Kabanata 25: Later

Magsimula sa umpisa
                                    

"Leanna may nakaupo dito?"

"Ha?" Hindi ko gaano nakuha ang kanyang tanong dahil nakatuon ang aking mga mata sa libro. Tinapos ko muna ang isang page bago bumaling doon.

Nanliit ang aking mga mata na si Craigan pala yung kanina pang nakatayo, at napansin kong nakatingin siya sa libro na nakangiti.

"Sorry," itinikom ko ang hawak na libro. "Ano ulit iyon?"

Umiling siya at dumiretsong umupo sa tabi ko. Binuklat ko ang libro para magbasa ulit.

Narinig kong may ilang beses tumikhim sa harapan. Sumulyap ako don at nakita si Miss Lacerda na ilang beses iyon ginagawa para makuha ang aming atensyon.

"Magsisimula na ang botohan mamaya. Girls, pwede na kayo magboto. Mga babae munang mauuna. Yung mga lalaki ay maiiwan muna rito." Dumiretso si Miss Lecerda sa gitna at tumingin siya sakin. "Leanna, dito ka lang," tinaas niya ang kanyang index finger at luminga. "Boys . . . boys!" May bahid na pagbabanta ang kanyang tono.

Tango nalang ang sinagot ko. Kinagat ko ang pangibaibang labi ko. Para akong nabuhusan ng yelo sa narinig. At isa pa ay, maiiwan pa talaga ako sa mga lalaki kong kaklase. Tahimik lang silang nakikinig, pag wala na Miss Lacerda. Doon na sila mangungulit.

Bumalik si Miss Lacerda at sinenyasan niya ng kanyang daliri ang mga babae kong kaklase na sumunod sa kanya. Nakita ko ang bahid na excitement sa kanilang ekspresyon. Ngayon lang siguro sila pinayagan mag boto.

Nang nakalabas na silang lahat. Tumayo ang isa sa mga lalaki kong kaklase at sumilip sa bintana. Nag thumbs up siya at narinig ko na ang mga hiyawan nila. Gusto kong umirap, di ko maintindihan kung bakit sila masaya.

Yumuko ako at sa libro nalang tumingin.

"Naiingayan ka ba sa kanila?" Tanong ni Craigan sakin.

Umiling ako. "Hindi naman. Sanay na akong magbasa sa maingay na lugar." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Nang natapos ang isang page, sumulyap ako sa kanya at nakita ang kanyang mga mata na nakatuon lang saking daliri kung nasaan ang singsing. Umangat siya ng tingin, napalunok niya nang nakatingin rin ako sa kanya at madali siyang umiwas ng tingin sa akin.

"Yung nakita mong, inaabutan ko si Aria na roses." Nahimigan ko ang kabado sa kanyang tono. Dahil nanginginig ang boses niya sa bawal salita. Kumunot ang noo ko. "Yung totoo kasi, uhm . . . pinipilit niyang kunin iyon sakin. Kaya binigay ko na la-lang . . . damn!"

"Dapat talaga inaabutan mo siya kasi ginagawa niyo yung mga ginagawa ng mga mag kasintahan." Sabi ko ng hindi parin tumitingin sa kanya.

Narinig ko ang pagbubuntong hininga niya. "You saw what happened . . . at the library. Doesn't mean, na mag kasintahan na kami. It doesn't mean anything!"

Nanliit ang aking mata at napaawang ang bibig. What the . . . ginagawa nila iyon kahit hindi sila? Nagugulahan ako, minsan parang nag sisinungaling siya kapag kaharapan, iyon yung nararamdaman koo.

Tumango nalang ako. Kahit nawalan na ng gana sa pagbabasa pero nag patuloy parin ako para hindi iyon maisip. Bigla na lamang ako nawalan ng mood, dahil siguro sa gulat at pagkabigla.


"Leanna . . ." May bahid na himagaw ang kanyang paghinga.


"Bakit, Craigan?" Sumulyap ako sa paligid, iniiwasan ang mga mata ni Craigan. Napagtanto ko na, hindi lang pala ako ang naiwan na babae rito. Meron rin pala ako kasamahan, pero yung iba sa kanila nakikipagusap sa lalaking kaklase.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon