Kabanata 54: Expecting

Comenzar desde el principio
                                    

Napadilat at nakita si Mama pagkahila ng pinto kaya umupo kahit bumabagsak na ang aking mata.

"Leanna . . . Naistorbo ba kita?"

Umiling kaagad ako. "Matutulog pa lang po, ma." Ngiti ko.

"Pwede ko bang mahalikan ang anak ko bago matulog?"

Tumango ako. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang malamig na labi niya sa aking noo. Nakasuot siya nang office attire, kagagaling niya lang ng trabaho.

"Si papa po?"

"Work. Gusto mo na bang pauwiin ko na?"

Umiling ako.

"Okay. Gusto ka makausap ng papa mo bukas. Matulog ka na. Good night."

"Good night ma."

Nakatulog ako at hindi na inantay na dumating si papa. Hindi naman kami siguro ngayong gabi maguusap. Pagkabangon ay kaagad tunuon nang pansin ang pagaayos ng mga gamit. Dahil dito na ako titira.

"Sweetie where are you going?" Tanong ni Mama nang nahuli ako ang aayos. Natatakot siguro sila na lumayas ako.

"Ma, inaayos ko lang po ang mga gamit ko dahil dito na ako titira."

"Oh." Huminga siya nang malalim para makakalma. "Tulungan kita."

"Sige po." Tango ko. Tunutupi ko ang mga damit para diretso na sa kabinet. Yung mga hindi maayos ay kinuha niya para tupiin rin. Tutulungan sana ako nang kasambahay ngunit tinanggihan ko. Dahil wala naman ako ibang aabalahin kapag di ko to pinagpatuloy.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si mama tunutupi ang aking mga damit. Parang ayaw ko na guluhin iyon para matandaan ang takda nang pagaayos niya.

"Mali ba?" Napatigil siya at nahuli ang pagtulala ko sa ginagawa niya.

"Tama po. Natutuwa lang ako, kahit sa ganitong paraan ay nakasama kita."

"Leanna pwede mo kaming makasama, kahit anong oras. Hindi kami magdadalawang isip samahan ka. Babalewain namin ang lahat para sayo."

"Salamat . . . Paano niyo nalagpasan ang mga problema at paano kayo bumangon?"

"Ang problema parang wala lang samin. Iyon kasi ang paraan para matuto. Paano makabangon. Isang hamon na dapat labanan. Hinahamon namin ang kahirapan noon. Nag sakripisyo kaming iwanan ka. Hindi kita mabibigyan nang ganitong pamamahay kapag hindi ako nag sakripisyo. Mahirap magtagumpay, ngunit kapag nalapagpasan mo, napakadali lang pala nang lahat."

Sana ganon ako katatag gaya nila. Ang akala kong malakas ako, na kaya ko noon. Mahina pala ako. Hindi ko kaya hamunin. Hindi ko kaya harapin. Nagpatalo ako. Mas piniling gumawa nang mali. Masama gawin iyon dahil nangdadaya ako sa buhay ko. Hindi dapat ako sumuko, harapin ang problema at kalimutan.

Tinapos ko ang isang damit tupiin. Kinuha niya ang isang bagahe, binuksan niya iyon. Tiningnan niya ang laman nito. Napalunok ako nang nilabas niya ang libro galing don.

"Mahilig ka pala magbasa nang mga ganito." Sabi niya habang pinamamasdan ang nobela at binuklat ang unang pahina.

"Diyan ko minsan inuubos ang oras ko." Nagdadalawang isip ako kuhain ang bagahe dahil nakabagsak ang braso niya roon. Baka kung ano isipin niya.

Nilapag niya ang nobela sa aking damit. Yumuko siya at kinapa ang laman nang bagahe. Inangat niya ang hawak, ang pulang kahon.

"Wow. Ano 'to?" Itinaas niya ang kahon, nanlaki ang mata sa singsing. "Engagement ring? Wait? Engaged ka na?"

The First Kiss of My Last Lover | CompleteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora