Tumigil ako sa bahay na gawa ng kahoy, hindi parin nababago sa paningin ko iyon. Nagbayad ako at tinulungan ako ng tricycle driver ibaba ang maleta ko. Mabasa ang daan, maputik, mukhang kakatapos lang umulan rito. Nakita ko ang matataas na puno at mga damo sa paligid. Meron mga kambing gumagala kung saan. Napangiti ako, nang nakitang nag bukas ang pintuan ng bahay. Kinakabahan akong lumapit roon. Bumuntong hininga ako at dahang dahan nag lakad para hindi matalsikan ng putik ang paa at bagahe ko, ngunit napuputikan parin kahit marahan akong mag
lakad.


"Lola! Lolo!" Hindi pa ako nakakalapit sa pintuan ay sumigaw na ako para tawagin sila. Hindi na ako mapakali makita sila. Mukhang hindi nila ako narinig hanggang sa nakarating ng pinto ay inulit ko ang aking sinabi. Nakita ko ang maputing nakalugay na buhok ni Lola na nakaupo nakatalikod sa pinto. Narinig ko ang munting lumang kanta. "Lolo!"


"A-apo?" Napalingon si Lolo. Kinuha niya ang salamin sa gilid saka kumurap sa akin. Ngumiti ako lalo at hindi na siya inantay makalapit sakin, ako na mismo nag tungo sa kanya at niyakap siya. "Apo!" Tumawa siya. At hinaplos ang likod ko.


"Lolo! Miss ko na po kayo!" Halos maiyak ako nang naramdaman ko ang yakap ni Lolo. Parang sila lang ang pwedeng bumuhay ng loob ko para ngumiti ulit sa simpleng yakap nila. Kumalas ako sa pagyakap nanatiling nakatalikod sa amin si Lola.


"Lola!" Tawag ko at lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang palad. Nakapikit siya at may lumang radio sa kanyang gilid. Dahang dahan siya dumilat parang hirap iyon buksan. "Sino yan?"



"Lola, yung apo niyo. Si Leanna po. Miss ko na kayo." Tumayo ako at niyakap siya. Nakabagsak parin ang braso ni Lola. "Apo ko? Hindi ko makita." Kumalas ako sa yakap at inabot sa akin ni Lolo ang salamin, nilagay ko iyon sa mata ni Lola. "Oh! Apo ko nga!" Hinawakan ni Lola ang kamay ko saka nilagay sa kanyang pisnge. Hindi ko mapigilang mapaluha nang naala niya pa ako. "Gumanda ka lalo apo. Akala ko artista kasi ang alam ko wala akong artista na apo, modelo lang." tumawa si lola.


Nataw ako sa sinabi ni Lola. "La, kamusta po kayo dito?" Tanong ko.


"Ma-mabuti lang. Ikaw, kailan ka pa dito?" Ani ni lola.

"Ngayon lang po."

"Leanna apo. Graduated ka na? Ganoon ba ka bilis mag aral sa maynila?" Tanong ni Lolo saka umupo sa gawa sa kahoy na upuan.


"Hindi pa po, Lo." Ayoko sila madismaya. "Nag bakasyon lang po ako dito. Miss ko na kasi kayo."

"Nasaan si Natalia ang tita mo? Susunod ba sila?"

"Sino si Natalia?" Tanong ni Lola na naguguluhan. "Apo ko rin ba yon?"


"Opo. La. Ako lang po mag babakasyon muna." Kinuha ko ang bagahe ko at ginilid muna iyon.

"May manliligaw ka ba kaya ka pumunta dito?" Tanong pa ni Lola.


"Hindi po, La. Naku lagi po kayo bantay kaya wala tuloy nagtatangka." Biro ko at natawa.


"Kung meron magtangka manligaw sayo, sabihin mo sakin. Gusto ko magaan sa loob namin, at kailan mo ba balak mag asawa?"



"La. Asawa po talaga." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang napakalambot niyang kamay. "Wala po muna ako balak mag relasyon. At ayoko po muna. Kumain na po ba kayo?" Sabay sulyap ko kay Lola.

"Oo, apo." Ngumiti si lola.


"Linda, hindi pa tayo kumakain." Sabi ni Lola sa kanya. "Parating na iyong kaibigan mo, si Ron!"


Si Ron, ang bakla kong kaibigan. Siya ang naging close kong kalahating lalaki dito. Na miss ko na rin ang baklang palabirong iyon. Siya kasi ang pinagiwanan ko nila Lolo nung umalis ako.


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now