Kabanata 62: Sinungaling

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Lola—"

"Hindi ka nga niya kilala. Wag ka mapilit. Kung parati mo lang sana siya dinadalaw noon. Siguro ngayon magugulat siya kung bakit ka nandito." sambit ni tita Nira. Nilunok ko ang nagbabantang salita sa aking sikmura at hindi pinansin. Na walang narinig dahil kaharap ko yung radyo.

"Kumain na 'ho kayo Lola?" tanong ko at tumayo.

Ngumiti si Lola at umiling. "Ano sa tingin mo sa amin? Hindi namin kaya magpakain at pinapagutom siya? Porket ba marami ka na makain sainyo?" sigaw ni tita Nira.

Tumikhim ako. "Ano 'ho ang gusto niyo kainin?"

"Uhm—" naputol si Lola nang sumagot si tita Nira. "Ano na nga ba ang kaya mo ipakain, Leanna? Ngayon may pera ka na? Pera na siguro—"

"Tita." bumaling ako sa kanya. "Kung iniisip niyo dahil sa pera naging marahas na ang ugali ko, mali ka. Kahit kelan, hindi ako nauutusan ng isang bagay na porket nakuha ko ay kailangan pati ang sarili ay palitan. Naging marahas ang pananalita ko sa inyo dahil nakuha ko sa bibig niyo. Dinadalaw ko 'ho si Lolo rito, masama ba magtanong? At bakit binabaliktad mo ang mga sinasabi ko?"

Humakbang siya palapit sakin, hindi ako umatras. "Sa akin mo ngayon sinusumbat ang nakuha mong ugali? Siguro nakuha mo sa mga lalaki mo yan!"

"Wala 'ho ako dapat ituro kundi kayo. Dahil yung lalaking tinutukoy niyo, imposibleng pagsalitaan ako nang ganyan. Pero dahil may nagawa ako, nagawa niya ako masaktan. Pero tita . . . wala naman ako nagawang masama sainyo ha? Ako sana nagiging masama ang trato sainyo ngayon—"

Lumipad ang palad ni tita Nira sa pisnge ko. Ramdam ko ang pagkulo nang init roon. Umawang ang aking labi.

"Apo?" nagulat na sabi ni Lola.

"Yang bunganga mo wala nang magandang lumalabas!" sigaw niya.

"Kung gusto niyong may lumabas na magandang sagot, unahan niyo nang magandang asal."

Hinawakan ko ang aking pisnge. Tumulo ang luha ko dahil sa kirot.

Itinaas ni tita Nira muli ang kanyang palad. Pumikit ako nang mariin. Naramdaman ko ang malakas na paghila sa aking braso at pagkarinig nang sampal. Dumilat ako at umungat ng tingin. Nalaglag ang aking panga nang nakapikit si Craigan.

Bumuntong hininga si Craigan. "Stop hurting her. Please stop hurting, Leanna. Don't slapped her like this again. Don't ever do this again please! Please!" unting unti siya dumilat at sumulyap sakin.

"Hindi ko sinasadya hijo, hindi ko talaga sinasadya pasensya." natatarantang sabi ni tita.

"Uuwi na ako. May kailangan pa akong gawin." sabi ko at hinawi ang kamay ni Craigan sa aking braso. Nagmadali akong lumabas ng bahay. Bukas ang gate at nakita sa dulo ang nakapark na kotse, pumasok kaagad ako doon.

Napapikit ako. Pakiramdam ko ngayon lang muli tumibok ang aking puso. Huminga ako nang malalim. Kumikirot parin ang aking pisnge. Bakit alam ni Craigan ang bahay na yon, ano sadya niya don, dinadalaw niya ba si Lola?

Hindi nga tama na pumunta ako doon na wala si Natalia. Kahit anong pigil ko na hindi sumagot kay tita. Hindi ko magawa, dahil napupuno na ako sa mga salita niya na parang may nagawa akong sobrang mali at hanggang ngayon hindi parin ako mapatawad.

"Anak, Leanna, bakit namumula ang mukha mo?" tanong ni mama pagpasok nang bahay.

"Mainit 'ho kasi sa labas, ganito talaga ako kapag mainit."

"Saan ka galing?" taas kilay na tanong ni mama.

"Kinausap si Natalia saglit. At tiningan 'ho ang kalagayan ni Lola."

The First Kiss of My Last Lover | CompleteNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ