Kabanata 58: Depressed

Magsimula sa umpisa
                                    

Parang nanigas ang aking labi. Pakiramdam ko ay lumawak ang aking tainga para klarong marinig ang bawat salita lumalabas sa bibig ni Jarvis.

"Kaya hindi ko sinabi kaagad, dahil ayaw ko na maulit to."

"Kaya pala nilihim niyang wala silang relasyon ni Aria nung naging kami." sabi ko, yumuko para hindi makita ang pananakit nang aking ekspresyon.

"Hindi siya masaya na kasama si Aria. Yung ekspresyon niya ay hindi umiiba, sa araw-araw ay palagi siyang iritrado, iritrado sakin. Pero nung dumating ka, tuwing naglalaro ay tinatanggap niya ang pagkatalo, dahil noon, wala siya halos kalaro, minsan sinasadya namin matalo. Maraming nagulat nang pagiiba ng ugali ni Craigan. Nagulat kami dahil ngumingiti na siya. Hindi nga siya mabiro noon, pero ngayon nakikisabay na. Dahil sayo, Leanna. Nagbago siya. Na masayahin siya tuwing nakikita ka."

Lumulubog ang aking puso. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa kape. Napapaso ang puso ko para sumikip muli ang didbib na hindi namamalayang tumutulo na ang luha. "Masaya ako tuwing nakikita ko ang maliwanag niyang ngiti. Pero ngayon, gusto ko na makita ulit. Hinahanap ko kapag pinagmamasdan ko siya. Sobrang nalulungot siya dahil sinabayan ko ang problema niya. Nalulungkot ako dahil ako ang pinakamasakit na rason."

"Hindi dahil sinabi ko sayo 'to para gumanti kay Craigan. Sinabi ko sayo na walang kasalanan si Craigan kung bakit siya galit sa akin. Ako ang may—" aniya.

"May kasalanan rin si Craigan, ginawa mo lang ang tama para hindi masaktan ang babaeng mahal siya. Dahil masakit sa katotohanan kung sa huli pang malalaman. Mas mabuting maaga pa habang hinahanap mo pa ang pakiramdam na tunay na pagmamahal." kinuha ko yung tissue sa gilid ng baso at pinunas yon sa aking mata.

"Gusto ko tulungan si Craigan, hindi ako sigurado kung tatangapin niya." may kinuha siya sa kanyang bulsa at nilapag sa aking palad kung nasan ang tissue na hawak ko. "Wala nang matirhan ngayon si Craigan, susi 'to ng dorm. Ibigay mo sa kanya, huwag mong sabihin na galing sakin." hinawakan niya ang aking kamay. Marahan akong tumango.

"Fuck you—" mabilis na lumipad ang kamao sa labi ni Jarvis. Mabilis akong napatayo at bumagsak ang upuan dahil sa pagkabigla.

"Craigan!" Sigaw ko. Hinawakan niya ang kwelyo ni Jarvis. Mabilis ko inagaw ang braso niya. Niyakap ko siya nang mariin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at inatras siya.

"I trusted you. I fucking trusted you! Why did you hurt her huh? You—bastard! Why did you make her cry? Why?" Mariing sigaw ni Craigan. Napapikit ako ngunit patuloy ang pagtakas nang luha sa aking mata. Mariin kong hinawakan ang kanan niyang braso. Binababa ko yon habang hinaharang ang katawan ko. Nilalayo siya papunta kay Jarvis. "I let you loved her. Iniwasan ko si Leanna, dahil nirespeto kita. Hinayaan kita. At ngayon hinarap mo siya sakin na umiiyak nang dahil sayo?"

"Craigan wala siyang ginawa. Hindi niya ako sinaktan. Hindi niya ako pinaiyak. Wala siyang ginawa na ikakaiyak ko. Please Craigan!" Magmakaawa ko na may balak pa siyang sugurin si Jarvis. Umangat ako nang tingin sa kanya nang tumigil siya sa kanyang tinatayuan.

Lumingon ako kay Jarvis na hawak ang gilid nang labi. "Jarvis I'm sorry. I'm sorry." Sabi ko sa kanya. "Craig, may pinaguusapan lang kami—" napatigil ako nang hinawakan niya ang aking braso at binaba.

"You don't need to explain. I don't need your explanation. I'm just want to know . . . I want to know that you're happy with someone. Not with me." Tinalikuran niya ako at naglakad palabas sa Coffeehouse.

Napaawang ang aking labi. Nanginginig ang braso. Nilingon ko si Jarvis at nanghinge nang yelo. Patuloy parin ang pagdugo nang kanyang labi.

"I'm sorry. Nasaktan ka ulit. Nadamay ka sa away namin nang dahil sakin." sabi ko habang nilalagyan nang yelo ang labi ni Jarvis. Dumadaing siya habang dinidikit ang panyo.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon