Nang nakabalik nahuli kong pa linga-linga sa paligid si Ron at alam kong kami iyong hinahanap niya. Nang nakita niya kami na patungo sa aming upuan ay kumalma ekspresyon niya.

Nauna ng umupo si Craigan, tinaas ko ang aking isang daliri at sinenyasan na isang laro lang pero mukhang hindi niya nakuha ang sinabi ko kaya umupo nalang at binulong sa kanya.

"Last game nalang. Uuwi na kami pagkatapos."

Bumuntong hininga si Ron. "Okay. Ito na yung paborito kong laro. Makinig ka."

Humarap na ako at may iilang upuan na sa aming harapan. Wala akong nakuhang ideya kung anong laro ang susunod.

"Ang susunod na laro ay 'iangat mo ako' madali lang. Ito yung piso, uupo yung lalaking partner pahiga sa upuan. Ang gagawin ng babaeng partner ay iaakyat ang pera patungo sa mukha, gamit ang baba. Syempre gagalaw rin iyong lalaki kung paano niya tutulungan umakyat iyong piso." May mesa sa kanyang harapan at may nilapag don. "Syempre maghuhubad ang lalaki at itong oil ay ipapahid sa katawan nila bago simulan ang laro. Good luck!"

Mabilis lumipad ang aking palad sa labi. Parang hindi ko kakayanin ang larong 'to. Talagang hindi! Kaya pala gustong gusto ni Ron ay sumali ako dahil dito? Shit! Okay sana pero bakit kailangan hubad, para maiangat iyong piso? Wrong idea! Sana umuwi nalang talaga ako.

Pinatayo kami at inabutan ako ng oil. Anong ibig nilang sabihin ay ako pa mismong maglalagay nito? Nakita kong unting unti na tinatanggal ni Craigan ang butones sa kanyang suot, nakangisi nanaman siya. Umiwas ako ng tingin, at naramdaman ko ang pagpula ng aking mukha.

Pinapunta na kami sa harap nang nahubad na ni Craigan ang kanyang suot na iniwan niya sa kanyang upuan. Lumapit ako sa kanya at inabot iyong oil. "Ikaw na maglagay."

Umiling kaagad siya. "Di ko malalagyan lahat. Ikaw na para sigurado."

"Paano ka nakakaligo kung di mo pala abot katawan mo?"

"Leanna tayo naman diba? Kaya malaya kang hawakan ako. Basta . . . malaya rin akong mahawakan ka." Kinindatan niya ako. Umirap na lang ako at binuksan ang bottle.

Binuhos ko iyon sa aking kamay. Napakagat ako sa aking labi bago inilagay iyon sa kanyang dibdib. Nanginig kaagad ang daliri ko, dahil sa init ng kanyang katawan. Tumingala siya at binaba ko ang aking palad na hindi tumitingin sa kanyang katawan.

"Leanna . . ." Daing niya at binawi ko ang aking palad, naramdaman ang pag init ng aking tainga dahil sa kanyang tawag. Umiling ako, hindi niya talaga babaguhin ang pag gaganyan niya.

Nilagayan ko ulit ang aking palad, nilagyan ko ang kanyang leeg. Bumaba ang tingin niya sa akin. Namumula ang kanyang mukha. "Pababa . . ." Pabulong niyang sabi at umiling ako.

"Tumigil ka kung ayaw mo masaktan ka ulit."


"Matatalo tayo kung hindi madulas ang baba hmm?"

Umirap ako, wala akong magagawa at hindi niya titigilan ang pangungulit sakin kapag nag pumilit pa ako. Binaba ko ang ang aking palad sa kanyang v-lines patungo sa gitna, naramdaman kong mas lalong tumigas ang kanyang katawan.

Umupo na siya sa silya pagkatapos ko lagyan. Nakangisi habang hawak ang kanyang labi pinagmamasdan ako. Tama bang sinagot ko na siya ngayon, biglaan ba ang pag desisyon ko?

Isa-isa kaming inabutan ng piso. Sinabing ilalagay iyon sa ibabang parte, at parang hindi ko kakayanin iakyat ang bagay na ito kay Craigan, kahit wala pa ay naiisip ko ng nahihirap ako.

Kumuyom ko muna ang piso at nilagay iyon malapit sa itaas ng butones sa kanyang shorts. Shit! Dapat ito na yung huling laro.

Kumikintab ang katawan ni Craigan, dahil sa reflection ng ilaw nakapaligid sa amin. Sa akin lang siyang nakatingin habang nakatayo parin ako sa kanyang harapan nakahalukipkip.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now