Kabanata 14: Magbasa

Start bij het begin
                                    

Pasalamat nalang antok si Aria at hindi ako siguradong hindi niya namalayan ang pag daan ko kanina.


Tinahak ko na patungong counter. Inilahad sa kasama ang maruming tray. Humarap ako sa counter at nakita ko si Craigan na pinagmamasdan ako, nakatingin siya ng diretso sakin. Umiwas ako ng tingin, tinalikuran niya at tumingala para tingnan kung ilang minuto na lamang ako dito.

Ilang minuto na lang ay makakapag pahinga na rin ako.


"Leanna," bumaling ako sa tumawag. Nakita ko ang kakarating na babae na mukhang kasamahan namin. Nag aayos na siya sa sarili. "You may go now, mag pahinga ka na."


Tumango ako at pumunta sa room kung saan ako kanina nag ayos. Tinanggal ko ang apron at hair net. Sinuot ko na ang jacket at lumabas na roon.


Unang nahagip ng aking mga mata si Craigan. Nakatayo na siya sa gilid ng double glass door. Nakabagsak ang balikat at nasa palad niya na ang bag. Nakayuko siyang nakatingin sa cellphone. Humikab ng isang beses, sumulyap siya sa counter nang nakita niya ako, ginulo niya ang kanyang buhok. Ngayon ko lang napagtantong kanina ko pa pala siya pinagmamasdan. Lumunok ako at inangat ang kahoy para tuluyan ng makaalis sa counter at makauwi na.


"Hey, miss!" Bati niya at itinulak ang pinto para sakin. Nanliit ang mata ko.


"Oh? Ahm . . . T-thanks."


Ngumisi siya. Nanatili parin ang kanyang kamay roon.

Binalewala ko ang kanyang pagbukas sa kanan. Itinulak ko ang kaliwang pinto at doon lumabas. Sumunod siya sa paglabas at narinig ko siyang bumuntong hininga.


"Hey! Miss! Hey!" Tumakbo siya para pumantay ang distasya namin kaya't napatigil ako sa paglakad. Humalukipkip ako.
"Are you going home?"


"Of course, Craig. Gusto ko na magpahinga."

"If you don't mind . . . . . Hmm . . ."


"Hmmm?" Tumaas ang kilay ko.


"P-pwede b-ba kita mahatid?" Umiwas siya ng tingin at bumuntong hininga.


"No! I bet may iba ka pang pupuntahan. So, good bye and sweet dreams!" Paalam ko at nag martsa.


"Leanna! Don't mind me. I'm not going anywhere. Inantay lamang kita matapos." Sumulyap siya sakin. "Dammit Craigan! This is your first!" Bulong-bulong niya pero narinig ko iyon.


Nanlaki ang aking mata at binalewala ang kanyang sinabi. Nanatili parin siyang nakayuko na parang may masama akong gagawin tuwing titigan niya ang aking mga mata. Oh god! I'm tired! Gusto ko na talaga mag pahinga!


"May g-gusto ka bang pagusapan o ano, kaya inantay mo ako?" Mas lalo akong humalukipkip at diniin ang jacket sa katawan. Masyado ng palakas ang hangin kapag pagabi na ng pagabi.


"Exactly! I remember it!" Dinilaan niya ang kanyang labi. Umiwas ako roon.


"Oh! . . . Great!" Maliit akong ngumiti at himikab muli ng isang beses.


"I'm sure you're tired. Papayag ka na ba, Miss. Na ihatid kita hmm?"


I have no choice. Antok na antok na nadarama ko. Kapag pinilit ko ang aking sarili mag lakad, baka matumba ako sa daan dahil sa nararamdamang antok. Oh my god! Anong oras na ba?


"Craigan. Nakakahiya, may pamasahe naman ako-"


"Miss! Ride with me. Hindi mo na kailangan mag gastos." Ngumisi siya.


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu