Kabanata 23: Timbre

Mulai dari awal
                                    

Ano kaya ang iniisip niya? Parang ang lalim. Kanina pa siya tahimik at ngayon . . . ay gusto niyang mapagisa.

Lalapitan ko siya para tanungin ang kanyang problema? Mamaya ay makadagdag pa ako mas mabuti na lamang hayaan siya.

"Hey!" Pagod na sigaw ang narinig ko. Luminga ako at nag kunwaring walang ideya kung sino iyon. Kaunti na ang estudyanteng naglalakad kaya alam kong nahalataan niya ang pagtayo ko dito at sana hindi niya nahalata na kanina ko pa siya pinagmamasdan.

Nakita ko si Craigan na nakatingin saking nakanguso. "Hey . . ." Sabi ko.

"You are going home?" Tumaas ang kilay niya.

"Yep . . ." Humalukipkip ako.

Tumango lang siya. Mabuti na lamang hindi siya nag protesta.

Tumingin ulit si Craigan sa kawalan. Hinawakan niya ang kanyang panga. Pinasadahan niya iyon ng kanyang daliri.
Gumapang sa kanyang buhok ang daliri, pinasadahan niya iyon at ginulo. Parang naguguluhan siya sa kanyang iniisip na hindi makapagdesisyon.

"Okay ka lang ba, may problema ka?" Tanong ko.

Marahan siyang tumango. Mukhang malaki nga problema niya.

"Anong problema mo? Nasaiyo kung sasagutin mo?" Humakbang ako para makalapit pa sa kanya.

"Bakit hindi mo nalang ako sagutin, e, ikaw nito ang mukhang may problema."

Nanlaki ang aking mga mata at gusto malaglag ng aking panga. Ano nga ba talaga problema niya?

"Hindi kita makuha o maintindihan, Craigan?"

"You can easily get me . . . but . . . damn . . . you're hard to understand... I'm okay. Go home." Iritado niyang sinabi at hindi parin siya tumitingin sa akin.

"Bakit ka ba nagagalit?"

"Magseselos ka lang kapag nalaman mo!" His lips sets into a hard line, pero may bahid na ngiti sa kanyang labi.

"Walang selos nakadugtong sakin-"

"Sus. Ugat nanaman yan. Ugat nanaman. Lagi nalang walang dugtong." Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag. Madali niya iyon sinabit sa kanyang balikat na nagagawang maiwasan ang paningin sakin. Laki nga ng problema nito.

"Bye." Paalam ko at tinalikuran siya.

Hindi ko alam kung kanino siya galit. Sa akin ba? Siguro sa akin. Tungkol iyon sa hawak niyang roses kanina. Pinaparingan niya ako, di ko alam. May iba pa siyang iniisip bukod sa rose.

Nang nakalabas sa gate ng school. Niyakap ko ang aking sarili. Nakalimutan ko pala dalhin yung jacket ni Natalia. Kinuha ko yung tali para talian ang buhok. Napalingon ako sa tunog ng tono ng timbre. Nakita ko si Craigan na nakatingin sa akin, nakasakay siya sa bicycle at mabilis ko rin tinuon ng pansin ang harapan. Natapos ko na taliin ang buhok ay narinig kong ilang beses niyang pinatunog iyong timbre. Malaki ang kalsada, malaki ang daan. Bakit sakin siya mismo dadaan at parang kinukulit ako na tumabi.

Tumigil ako sa paglalakad at tumayo sa gilid. Nagtiim bagang ako at inaantay siya na dumaan. Tumigil siya sa gilid ko at pinatunog muli ang timbre.

"Craig, dumaan ka na," sabi ko at tumingin sa poste sa kalayuan.

"Pwedeng ba manligaw?" Bumaling akong nakakunot ang noo sa kanya.

Mapapupungay ang kanyang mga mata. Hindi naman madalim ang tinatayuan ko. May sapat na liwanag galing sa poste at ilang kotse dumadaan sa kalsada.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang