Kabanata 38: Thought

Start from the beginning
                                    

Bumaling siya sakin. Nanlaki ang kanyang mata at binaba ang hawak, madaling lumapit sakin. May kaunting pagkain sa kanyang labi, dinilaan niya iyon para mahawi.

"Good morning! Are you done yet?" Napagtanto ko na tinutukoy niya ang mga gamit ko.

"Hindi pa." Maikling sagot ko. Tumaas ang kilay niya parang hindi iyon ang inaasahan lumabas sa aking bibig.

"You should start packing." Bulong niya, hinawakan niya ang aking siko parang tinutulak pabalik sa aking kwarto para gawin ang kanyang utos.

"Mamaya." Bumaba ang tingin niya sa aking leeg, dinilaan niya ang kanyang labi at lumapit sa akin. Umatras ako ng kaunti at napalinga, wala namang tao siguro ay nasa labas. "Ah ang aga-aga mangga kinakain mo?"

Tumaas ang kanyang kilay dahil sa pag pansin ng kanyang kinain kanina.

"Bakit? Pandesal nanaman ba dapat? Hindi ka ba nasasawa dito?" Sabay baba niya ng tingin at nguso sa kanyang katawan. Umangat siya ng tingin kasabay ang kanyang braso, ipinakita kung gano siya kalaki.


Umirap ako. "Hindi ko alam bakit ako napabigla ng amin. Parang hindi pa siguro ang tamang panahon?" Pinilit kong mag seryoso kahit gusto ngumiti dahil sa kanyang nakaawang na labi sa aking sinabi.


"Really? Does that mean you want to break up . . . on me?" Sinuklay niya ang kanyang buhok. "With me? Damn! Kaya mo iwanan ang taong pinaghirapan makuha ang 'Oo mo?"

"Oo. Simpleng tango lang, Craig." Hindi ko mapigilan kagatin ang aking labi at ilabas ang ngiti.


Tumango tango siya. Gumuhit ang kanyang labi, umigting ang kanyang panga at alam kong nagalit ko siya sa aking sinabi. Hindi ko alam kung bakit mas lalo ko siya nagugustuhan kapag galit ang kanyang ekspresyon. Parang pakiramdam ko, sa akin lang siya kaya mag pigil ng galit dahil mahal niya ako.

"Cool off? Fuck fine! I will say . . . advance good luck to your new boyfriend." Umamba siyang tatalikuran ako. Oh nakalimutan kong mabilis pala siyang mapikon.

Hinawakan ko ang kanyang balikat, mabilis ko inangat ang aking ulo at natamaan ko ang kanyang labi ang aking labi, sinubukan kong halikan kahit hindi ko talaga alam kung paano. Napatigil siya, kumunot ang kanyang noo ng ilang sandali at ngumisi.

"Teach me how to kiss." Pabulong kong hiling.

Nanlaki ang kanyang mata. Nakita ko kung paano siya namutla at hindi makapaniwalang nang galing iyon sa aking labi.

"Fuck! Don't tease me. Don't fucking tease me like this! Damn Leanna! If you asking something, don't you ever do this again. You're lucky . . . I'm not . . . turn on . . . yet. So stop."

Nakita ko kung paano mag pigil ang kanyang ekspresyon. Tumutulo na ang kanyang pawis at namumula na ang kanyang mukha. Alam kong gusto niya ako halikan ngunit wala ako ideya bakit hindi niya magawa.

"Bakit hindi mo ako halikan? Hinahayaan kita."

"Damn it! Baka hindi lang sa halik humantong. I want to go to your room and pack your things but fuck! Hindi ako sigurado kung maayos pa kapag sumunod ako." Umiwas siya ng tingin. Malalim na hininga at parang ngayon lang nakabalik sa mahabang tinakbo para mag habol parin ng hininga.

Hinawakan ko ang kanyang tattoo at narinig ko ang malulutong niyang mura. "Fuck! What the fuck are you doing?" Hinawi ko kaagad ang aking kamay.

"Paano mo na desisyunan mag palagay ng tattoo, na hindi ka pa sigurado sayo na ang bagsak?" Gusto ko malaman kung paano niya nagawa iyon kahit nakikita at sinisimulang ligawan palang ako.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now