Kabanata 34: Lasing

Magsimula sa umpisa
                                    

Naramdaman kong may pumulupot sa bewang ko. "Mag ingat ka sa paglalakad. Wag ka magdali, alam kong tatakasan mo nanaman ako." Tumawa si Craigan at kumalas saking bewang.


Hanggang sa pila ng igib ng tubig ay tahimik parin ako. Nasa unang pilahan si Ron, sa gitna ako at si Craigan ay nasa aking likod. Nakatingin lang ako sa harapan, wala naman akong bitbit na timba pero pumili ako, para umiwas muna sa titig ni Craigan. Nakikita ko ang nakapila na sumusulyap sa aking likod. Napatalon ako nang may biglang humawak sa braso at naramdaman ang hininga niya sa aking buhok.


"Kanina ka pa tahimik. Gusto mo magingay tayo?" Bulong niya, napangiti ako, hindi ko alam bakit iyon lumabas sa aking labi. "Leanna, galit ka nanaman ba?"


"Ano naman gusto mo pagusapan?" Sa harap parin ang tingin ko. "Kaya nga tahimik ako diba?"


Naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga. "Bakit kapag si Ron kausap mo ay madaldal ka . . . gusto mo ba hindi ako ganito . . . yung maging babae nalang?" Tumawa siyang pabulong.


Lumingon ako at nanliit ang aking mata. Napakurap ako at nakangiti lang siya. "Madaldal ka ba? Mukha namang hindi dahil seryoso ka minsan. At nasa gitna tayo ng pila, pwede namang magusap mamaya."


"Sa isang bagay lang ako maingay Leanna. Mas lalo siguro iingay kapag kasama kita." Mas pabulong niyang sinabi.


"Bakit hindi ka pumasok ngayon?" Iniba ko ang usapan kahit alam kong ako ang ituturo niyang dahilan.

"San mo ba sa tingin mo gusto ko pumasok . . . diba sayo parin."

"Craigan! H'wag ka mag ganyan dito." Mariin kong bulong.

"Saan mo ba sa tingin ako papasok . . . diba sa puso mo . . . what are you thinking?" Tumawa siya.

Hindi ko na siya pinansin at pumunta na sa poso si Ron. Sinenyasan niya si Craigan na lumapit, nilagpasan ako ni Craigan at inabot niya kay Ron ang timba, kumunot ang kanyang noo at sumulyap sakin nang nakita ang poso, parang nagpapatulong kung paano ito gawin.


Lumapit ako roon at hinawakan ang mahabang metal. "Hawakan mo lang 'to at itaas, baba mo lang ng paulit ulit hanggang sa mapuno yung timba."


Tumango siya at hinawakan ang metal, ngumiti siya at sinubukan ang aking ginawa. Itinutokk na ni Ron kung saan lalabas ang tubig, lumabas ang kaunting tubig don.


"Ulit ulitin mo lang yung ganyan." Sabi ko, at mas binilisan niya kaya mabilis ding lumabas ang mga tubig don.


"Mahirap pala makakuha ng tubig dito." aniya.


"Oo. H-hindi naman 'to kagaya sa maynila na madali lang."


"Kaya pala ang hirap makuha ng Oo mo . . . " Tumingin siya sa poso. "Kasing hirap mag igip ng tubig, pero kakayanin ko hanggang sa mapuno ang timba hanggang sa mapuno na ang desisyon mong sagutin ako." Ngumisi niyang binalik ang tingin sakin. Nanlaki ang aking mata at iniwasan ang tingin sa kanya. Tinuon ng pansin ang timba, nakita kong natatawa si Ron dahil narinig niya yung sinabi ni Craigan.


Nang napuno ng ang dalawang timba, nilapitan niya iyon at umambang kukunin ang dalawa. Mas lalong lumaki ang kanyang braso nang natapos iyon, lumabas na ang ilang ugat don dahil hindi niya tinigilan.


Mabilis ko inagaw ang isang timba. "Kami na ni Ron dito sa isa. Pagtulungan na namin."

Tumutulo na ang pawis sa kanyang mukha. Tumango siya, at kinuha ang isa. Nauna na kaming naglakad habang dala namin parehas ni Ron ang isang mabigat na timba, medyo malaki yung na dala.


The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon