Kabanata 40: Ideya

Start from the beginning
                                    

Tinigil ni Craigan ang sasakyan. Lumakas ang aking pintig dahil alam kong maraming magtataka dahil sa pagkawala ko. Hindi na ako nakapagpaalam sa iba, kaya nahihiya akong magpaliwag sa mga kakilala ko.

Naramdaman kong tinanggal ni Craigan ang seat belt ko kaya halos mapatalon ako dahil sa kanyang ginawa. Hinawakan niya ang aking baywang, at dumapo ang labi niya sa aking leeg.

"Hindi ko aakalain na ako na ang masusunod sayo. Nakuha ko na rin sa wakas ang 'Oo mo. Kapag nalaman kong panagip 'to, at hindi pala tayo. Aanakatan kita kapag nakita kita kapag nagising ako." Naramdaman ko ang pagkagat ng kanyang labi sa aking leeg. Kailangan ko siya mapigilan. Hindi dito, hindi pwede dito.

"Craigan kailangan natin mag aral. Kakain pa tayo, pwede tayo mahuli sa klase dahil sa kakaantay dito."

Umayos siyang bumalik sa kanyang upuan. "Leanna, maaga pa. Ginagawa mo bang rason yan para makatakas sa akin huh?"

"Nagugutom na ako, bakit naman ako tatakas kung gusto ko rin naman . . ."

Bumaling ako sa kanya, nakita kong lumaki ang kanyang ngisi sa aking sinabi. Parang nailuwa ko ang sarili kong dugo.

" . . . gusto ko na kamain. Iyon ang ibig kong sabihin." Paghabol ko.

Tumango siya, hinawkan niya ang kanyang labi habang pinagmamasdan ako. Parang wala siyang balak lumabas ng kotse. Iniisip siguro ang mga sinabi ko.

Tumitig ako sa kanya ng mas mariin. Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin. "Okay, okay, kakain na tayo." aniya at may pinindot roon, mabilis kong binuksan ang sasakyan.

Sumusunod lang sa akin si Craigan habang humahakbang patungo sa cafeteria. Pakiramdam ko ay lahat silang natingin sa akin, pero mukhang hindi at kay Craigan sila nakatingin dahil nasa likod ko siya. Hindi ako sigurado.

"Ako na ang bibili ng pagkain doon, anong gusto mo?" Tanong ni Craigan nang tumigil kami sa mahabang mesa na wala ni isang nakaupo.

"Coffee lang, wait-" umamba ako kukunin ang pera sa bulsa ko ngunit hinawakan niya ang braso ko.

"Ako na magbabayad, umupo ka lang dito." Sabi niya at tumango nalang ako.

Pinagmamasdan ko ang pila doon habang nakaupo magisa sa mesa. Mahaba haba ang pila, hindi ako makalingon sa mga taong nandito. Hindi ko alam kung bakit.

"Leanna! Wait! Excuse me?" Napalingon ako sa tumawag sakin, nakita ko si Heloise na nakakunot ang noo parang inaalala kung tama ba yung nakita niya.

"Heloise!" Ngiti ko.

Nanlaki ang kanyang mata at umupo sa tabi ko. "I miss you! The heck! Bakit nawala ka nalang bigla sa paningin namin dito?"

"Nakalimutan ko na mag paalam dahil sa pagmamadali. Sorry."

"Oh jeez! Don't say sorry! Dahil ba 'to tungkol sa pageant?" Bumuntong hininga si Heloise. "Kahit ako rin naman ayaw na magpakita dahil sa inis. They apologize, dahil sa nangyare. Then, iyon siguro ang rason bakit ka nawala. Sorry! Di na iyon mauulit."

Umiling ako. "Hindi iyon ang rason. May iba lang akong pinoproblema kaya ako nawala, ngayon lang ako nakabalik."

"Oh I'm sorry to hear that. Sana ay ayos na ang problema mo. Wait hmm . . . nawala rin si Craigan at bumalik rin ngayon, kasabay mo? You guys uhm . . . nag honeymoon kayo? Jeez! Ginamit mo ang pills?"

Umiling ako at nanlalaki ang mata. Hindi ko inaakalang ganito iisipin ni Heloise!

"Di ka nag pi-"

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now