabilis at seryoso siyang sumagot na para bang pinaghandaan na niya ang tanong ko at napag-isipan nang mabuti.

"Then I'll quit being an actor."

Third Person's Point of View

Hours ago, before Jackson went to Angeles' campus
At Jackson's Condo Unit

From: Jade

I sent you the school's address. I don't know why you're asking me about it when your manager can take care of the locations of the campuses you'll tour.

To: Jade

I just wanna help. Payment sent.

From: Jade

Whatever. Tnx.

Binitawan ni Jackson ang kanyang cellphone matapos malaman ang address ng kanyang destinasyon. It was clear that he went far as lying and paying just to get that information.

Kung bakit ba naman kasi hindi nakalagay sa profile nila Angeles at Aika ang pangalan ng eskwelahan nila.

He sighed and shook his head. The things he do for that girl he barely knew.

He immediately went to his room to dress himself. Dumaan ang kanyang mga mata sa isang estante, dahilan para mapahinto siya papunta sa kanyang walk-in closet.

Puno ang estante ng mga tinahing manika. The strong longing hit his chest.

Seeing the emblem of love and care, his decision became firm.

There is a possibility of him becoming a parent, and he would undoubtedly make sure that he would be able to give to his child what he was yearning.

His gaze drifted to another shelf where his concrete awards are sitting.

He smiled timidly, "I guess those are enough."

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon